Pumunta sa nilalaman

Mobile Legends: Bang Bang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mobile Legends: Bang Bang
NaglathalaMoonton
Nag-imprentaMoonton
PlatapormaiOS, Android
ReleaseAndroid
Shanghai, Tsina
  • Tsina, Indonesya, at Malaysia: Hulyo 11, 2016

iOS
  • Buong mundo: Nobyembre 9, 2016
[1]
DyanraMOBA (Multiplayer Online Battle Arena), battle royale
Mode
  • Multiplayer video game Edit this on Wikidata

Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) na laro. Ito ay ginawa at nilimbag ng Shanghai Moonton Technology sa Shanghai, Tsina. [1] Naka-arkibo 2017-10-27 sa Wayback Machine. Inilimbag ang laro para sa mga gumagamit ng platapormang iOS nung ika-9 ng Nobyembre, 2016 [2], at sa "Google Play" para sa mga gumagamit ng platapormang Android noong ika-14 ng Hulyo, 2016. [3]

Paglalaro

Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang Multiplayer Online Battle Arena na dinesenyo para sa mga mobile phones. Mayroong dalawang magkasalungat na pangkat na naglalaban para maabot at wasakin ang base ng kalaban habang pinoprotektahan nila ang kanilang base upang kontrolin ang kanilang daanan, mayroong tatlong landas (lanes) at kilala bilang "top", "middle," at "bottom", na kumokonekta sa magkabilang base.

Bawat pangkat, mayroong limang manlalaro na kumokontrol sa isang abatar, kilala bilang "hero", sa kanilang mga sariling kagamitan. Mga mahihinang karakter na kompyuter ang kumokontrol ay tinatawag na "minions", naka-spawn sa base ng magkabilang grupo at pumupunta sa tatlong lane sa base ng magkasalungat na grupo, mga kalaban at torre.

Talaan ng mga karakter

  • Aamon
  • Akai
  • Aldous
  • Alice
  • Alpha
  • Alucard
  • Angela
  • Argus
  • Aurora
  • Balmond
  • Bane
  • Barats
  • Bruno
  • Chou
  • Claude
  • Clint
  • Cyclops
  • Diggie
  • Esmeralda
  • Estes
  • Eudora
  • Fanny
  • Faramis
  • Floryn
  • Franco
  • Freya
  • Gatotkaca
  • Guinevere
  • Gord
  • Granger
  • Grock
  • Harley
  • Hanabi
  • Hayabusa
  • Hilda
  • Hylos
  • Irithel
  • Johnson
  • Kadita
  • Kagura
  • Karrie
  • Khufra
  • Kimmy
  • Lapu-Lapu
  • Layla
  • Lesley
  • Ling
  • Lolita
  • Lunox
  • Lylia
  • Martis
  • Mathilda
  • Masha
  • Minotaur
  • Miya
  • Moskov
  • Nana
  • Natalia
  • Pharsa
  • Odette
  • Rafaela
  • Roger
  • Ruby
  • Saber
  • Silvanna
  • Sun
  • Tigreal
  • Vale
  • Valir
  • Vexana
  • Wanwan
  • Yi Sun Shin
  • Zilong (Yun Zhao)

Pagtanggap

Naging patok ang laro sa Timog-silangang Asya (SEA), kung saang ito ang pinaka-nadadownload na malayang aplikasyon na larong bidyo sa mga gumagamit ng iPhone noong 2017.[2] Ginanap na sa rehiyon ang mga torneong Mobile Legends, kabilang na ang taunang Southeast Asia Cup.[3]

Pandaigdigang paligsahan

Kinompirma na ang Mobile Legends ay ang unang titulong esports na nakasama bilang isang kaganapang pangmedalya sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2019.[4]

Pagtatalo sa karapatang-ari

Noong ika-11 ng Hunyo 2017, ipinahayag ng Riot Games, ang kompanyang gumawa at naglimbag ng MOBA PC game na League of Legends, ay nagsampa ng kaso laban sa gumawa ng Mobile Legends: Bang Bang, ang Shanghai Moonton Technology, sa Central District Court of California na nagpakita ng kalabagan sa ilang mga trademarks sa laro, kabilang na ang mapa ng laro, na mukhang parehas sa tinatawag na Summoner's Rift. Kabilang na ang dalawang ibang mga laro, Magic Rush: Heroes and Mobile Legends: 5V5 MOBA na napunta na sa mga tanong. Ito rin ay inihayag na ang sa totoo lang, tahimik na sinara ng Moonton ang naunang laro — Mobile Legends: 5V5 MOBA, pagkaraang tinawagan ng Riot Games ang Google Play at Apple's App Store na ipasara ang laro, at muling in-upload ang parehong laro ngunit sa ibang pangalan — Mobile Legends: Bang Bang na may kaunting mga pagbabago kabilang na ang pagpalit ng logo, bilang ang kauna-unahan rin na nag-ayos ng logo ng League of Legends. [5]

Kalaunan, naglabas ng isang pahayag ang Moonton sa parehong araw sa pamamagitan ng kanilang pahina sa Facebook, na nagbabatikos sa midya dahil sa "hindi totoong impormasyon at mga bulung-bulungan" at iginiit na "nakarehistro at nakaprotekta na ang karapatang-ari nito sa maraming mga bansa sa buong mundo". Iginiit nito kalaunan na pag-aari ng Moonton ang pangkaisipan na karapatang-pag-aari at nagbanta ng hakbang ligal laban sa midya at mga kakompetensiya dahil sa pagkakalat ng walang katotohanang impormasyon tungkol sa Montoon at sa laro.[6][7]

Noong Hulyo 2018, ginawaran ng isang hukuman sa Tsina ang Tencent, punong kompanya ng Riot, ng US$2.90 milyon (RMB19.4 milyon) bilang bunga kasunod ng pagkapanalo nito sa asunto laban sa Moonton.[8][9]

Mga sanggunian

  1. Wasid, Ahmed (11 Agosto 2019). "Is Mobile Legends: Bang Bang the next big mobile esport?". DotEsports.com. Nakuha noong 1 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ismail, Izwan (7 Disyembre 2017). "Here is Apple's list of top apps in Southeast Asia for 2017". New Straits Times. Nakuha noong 30 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Drama breaks out at Mobile Legends Southeast Asia Cup 2018". IGN (SEA). 28 Hulyo 2018. Nakuha noong 30 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Mobile Legends is the first confirmed esports title for the 2019 SEA Games". FOX Sports Asia. 28 Nobyembre 2018. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-12-11. Nakuha noong 2019-06-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Riot is suing a mobile game company for copyright infringement, and it's definitely not hard to see why" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-09-01. Nakuha noong 2017-07-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Mobile Legends: Bang bang". www.facebook.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Mobile Legends Dev Releases Statement Re: Riot Suing Mobile Legends". YugaTech. 12 Hulyo 2017. Nakuha noong 25 Agosto 2017. {{cite news}}: Cite has empty unknown parameter: |dead-url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Riot Games parent Tencent wins $2.9 million in lawsuit against Mobile Legends developer". Dot Esports. Nakuha noong 18 Hulyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Lainer, Liz (19 Hulyo 2018). "Tencent Wins Lawsuit Over 'League of Legends' Copycat". Variety. Nakuha noong 30 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

LaroTsina Ang lathalaing ito na tungkol sa Laro at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.