Lapulapu
Lapulapu | |
|---|---|
| Kapanganakan | |
| Kamatayan | 1542, Pulo ng Mactan |
| Monumento | |
| Ibang pangalan |
|
| Kilala sa | Namuno sa mga hukbong Bisaya na pumatay kay Fernando Magallanes |
| Titulo | Datu ng Mactan |
| Sinundan | Rajah Mangal |
| Sumunod | Rajah Mangubat |
Si Lapulapu (masigla noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na nakipagtagisan sa mga Europeo. Siya rin ang pumatay sa manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya na pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu, Si Lapu-Lapu, ito ang bukodtanging tala sa pangalan ni Lapulapu sa sulat-kamay ni Antonio Pigafetta.
Si Lapulapu ay isang katutubong taga-Mactan kabilang sa mga Pintados. Anak siya ni Datu Mangal ng Mactan.
Pinaniniwalaang isang Muslim na nagmula sa mga Tausug si Lapulapu. Pinaniniwalaan din na si Lapulapu at Rajah Humabon ang mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.
Isang animista si Lapulapu ayon sa mga tagasaysay at batay sa mga nahukay na bakas sa Mactan at Cebu, si Lapulapu ay kabilang sa mga Pintados/Patikan, isang kagawian ng mga taga Visayas na pagbabatik sa buong katawan at kilala bilang mga “malakas uminom” ayon sa sulat kamay ni Antonio Pigafetta.
Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapulapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, madiin ang kanyang pagtanggi sa mga mapanlinlang na mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang katayuan at natatanging pagkilala si Lapulapu, ngunit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga lumad at tiyak na ang kamag-anak at angkan ni Lapulapu. Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapulapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Lapulapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, taong 1521, nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanig na mahigit sa isang libo ay naglayag upang lusubin ang Mactan.
Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapulapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapulapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapulapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito na siya tuluyang pinatay ni Lapulapu.
Sa kagawiang pangmadla
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Binigyang-buhay ni Mario Montenegro noong 1955 sa pelikulang Lapu-Lapu.[1]
- Binigyang-buhay ni Calvin Millado sa pambatang pang-aralang serye na Bayani noong 1995.
- Binigyang-buhay ni Lito Lapid noong 2002 sa pelikulang Lapu-Lapu.[2]
- Si Lapu-Lapu ang udyok ng nalalarong katauhan na may katulad na pangalan sa larong mobile na Mobile Legends: Bang Bang. Ang katauhan ay may dalawang napagsasalitang sandata. Sa saysay ng laro, naglingkod siya bilang ang datu ng Makadan (na ngayon ay Parlas, isang halos pook sa Pulo ng Vonetis), hango sa Pulo ng Mactan.[3][4]
- Sa awitin ni Bayani Agbayani noong 2004, na "Otso Otso", nabanggit siya sa huling pagbanggit ng, Two plus two.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Lapu-Lapu (1955)". Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 22, 2004. Nakuha noong Hunyo 10, 2008.
- ↑ "Lapu-Lapu (2002)". IMDb. Nakuha noong Hunyo 10, 2008.
- ↑ "Mobile Legends: Menilik Sejarah Terciptanya Karakter GatotKaca di Game yang Sedang Hits!". Okezone Techno (sa wikang Indones). Hulyo 26, 2017.
- ↑ "Mobile Legends Honors Lapu-lapu In Recent Update | go! | Globe". Globe (sa wikang Ingles). Mayo 27, 2017. Nakuha noong Pebrero 10, 2021.
Karagdagang pagbabasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agoncillo, Teodoro A. "Magellan and Lapu-Lapu". Fookien Times Yearbook, 1965, p. 634.
- Alcina, Francisco, Historia de las Islas e Indios de Bisaya, MS 1668.
- Correa, Gaspar, Lendas de India, Vol. 2, p. 630.
- Cruz, Gemma, "Making Little Hero of Maktan."
- Estabaya, D. M., "445 Years of Lapu-lapu", Weekly nation 1: 26–27, 25 Abril 1966.
- Pigafetta, Antonio, Primo Viaje en Torno al Globo Terraqueo, Corredato di Notte de Carlo Amoteti, Milano, 1800.
