Pumunta sa nilalaman

Alimpungat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Biglang gising)
Isang lalaking naalimpungatan dahil sa naulinigang mga kaluskos ng inaakalang mga multong lumitaw mula sa kanyang bangungot.

Ang alimpungat ay ang kalagayan ng pagiging kalahating tulog at pagiging kalahating gising ("hindi gising at hindi tulog", o "alanganing tulog pa at alanganing gising na") ng isang tao pagkaraan ng panahon o oras ng pagtulog. Kalimitan itong nararanasan o nagaganap kapag nabibigla sa paggising ang isang taong natutulog pa nang mahimbing, halimbawa na kung magulat dahil may pumasok at nambulabog na magnanakaw sa isang bahay.[1] Sa Ingles, katumbas ito ng pariralang half-awake and half-asleep, ngunit may tuwirang kahulugan sa Ingles bilang rude awakening[2], na nagpapahiwatig ng "hindi mabuting paggising" o "nabiglang paggising". Kaiba ang naaalimpungatan mula sa katayuan ng pagkakaroon ng somnolensya, isang uri ng kagustuhang matulog.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Alimpungat, maalimpungatan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 33.
  2. Alimpungat, rude awakening Naka-arkibo 2009-09-09 sa Wayback Machine., livinginthephilippines.com

TaoBiyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.