Pumunta sa nilalaman

Bilang na pangmasa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang bilang na pangmasa o bilang ng masa (sagisag: A), na tinatawag ding bilang ng masang pang-atomo, bilang ng masang atomiko, o bilang ng nukleon (Ingles: mass number, atomic mass number o nucleon number) ay ang kabuoang bilang ng mga proton at mga neutron (na kapag magkasama ay tinatawag bilang mga nukleon) na nasa loob ng isang nukleyus na pang-atomo (nukleyong atomiko). Dahil sa ang mga proton at mga neutron ay kapwa mga baryon, bilang ng masang A ay kahalintulad ng bilang ng baryon na B katulad ng na ang nukleyus ay ang ng buong atomo o iono. Ang bilang ng masa ay magkakaiba para sa bawat isang naiibang isotopo ng isang elementong pangkimika. Hindi ito katulad ng bilang na pang-atomo (bilang na atomiko) (Z) na nagpapahiwatig ng bilang ng mga proton ng isang nukleyus, kung kaya't natatanging nagpapakilala ng isang elemento. Dahil dito, ang pagkakaiba o dipersensiya sa pagitan ng bilang ng masa at nga bilang ng atomo (bilang na pang-atomo) ay nagbibigay ng bilang ng mga neutron (N) ayon sa ibinigay na nukleyus: N=A−Z.[1]

Ang bilang na pangmasa (bilang ng masa) ay isinusulat na maaaring pagkaraan ng pangalan ng elemento o bilang isang pang-itaas na pangtitik (superscript) na nasa kaliwa ng isang simbolo ng elemento. Bilang halimbawa, ang pinaka pangkaraniwang isotopo ng karbon ay karbon-12, o 12C, na mayroong 6 na mga proton at 6 na mga neutron. Ang buong simbolo ng isotopo ay magkakaroon din ng bilang na pang-atomo (Z) bilang isang pang-ibabang pangtitik (subscript) na nasa kaliwa ng simbolo ng elemento na tuwiran o kaagad na nasa ibaba ng bilang ng masa: 126C.[2] Ito ay teknikal na paulit-ulit, dahil sa ang bawat isang elemento ay inilalarawan o binibigyan ng kahulugan ng bilang na pang-atomo nito, kung kaya't palagi itong hindi isinasama.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "How many protons, electrons and neutrons are in an atom of krypton, carbon, oxygen, neon, platinum, gold, etc...?". Thomas Jefferson National Accelerator Facility. Nakuha noong 2008-08-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Elemental Notation and Isotopes". Science Help Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-13. Nakuha noong 2008-08-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)