Ludwig van Beethoven

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ludwig van Beethoven
Larawan na nilikha ni Joseph Karl Stieler, 1820
Larawan na nilikha ni Joseph Karl Stieler, 1820
Kapanganakan Bonn, Elektorado ng Cologne
Kamatayan Marso 26, 1827 (aged 56)
Vienna, Imperyo ng Austria
Hanapbuhay kompositor at pyanista
Lagda
pirma na isinulat gamit ng tinta sa umaagos na kursiba

Ludwig van Beethoven (ibininyag Disyembre 17, 1770[1] – Marso 26 1827) ay isang Aleman nakompositor at pyanista. Siya ay isang mahalagang tao sa paglipat ng panahong Klasikal sa Romantiko sa Kanluraning sining sa musika at siya ay nanatili bilang isa sa mga pinakasikat at mapaimpluwensya sa laht ng mga kompositor. Ilan sa mga mas kilala niyang mga komposisyon ay ang 9 na mga simponya, 5 concerto para sa piyano, 1 violin concerto, 32 na mga piano sonata, and 16 na mga string quartet. Nagkompositor rin siya ng ibang musikong pangkamara, likhal koral (kasama ang kilalang Missa solemnis), at awit.

Ipinanganak sa Bonn, ang dating kabisera ng Elektorado ng Cologne at dating bahagi ng Banal na Imperyong Romano, si Beethoven nagpakita ng kanyang talento sa lumang edad at tinuruan siya ng kanyang ama na si Johann van Beethoven at ni Christian Gottlob Neefe. Sa unang 22 taon niya sa Bonn, binalak ni Beethoven na magaaral kasma ni Wolfgang Amadeus Mozart at naging magkaibigan kay Joseph Haydn. Si Beethoven ay lumipat ng Vienna noong 1792 at nagsimulang magaral kasama ni Haydn, at mabilisang nakilala bilang isang magaling na piyanista. Nanirahan siya sa Vienna hanggang ng kanyang kamatayan. noong mga 1800, nagsimula siyang mawalan ng panrinig, at sa huling dekada ng kanyang buhay siya ay halos naging bingi. Sumusko siya sa pagkumpas ngunit patuloy siyang magtanghal sa harap ng publiko at patuloy siyang nagkompositor; karamihan sa mga hinahangaan niyang gawa ang mula sa panahon na ito.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinagmulan at maagang buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kapanganakan ni Beethoven sa Bonngasse 20; ngayon ay ang museo ng Beethoven House

Si Beethoven ang apo ni Lodewijk van Beethoven (1712–73), isang musiko galing sa Mechelen sa Timog Olandes (ngayon bahagi ng Belhika) na noong 20 taong gulang ay lumipat ng Bonn.[2][3] Si Lodewijk (Ang salita na mula sa Olandes ay magkaugnay sa salitang Aleman na Ludwig) ay nagtrabaho bilang isang mangangawit na bass sa harap ng Elektor ng Cologne, na nagdulot sa kanya na maging isang Kapellmeister (direktor ng musika). Si Lodewijk ay may isang anak, si Johann (1740–1792), na nagtrabaho bilang isang tenor sa parehas na establisyamentong pangmusika at nagturo ng pagtutog ng piyano at byolin upang dagdagan ang kanyang kita.[2] Pinakasalan ni Johann si Maria Magdalena Keverich noong 1767; ang anak na babae ni Johann Heinrich Keverich, isang naging punong mangluluto sa sa korte ng Arsobispado ng Trier.[4]

Ang Palasyo ng Prinsipe-Elektor (Kurfürstliches Schloss) sa Bonn, kung saan aktibo ang pamilyang Beethoven noong dekada 1730

Si Beethoven ay ipinaganak dulot sa kasalan na ito sa Bonn. Walang tiyak na talaan ng kanyang petsa ng kapanganakan; ngunit isang papeles ng kanyang kabinyagan sa Romano Katolikong Parokya ni San Regius noong Disyembre 17, 1770 ay nakaligtas.[5] Ang mga bata noong panahon na iyon ay napagkaugaliang ipabinyag isang araw matapos ang kapanganakan sa Katolikong bayan ng Rhine, at kilala na ang pamilya ni Beethoven at ang kanyang guro na si Johann Albrechtsberger ay pinagdiriwang ang kanyang kapanganakan noong Disyember 16 ang tinatanggap ng karamihan sa mga iskolar bilang petsa ng kapanganakan ni Beethoven.[6][7] Sa mga pitong anak na ipinangank kay Johann van Beethoven, si Ludwig, ang ikalawang ipinanganak at ang kanyang dalawang nakakabatang anak na lalaki ay nabuhay ng lagpas ng kasanggulan. Si Caspar Anton Carl ay ipinaganaka noong Abril 8, 1774, at si Nikolaus Johann, ang pinakabata na ipinanak noong Oktubre 2, 1776.[8]

