Carl Czerny
Carl Czerny | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Pebrero 1791
|
Kamatayan | 15 Hulyo 1857
|
Libingan | Zentralfriedhof |
Mamamayan | Imperyo ng Austria |
Trabaho | piyanista, kompositor, musicologist, music theorist, music educator |
Asawa | none |
Si Carl Czerny o Karl Czerny (21 Pebrero 1791 – 15 Hulyo 1857) ay isang Austrianong piyanista, kompositor, at guro. Higit siyang nakikilala sa ngayon dahil sa kanyang mga aklat ng mga piyesa ng musika o tugtuging pampagsasanay na pinag-aaralan upang mapaghusay o malinang ang isang tekniko para sa pagtugtog ng piyano. Pinakakilala sa mga aklat ng pagsasanay niyang ito ang The School of Fingering ("Ang Paaaralan ng Paggamit ng mga Daliri").[1]
Ipinanganak siya sa Vienna, Austria. Nag-aral siyang kasama si Ludwig van Beethoven. Siya ang nagturo sa pagtugtog ng piyano kay Franz Liszt.[1] Kakilala at naimpluwensiyahan si Czerny ng tanyag na mga piyanistang sina Muzio Clementi at Johann Nepomuk Hummel.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Carl Czerny". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na C, pahina 626.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.