Pumunta sa nilalaman

Bugtong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Bugtong sa Pilipinas

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata. Sa pagsisimula ng isang bugtong sa wikang Tagalog, karaniwang sinasabi muna ang katagang "bugtong-bugtong" bago sabihin ang aktuwal na bugtong at madalas itong may tugma. Isang halimbawa ang sumusunod:

Bugtong-bugtong, Hindi hari, hindi pari
ang suot ay sari-sari.
Sagot: Sampayan

Mga sanggunian

  1. English, Leo James (1977). "Bugtong, pahulaan, palaisipan, patuturan, riddle". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 228.