Pumunta sa nilalaman

Manok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bulaw (tandang na manok))

Mga manok
Nakadapong tandang (nasa kaliwa) at inahin (nasa kanan).
Katayuan ng pagpapanatili
Domesticated
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
G. gallus
Pangalang binomial
Gallus gallus
(Linnaeus, 1758)
Kasingkahulugan

Gallus gallus domesticus

Ang manok o pitik (Ingles: chicken, Kastila: pollo) ay isang uri ng domestikadong ibon na kadalasang kabilang sa mga pagkaing niluluto at inuulam ng tao.[1]. Tandang (Ingles: rooster, Kastila: gallo) ang tawag sa lalaking manok, inahin (Ingles: hen, Kastila: gallina) naman ang sa babaeng manok, at sisiw (Ingles: chick) para sa mga inakay o anak na ibon nito. Ang mabata-batang inahin (halimbawa, wala pang isang taon) ay tinatawag na dumalaga (Ingles: pullet). Kapag mamula-mula o mala-ginto ang kulay ng tandang, tinatawag itong bulaw.[2]

Kabilang ang mga manok sa mga poltri[2], mga ibong inaalagaan at pinalalaki para kainin. Manukan ang katawagan sa pook na alagaan ng mga manok sa bukid.[2]

Ang mga domestikong manok ay nagmula mula sa Red Junglefowl (Gallus gallus) at siyentipikong inuuri bilang parehong species. Ang parehong ito ay malayang makakabuo ng supling. Ang kamakailang pagsisiyasat na henetiko ay nagpapakitang ang gene para sa dilaw na balat ng manok ay isinama sa mga domestikong ibon sa pamamagitan ng pagha-hybrid sa Grey Junglefowl (G. sonneratii). Ayon sa mga kamakailang pag-aaral, ang mga domestikong manok ay may maraming mga pinagmulang pangina. May mga kladong matatagpuan sa Amerika, Europa, Gitnang Silangan at Aprika na nagmula sa subkontinenteng Indiyano kung saan ang isang malaking bilang ng mga natatanging haplotype ay umiiral.Ang mga manok mula sa kulturang Harappan ng Lambak Indus noong 2500-2100 BCE sa ngayong Pakistan ay maaaring ang pangunahing pinagmulan ng malawak na pagkalat ng mga manok sa buong mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Pollo, chicken". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 English, Leo James (1977). "Poltri, poultry, bulaw". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Puting manok