Pumunta sa nilalaman

Black Mirror

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Black Mirror
Title card
Uri
GumawaCharlie Brooker
Isinulat ni/nina
Bansang pinagmulanUnited Kingdom
WikaEnglish
Bilang ng series6
Bilang ng kabanata27 (not including Bandersnatch) (List of Black Mirror episodes)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganap
Oras ng pagpapalabas40–89 minutes
Kompanya
  • Zeppotron (2011–2013)
  • House of Tomorrow (2014–2019)
  • Broke & Bones (2023–present)
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilan
Picture format
Audio format
Orihinal na pagsasapahimpapawid4 Disyembre 2011 (2011-12-04) –
present
Website
Opisyal

Ang Black Mirror ay isang British koleksyon na serye sa telebisyon na nilikha ni Charlie Brooker . Ang mga indibidwal na bahagi ay nag-lalahad ng magkakaibang tampok, ngunit karamihan ay hango mula sa spekulasyon ng malapit na hinaharap na dystopia na may temang sci-fi—isang uri ng speculative fiction . Ang serye ay inspirasyon ng The Twilight Zone at ginagamit ang mga temang sci-fi at midya upang magkomento sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan. Karamihan sa mga episode ay isinulat ni Brooker na may pakikilahok ng executive producer na si Annabel Jones .

Mayroong 27 na yugto sa anim na serye at isang espesyal na episode, kasama ang interactive na pelikulang Black Mirror: Bandersnatch (2018). Ang unang dalawang serye ay ipinalabas sa British network na Channel 4 noong 2011 at 2013, gayundin ang espesyal na " White Christmas " noong 2014. Lumipat ang programa sa Netflix, kung saan ipinalabas ang apat pang serye noong 2016, 2017, 2019, at 2023. Dalawang kaugnay na serye ng webisode ang ginawa ng Netflix, at isinalibrong aklat sa unang apat na serye na pinamagatang Inside Black Mirror, ang na-publish noong 2018. Ang mga soundtrack sa maraming mga yugto ay inilabas bilang mga album.

Nakatanggap ito ng pagbubunyi at itinuturing ng maraming tagasuri bilang isa sa pinakamahusay na serye sa telebisyon noong 2010s. Ang programa ay nanalo ng Primetime Emmy Award para sa Outstanding Television Movie nang tatlong beses na magkasunod para sa " San Junipero ", " USS Callister " at Bandersnatch . Gayunpaman, itinuturing ng ilang kritiko na halata ang kwento ng serye at binanggit din ang pagbaba ng kalidad ng serye. Ang Black Mirror, kasama ang American Horror Story at Inside No. 9, ay itinututurong dahilan sa muling pagsikat sa antolohiya mula sa telebisyon, at ilang mga yugto ang nakita ng mga tagasuri bilang prescient o nakaka hula ng hinaharap.

Ang serye ay orihinal na kinomisyon ng Channel 4 sa United Kingdom at pinalabas noong Disyembre 2011. Ang pangalawang serye ay ipinalabas noong Pebrero 2013. Noong Setyembre 2015, binili ng Netflix ang programa, na nag-komisyon ng 12 episode na kalaunan ay nahati sa dalawang serye na tig-anim na episode. [1] Ang unang anim na yugto ay inilabas nang sabay-sabay sa Netflix bilang kabuang ikatlong serye noong 21 Oktubre 2016. Ang ikaapat na serye na may anim na episode ay inilabas noong 29 Disyembre 2017. [2] Ang ikalimang serye na mayroong tatlong episode ay inilabas noong 5 Hunyo 2019. [3] Inilabas sa DVD pormat ang unang apat na serye kasama na ang espesyal na episode na "White Christmas". [4] Ang ikaanim na serye ay kinomisyon noong 2022 at inilabas noong 15 Hunyo 2023. [5] [6] [7] [8]