Ang unang guro ni Beethoven sa musika ay ang kanyang ama. Ngunit ang paniniwala na si Johann van Beethoven ay naging isang malupit na guro, at ang kanyang anak ay "ipinatayo sa keyboard, at karaniwang pinapaiyak,"[2] ay itinanggi ng Grove Dictionary of Music and Musicians at sinabi na walang matibay na ebidensya para suportahan ang natukoy na parata, at idinagdag na "ang mga haka-haka at chismis ay parehas na naging produktibo".[2] Nagkaroon rin si Beethoven ng iba pang mga lokal na guro: ang organista sa korte na si Gilles van den Eeden (d. 1782), si Tobias Friedrich Pfeiffer (isang kaibigan ng pamilya, na tinuruan magpiyano si Beethoven), at si Franz Rovantini (isang kamag-anak na tinuruan siyang magpatugtog ng byolin at byola).[2] Ang talento ni Beethoven sa musika ay halata sa murang edad. Si Johann na alam ang mga tagumpay ni Leopold Mozart sa larangan na ito (kasama ng anak na si Wolfgang at Nannerl) ay sinubukang pagsamantalahin ang kanyang anak bilang isang child prodigy, at ipinapahayag niya na si Beethoven ay anim na taong gulang (kahit siya ay talaga ay pitong taong gulang) sa mga paskil para sa unang pagtanghal ni Beethoven sa publiko noong in Marso 1778.[9]

Matapos ang ilang oras matapos ang 1779, nagsimula si Beethoven sa kanyang pagaaral sa ilalim ng kanyang pinakamhalagang guro sa Bonn, si Christian Gottlob Neefe, na itinalaga bilang organista ng korte noong taon na iyon.[10] Tinuruan ni Neefe si Beethoven sa pagkompositor, at pagdating ng Marso 1783 tinuruan siyang isulat ang kanyang unang inilathalang komposisyon: isang pangkat ng mga baryasyon sa keyboard (WoO 63).[8] Naging tagatulong na organista si Beethoven sa ilalim ni Neefe bilang isang hindi-bayad na emplayado sa una (1781), pagkatapos ay siya ay naging emplayado na sumasahod (1784) sa korte ng kapilya na ikinumpas ni Kapellmeister Andrea Luchesi. Sa kanyang unang tatlong sonata sa piyano, na nakapangalang "Kurfürst" ("Elektor") para sa dedikasyon para kay Elektor Maximilian Friedrich (1708–1784), ay nailathala noong 1783. Maagang napansin ni Maximilian Frederick ang talento ni Beethoven, at pinondohan at masinenganyo niya ang binata sa kanyang pagaaral sa musika.[11]

Larawan ng isang 13-taong gulang na Beethoven ng hindi kilalang makata mula sa Bonn (c. 1783)

Ang sumunod kay Maximilian Frederick bilang Elektor ng Bonn ay si Maximilian Franz, ang pinakabatang anak ng Emperatris Maria Theresa ng Austria, na nagtulong na gumagawa ng kapansin-pansin na pagbabago sa Bonn. Inuulit ang mga pagbabago sa Vienna ng kanyang kapatid na si Joseph, siya ay nagpakilala ng mga reporma ayon sa pilosopiya ng Pagkamulat, na may dagdag na suporta sa edukasyon at sining. Ang binatang Beethoven ay halos tiyak na naimpluwensta ng mga pagbabago na ito. Maari siya rin ay naimpluwensya ng mga kaalamang He may also have been influenced at this time by ideas lutang sa mga mason, dahil si Neefe at iba pang mga nakapaligid kay Beethoven ay kasapi ng lokal na yugto ng Order ng Illuminati.[12]

Noong Marso 1787 nagbiyahe si Beethoven papuntang Vienna (posible ginastusan ng iba) sa unang pagkakataon, marahil dahil sa pag-asang makapagaral sa ilalim ni Mozart. Ang mga detalye ng relasyon ng dalawa ay hindi tiyak kung talaga ba silang nagkita.[13] Nang matuklasan niya na may sakit ang ina, bumalik si Beethoven dalawang linggo matapos ang kanyang pagdating sa Vienna. Namatay rin ang kanyang ina, at mas madalas na maglasing ang kanyang ama. Dahil dito, naging responsable si Beethoven sa pagaaalaga ng kanyang dalawang mas nakababatang kapatid at nanirahan sa Bonn sa susunod na limang taon.[14]

