Pumunta sa nilalaman

Blacklist International

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Blacklist International
PandadaglatBLCK
DivisionsMobile Legends: Bang Bang
PUBG
Garena Free Fire'
Call of Duty: Mobile

Dota 2
Base saQuezon City, Metro Manila, Philippines
LokasyonSoutheast Asia
Kulay     Black
     Dark Blue
     White
CEOTryke Gutierrez
Alodia Gosiengfiao
Brian Lim
Championships3 (Pinakamaraming napanalo sa Kampenato ng MPL Philippines)
Division titlesMPL Season 7 (Champion)
Nimo Tv Cup (Third Runner-Up)

Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (1st Runner-Up)
MPL Season 8 ( Champion) MPL Invitational (1st Runner-Up) M3 World Championship (Champions)
Call of Duty Mobile Garena Invitational 2022 (Champions)
MPL Philippines Season 10 (Champion)

M3 World Champions
Opisyal na fanclubBlacklist Agents
PartnersOPPO
GCash
Globe
Tea Bliss
Super Crunch
Anker
Soundcore
Nanoleaf
SVGA
Peculiar Eyewear
CU Dental Office
Punong GrupoTier One Entertainment

Ang Blacklist International ay pangkat E-Sports na naka-base sa Timog-silangang Asya, ito ay pinamumunuan ng punong organisasyon na Tier One Entertainment. Sila ay mayroong pangkat E-Sports sa larangan ng larong PUBG, Call of duty Mobile, Mobile Legends: Bang Bang, Garena: Free Fire at Dota 2.

Mobile Legends

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Koponan ng Blacklist International sa larong Mobile Legends: Bang Bang ay nagrerepresenta sa bansang Pilipinas. Kanilang makikita ang pinanggalingan sa pangkat ng SxC Imbalance na nakuha ng pangkat EVOS Esports sa Indonesia. Ngunit dahil sa usap-usapang korapsyon sa organisasyon ay binuwag ito at tinanggap lahat ng mga manlalaro sa bagong koponan noon na Blacklist International.[1]

Kinuha ng buo ng Tier One Entertainment ang mga manlalaro mula sa nabuwag na team na EVOS Philippines at kanilang ibinago sa pangalang Blacklist International. Sila ay makapangyarihang team sa simula ngunit sa di katagalan ay nabasa na ng mga kalaban ang kanilang istilo at sila ay nag uwi lamang ng ika-anim na pwesto sumunod sa SGD Omega.

Sa ika- anim na season ng MPL Philippines ay kanilang kinuha ang beteranong manlalaro na si Mark Jayson "ESON" Gerardo at FULLCLIP na ngayon ay Kairi. Naging maganda ang resulta nito dahil sila ay naging pangatlo sa kanilang bracket ngunit sila pa rin ay natalo para sa kampyeonato ng Smart Omega sa best of 5 na laro.[2]

Noong Season 7 ay nagsimula ayusin ng Blacklist International ang kanilang pangkat, kanilang kinuha ang dalawang kilalang duo sa larong Mobile Legends: Bang Bang na si "OhmyV33nus" at "Wise" at ipinalit sa koponan na ONIC Philippines si "Kairi" sa kabila ng banda na tila'y lugi ang pagpapalitan nito ay itinuloy ng ONIC Philippines ang pagpapalit nito. [3] Naging malaking pagbabago sa koponan ng Blacklist International sa Season 7 at 8. Kanila ding kinuha ang manlalaro si Kiel "Oheb" Soriano upang punan ang posisyon para sa Non Turtle lane at kanilang hinalili para sa puwestong kapitan si Johnmar "OhmyV33nus" dahil sa angking galing nito sa pag shoshotcall[4].Sa simula ng season 7 ay naging maganda ang ipinakita ng team ng Blacklist International, sila'y lamang ay nagtala ng isang talo kontra sa koponan na Bren Esports at 12 na panalo.

Palaro ng Timog Silangang Asya 2021

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Blacklist International ang nagrepresenta sa pilipinas dulot ng pagkapanalo ng koponan sa qualifying match ng SIBOL na kung saan ay kanilang nakaharap ang iilan sa mga team ng MPL-Philippines katulad ng Nexplay Evos. Kanilang nakaharap ang koponan ng Malaysia , Laos at Myanmar, naging paraan upang makakuha ng 6-0 sa kanilang grupo. Sa playoffs ay kanilang nakaharap ang koponan ng Singapore kung saan ay kanilang na 3-0 at nakaharap ang Indonesia kung saan kanilang natalo sa iskor na 3-1.

Call of Duty Mobile

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ilalim ng pakikipag partnership ng Pilipinong esports team na Ultimate Epro noong Setyembre 2021, hinawakan ng Blacklist International ang larong Call of Duty Mobile (CODM) na kilala sa tawag na Blacklist Ultimate [5]. Sila ay papasok sa tournamento ng Call of Duty Championship 2021

Garena: Free fire

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang koponan ng Blacklist International Garena Free fire ay nirerepresenta ng bansang Malaysia, ito ay dating Argon Baby ngunit ito ay binili ng Tier One Entertainment noong 2021.[6]

Mobile Legends: Bang Bang
Kompetisyon Matches W/L Napanalong laro Kinalabasan
MPL Philippines Season 7
3-2
26-7
Kampeon ng MPL-PH season 7
MPL Philippines Season 8
13-1
26-7
Kampeon ng MPL-PH season 8
MPLI Invitational 2021
Hindi Applicable
Pangalawang puwesto sa MPL Invitational 2021
M3 World Championships
3-0 (Group Stage)
16-5 (Match Totals)
4-0 (Grand Finals Totals)
Kampeon ng M3
Palaro ng Timog Silangang Asya 2021
6-0 (Group Stage)
11-11 (Match Totals)
3-1 (Grand Finals Totals)
Gold Medalist sa Sea Games 2022
Call of Duty Mobile
Kompetisyon Naging Resulta Kinalabasan
Call of Duty Mobile Championships 2021
Pangatlong Puwesto - Regionally
TBD
Call of Duty Mobile: Eastern 2021
4-3
Kampeon
Call of Duty Mobile: Eastern 2021
3-2
Kampeon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]