Bluetooth

Ang Bluetooth technology ay isang sistema ng malapitang komunikasyon na hindi ginagamitan ng kable. Ang sistema ay binubuo ng RF transceiver, baseband at protocal stack. Ang Bluetooth ay isang teknolohiya na may maikling saklaw na pamantayang wireless na ginagamit para sa pagpapalitan ng datos sa pagitan ng mga nakatatag at mobile na elektronikong kagamitan sa maikling distansya at sa pagbuo ng mga personal area network (PANs). Sa pinaka-karaniwang gamit nito, ang kapangyarihan ng pagpapadala ay limitado sa 2.5 milliwatts, na nagbibigay dito ng napaka-maikling saklaw ng hanggang 10 metro (33 talampakan). Gumagamit ito ng UHF along radyo (radio waves) sa mga ISM bands, mula 2.402 GHz hanggang 2.48 GHz.[1]
Ang Bluetooth ay pinamamahalaan ng Bluetooth Special Interest Group (SIG), na may higit sa 35,000 mga kumpanya na miyembro sa mga larangan ng telekomunikasyon, computing, networking, at mga elektroniks para sa mga konsyumer. Ang Bluetooth ay binigyang pamantayan ng IEEE bilang IEEE 802.15.1 ngunit hindi na nito pinananatili ang pamantayang ito. Ang Bluetooth SIG ang namamahala sa pagbuo ng mga espesipikasyon, nag-aasikaso ng programa sa kwalipikasyon, at nagpoprotekta sa mga trademark.[2] Ang isang tagagawa ay dapat sumunod sa mga pamantayan ng Bluetooth SIG upang maibenta ito bilang isang Bluetooth na aparato.[3]
Implementasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bluetooth ay nagpapatakbo sa mga dalas sa pagitan ng 2.402 at 2.480 GHz, o 2.400 at 2.4835 GHz, kasama ang mga guard band na 2 MHz ang lapad sa ibabang bahagi at 3.5 MHz ang lapad sa itaas.[4] Ito ay nasa pangglobong di-lisensyadong (ngunit hinding-hindi reguladong) industriya, siyentipiko, at medikal (ISM) na 2.4 GHz na maikling saklaw na bandang dalasang radyo. Ang Bluetooth ay gumagamit ng teknolohiyang radio na tinatawag na frequency-hopping spread spectrum. Hinahati ng Bluetooth ang ipinapadalang datos sa mga pakete, at ipinapadala ang bawat pakete sa isa sa 79 na tinukoy na mga "Bluetooth channel". Bawat tsanel ay may bandwidth na 1 MHz. Karaniwan itong gumagawa ng 1600 na hops bawat segundo, na may nakabukas na adaptive frequency-hopping (AFH).[4] Ang Bluetooth Low Energy naman ay gumagamit ng 2 MHz na pagitan, na nagbibigay-daan sa 40 mga tsanel.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Federica Laricchia (31 March 2022). "Global Bluetooth device shipments 2022". Statista. Nakuha noong 7 August 2022.
- ↑ "About us – Bluetooth Technology Website". Bluetooth.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 April 2019. Nakuha noong 8 May 2019.
- ↑ "Brand Enforcement Program". Bluetooth.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 February 2018. Nakuha noong 8 May 2019.
- ↑ 4.0 4.1 "Bluetooth Radio Interface, Modulation & Channels". Radio-Electronics.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 January 2012. Nakuha noong 24 March 2012.
- ↑ "Bluetooth Specification Version 5.0". Bluetooth Special Interest Group. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 December 2018. Nakuha noong 8 December 2016.
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bluetooth.com Naka-arkibo 2010-01-06 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.