California Institute of Technology
Ang California Institute of Technology (dinadaglat na Caltech)[1] ay isang pribadong unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Pasadena, California, Estados Unidos.
Kahit na itinatag bilang isang bokasyonal na paaralan ni Amos G. Throop noong 1891, ang kolehiyo ay nakaakit ng mga maimpluwensyang siyentipiko tulad nina George Ellery Hale, Arthur Amos Noyes at Robert Andrews Millikan sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Ang mga bokasyonal na paaralan ay hininto noong 1910 at ginamit ang kasalukuyan nitong pangalan noong 1921. Noong 1934, naging miyembro ang Caltech ng Association of American Universities at ang antesedente ng Jet Propulsion Laboratory ng NASA, na patuloy na pinamamahalaan at pinapatakbo ng Caltech, ay itinatag sa pagitan ng 1936 at 1943 sa ilalim ni Theodore von Kármán.[2][3] Ang unibersidad ay bahagi ng maliit na grupo ng instituto ng teknolohiya sa Estados Unidos na nakatuon sa pagtuturo ng mga teknikal na sining at aplikadong agham.
Ang Caltech ay madalas na binabanggit bilang isa sa mga pinakamahusay na unibersidad sa mundo.[4][5] Kinabibilangan ang mga fakultad at alumno ng Caltech ng 37 Nobel Laureates (Linus Pauling ang tanging tao sa kasaysayan na manalo ng dalawang solong mga premyo), 1 Fields Medalist, 6 Turing Award winners, 4 Punong Siyentipiko ng US Air Force at 71 na nanalo ng National Medal of Science and Technology ng Estados Unidos. Merong 112 guro na inihalal sa mga Pambansang Akademya ng Estados Unidos. Bilang karagdagan, maraming mga miyembro ng kaguruan ay nauugnay sa Howard Hughes Medical Institute pati na rin sa NASA. Ayon sa isang pag-aaral noong 2015 ng Pomona College, ang Caltech ay nararanggo bilang una sa Estados Unidos para sa porsyento ng mga nagtapos na nakakakuha ng PhD.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The university itself only spells its short form as "Caltech"; other spellings such as "Cal Tech" and "CalTech" are incorrect Naka-arkibo 2012-04-12 sa Wayback Machine.. The Institute is also occasionally referred to as "CIT", most notably in its alma mater, but this is uncommon.
- ↑ "Member Institutions". American Association of Universities. Nakuha noong Mayo 29, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Early History". NASA Jet Propulsion Laboratory. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 26, 2011. Nakuha noong Mayo 29, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AWRU Rankings". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-02-21. Nakuha noong 2017-10-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World University Rankings 2015-2016: results announced". Times Higher Education Rankings.
- ↑ "Baccalaureate Origins of Earned Doctoral Degrees (2003-2012)" (PDF). 2015-07-01. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2017-05-25. Nakuha noong 2016-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)