Dyanra at tema

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil ang Black Mirror ay antolohiyang serye, ang bawat episode ay nag-iisa at maaaring panoorin sa anumang pagkakasunud-sunod. [9] Ang programa ay isang halimbawa ng speculative fiction na batay sa science fiction: ang karamihan sa mga episode ay itinakda sa dystopiang malapit sa hinaharap na may mga makabagong teknolohiya na may pagmamalabis na isang katangian mula sa kontemporaryong kultura, na kadalasan ay batay sa internet. [10] [11] [12] Ang isang halimbawa ay ang bagay na " Crocodile ", kung saan ang Recaller device ay ginamit upang tingnan ang mga alaala ng isang tao ay ang pangunahing pagkakaiba nito sa modernong mundo. [10] Maraming ganitong teknolohiya sa serye na nagbibigay ng kakayahang magpabago sa katawan o kamalayan ng tao. [11] Nagbibigay ang mga ito ng kalayaan sa gumagamit, ngunit nagsisilbi itong paalala ng mga problemang personalidad. [11] [12] Isinulat ni Adrian Martin ng Screen na maraming episode ang naglalarawan ng "mga pangunahing emosyon at pagnanasa ng tao" na "maykasalungat at nababago ng sistemang teknolohiya na nauuwi sa kawalan ng kontrol at sakuna." [10] Ang mga tampok ay karaniwang batay sa patriyarkal at kapitalismo . [13] Ang mga nauulit na tema sa buong Black Mirror ay tulad ng data privacy at surveillance, virtual reality, indibidwalismo at konsumerismo . [10] [11] Maraming episode ang may plot twists . [14] [15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Netflix will bring viewers twelve new episodes of the critically-acclaimed Black Mirror". Netflix. 24 Setyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hunyo 2018. Nakuha noong 8 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Turchiano, Danielle (6 Disyembre 2017). "Netflix Announces 'Black Mirror' Season 4 Release Date (Watch)". Variety. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Disyembre 2017. Nakuha noong 6 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Strause, Jackie (15 Mayo 2019). "'Black Mirror' Reveals Cast, Premiere Date for Season 5". The Hollywood Reporter. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2019. Nakuha noong 15 Mayo 2019. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. DVD releases:
  5. "Black Mirror Season 6: Dark Tales of Technology and Humanity". Pep Talk radio. Hunyo 18, 2023. Nakuha noong Hunyo 18, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Strause, Jackie (26 Abril 2023). "'Black Mirror' Sets Season 6 Return, Reveals Cast and Teaser Trailer". The Hollywood Reporter. Nakuha noong 27 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Ravindran, Manori (26 Abril 2023). "'Black Mirror' Season 6 Teaser Confirms June Release; First Looks at Salma Hayek Pinault, Aaron Paul and More Revealed". Variety. Nakuha noong 27 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Strause, Jackie (31 Mayo 2023). "'Black Mirror' Season 6 Reveals Release Date, Episode Descriptions". The Hollywood Reporter. Nakuha noong 31 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Dwilson, Stephanie Dube (4 Hunyo 2019). "Do You Have to Watch 'Black Mirror' Episodes In Order?". Heavy. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2021. Nakuha noong 5 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 Martin, Adrian (2018). "Cautionary Reflections: Looking into Black Mirror". Screen (90).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 Sorolla-Romero, Teresa; Antonio Palao-Errando, José; Marzal-Felici, Javier (2020). "Unreliable Narrators for Troubled Times: The Menacing "Digitalisation of Subjectivity" in Black Mirror". Quarterly Review of Film and Video. 38 (2): 147–169. doi:10.1080/10509208.2020.1764322. {{cite journal}}: |hdl-access= requires |hdl= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Lopes, Juliana (2018). "Is there any way out? Black Mirror as a critical dystopia of the society of the spectacle". Via Panorâmica. 7 (2).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Martin, Corey; McIntyre, Joanna (2019). "The Cyborg Re-Manifested: Black Mirror, Cyberfeminism, and Genre Hybridity" (PDF). Outskirts. 39. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2023-03-02. Nakuha noong 2023-07-23.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Black Mirror". The New Zealand Herald. 20 Oktubre 2016. p. C.19.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. The New Yorker. {{cite magazine}}: Missing or empty |title= (tulong)