Si Beethoven ay napakilala sa mga taon na ito ang marami sa mga taong naging mahalaga sa kanyang buhay. Si Franz Wegeler, ang isang batang mag-aaral sa medisina, ay nagpakilala sa kanya sa pamilyang von Breuning family (na isa sa mga anak na babae ay pinakasalan ni Wegeler). Si Beethoven ay binisitahan ng sambahayang von Breuning, kung saan tinuruan niya ang ilan sa mga bata. Dito natanto niya ang literaturang Aleman at klasikal. Ang kalagayan sa tahanan ng von Breuning ay mas nakakaginhawa sa kanyang sariling pamilya, kung dahan dahang mas nangingibabaw ang pagbagsak ng kalagayan ng kanyang ama.[15] Si Beethoven ay napansin rin ni Count Ferdinand von Waldstein, na naging kaibigan niya ng habang-buhay at naging tagapondo niya.[16]

Noong 1789, nakatanggap si Beethoven ng legal na kautusan kung saan kalahati ng suweldo ng kanyang ama ay ibabayad sa kanya ng direkta upang tugusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.[17] Dinagdagan niya ang kita ng kanyang pamilya sa pagtugtog ng byola sa orkestra ng korte. Ito ay nagdulot sa pagiging pamilyar ni Beethoven sa iba't ibang klase ng opera, kasama dito ang tatlo na ginawa ni Mozart na ipinatugtog sa korte noong panahon na ito. Naging magkakaibigan siya kay Anton Reicha, isang tagapluta at byonalista na kasing-edad niya at ang pamangkin ng konduktor ng orkestra ng korte na si Josef Reicha.[18]

Pagtatag ng kanyang karera sa Vienna[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula 1790 hanggang 1792, nagkompositor si Beethoven ng maraming mga gawa (wala dito kahit isa na inilathala nong panahon na iyon, at karamihan ay nakatala bilang mga gawang walang opus) ay nagtanghal ng kanyang lumalawak na saklaw at pagiging bihasa sa larangan ng musika. Angg mga musikolohista ay nagtukoy ng isang tema na magkatulad sa kanyang Ikatlong Simponya sa isang pangkat ng baryasyon na isinulat noong 1791.[19] Si Beethoven ay maaring unang naipakilala kay Joseph Haydn noong huling bahagi ng dekada 1790, habang ang huli ay papuntang Londondon at huminto ng pansamantala sa Bonn noong panahon ng Pasko.[20] Isang taon at kalahati matapos sila magkita sa Bonn sa pabalik na paglakbay ni Haydn mula sa London papuntang VIenna noong Hulyo 1792, mataas ang tsansa na ang kanyang mga pagsasaayos ay ginawa sa mga panahon na iyon para makapagaaral si Beethoven sa matandang bihasa.[21] Ng may tulong sa Elektor, si Beethoven ay umalis ng Bonn para sa Vienna noong 1792, sa kabila ng mga usapin na pagkalat ng giyera sa labas ng Pransiya; nalaman niya pagdating niya na namatay na ang ama niya.[22][23][24] Kakamatay rin ni Mozart. Isinulat ni Count Waldstein, sa kanyang pangwakas na liham kay Beethoven: "Sa hindi maisturbong pagsisikap makakamit mo rin ang espito ng Mozart sa mga kamay ni Haydn."[24] Sa mga susunod na ilang taon, tumugon si Beethoven sa paniniwala ng marami na siya ang tagapagmana ng legasiya ni Mozart sa pagaaral niya ng mga gawa ng bihasa at pagsusulat ng mga gawa na may impluwensya ng kay Mozart.[25]

Larawan ni Beethoven bilang isang binata na ginawa ni Carl Traugott Riedel (1769–1832)

Hindi kaagad natatag ni Beethoven ang kanyang lugar bilang isang kompositor, ngunit ipinasailalim niya ang sarili sa pag-aaral at pagtatanghal. Habang nagatrabaho sa ilalim ng pagtuturo ni Haydn,[26] sinumulan niyang maging bihasa sa counterpoint.Siya rin ay nagaral ng byolin sa ilalim ni Ignaz Schuppanzigh.[27] Sa unang bahagi ng panahon na ito, siya ay ginagabayan ni Antonio Salieri ng paminsan-minsan, pangunahin sarimarily estilong Italyano sa vocal na pagkokompositor; ang relasyon na ito ay nagpatuloy hanggang 1802 sa pinakamaagang panahon, at marahil hanggang 1809.[28] Sa pagalis ni Haydn papuntang Inglatera noong 1794, inaasahan na umuwi si Beethoven ng Elektor, ngunit pinili niya na manatili sa Vienna, at ipinagpatuloy ang pagaaral ng counterpoint kasama ni Johann Albrechtsberger at iba pang guro. Matapos matapos ang termino ng pagpondo ng mula sa Elektor, ilan sa mga maharlikang taga-Vienna ay kumikilala na ng kanyang kakayanan, at nagalok ng pondohin siya, kasama dito si Prinsipe Joseph Franz Lobkowitz, Prinsipe Karl Lichnowsky, at Baron Gottfried van Swieten.[29]

Pagdating ng 1793, nailagay na ni Beethoven ang kanyang sarili bilang isang magaling na improbisador sa mga salonng mga maharlika, karaniwang ipinapatutog ang mga simula at fugue ng Well-Tempered Clavier ni J. S. Bach.[30] Ang kanyang kaibigan na si Nikolaus Simrock ay nagsimulang ilathala ang kanyang mga komposisyon; ang una ay pinaniniwalang isang pangkat ng mga barayasyon (WoO 66).[31] Noong 1793, nailagay niya ang kanyang sarili sa Vienna bilang bihasa na piyanista, ngunit tilang ipinagkait niya ang mga gawa mula sa publikasyon para mas malaki ang epekto nito kapag ito ay inilathala sa 1795.[29] Ang unang pampublikong pagtatanghal ni Beethoven ay nong Marso 1795, isang konsiyerto kung saan una niyang itinanghal ang isa sa mga konsiyertong pangpiyano niya. Hindi tiyak kung ito ay ang Una o Ikalawa. Ang mga ebidensyang dokumentaryo ay hindi malinaw, dahil ang parehas na konsiyerto ay parehas nang malapit na matapos (wala sa dalawa ay natapos o nailathala pagkatapos ngmaraming taon) Documentary evidence is unclear, and both concertos were in a similar state of near-completion (neither was completed or published for several years).[32][33] Magtapos ang pagtatanghal, isinaayos niya para sa paglalathala ang una sa kanyang mga komposisyon kung saan binigyan niya ito ng bilang opus, ang tatlong tatluhang piyano, Opus 1. Ito ay nakdedika para sa kanyan patron na si Prinsipe Lichnowsky,[32] at ito ay nagkita; Ang mga kita ni Beethoven ay halos sapat para tugusan ang mga pangangailangan niya para sa isang taon.[34]

Pagtagumpay sa Musika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ikinimpositor ni Beethoven ang uang anim na string quartet (Op. 18) sa pagitan na mga taon ng 1798 at 1800 (inatasan ni, at nakadekida kay, Prinsipe Lobkowitz). Ito ay inilathala noong 1801. Sa unang pagtanghal ng kanyang Una at ang Ikalawa Simponya noong 1800 at 1803, si Beethoven, ay kinilala bilang isa sa mga pinakamahalaga sa isang henerasyon ng mga batang kompositor matapos nila Haydn at Mozart. Siya ay patuloy na nagsulat ng iba pang porma, na ang mga kilalang piyanong sonata niya katulad ng "Pathétique" sonata (Op. 13), na inilarawan ni Cooper na "hinigitan ang lahat ng kanyang mga naunang komposisyon, sa lakas ng karakter, lalim ng damdamin, antas ng pagkamapanlikha, at husay ng manipulasyong motivic at tonal."[35] Tinapos rin niya ang Septet (Op. 20) noong 1799, isa sa mga pinakasikat niyang gawa nang kanyang kapanahunan ng pagkabuhay.

Si Beethoven noong 1803, ipininta ni Christian Horneman

Sa unang pagtanghal ng kanyang Unang Simponya, inupahan niya ang Burgtheater noong Abril 2, 1800, at nagpalabas ng isang malaking programang musika, kasama ang mga gawa ni Haydn at Mozart, kasama na rin ang kanyang Septer, ang Unang Simponya, at isa sa mga kanyang konsiyertong pang piyano (ang huling tatlo ay ibinawi sa pagkalathala). Ang konsiyerto, na inilarawan ng diyaryong Allgemeine musikalische Zeitung bilang ang "pinaka-kawili-wiling konsiyerto sa mahabang panahon" ay nakaranas rin ng kaunting kahirapan; ilan sa mga pagbatiko ay ang "mga magtutugtog ay walang pakialam sa soloista."[36]

Hindi matatanggi ang mga impluwensya ni Mozart at Haydn. Halimbawa ang quintet para sa piyano at wind ni Beethoven ay sinasabing lubos na magkakatulad sa gawa ni Mozart para sa parehas na pagsasaayos, ngunit ito ay may bahid rin ng kanyang sariling estilo.[37] Ngunit ang mga melodya, pagpapaunlad na musikal, at paggamit sa pagmodula at pagkakayari, at paglalarawan ng damdamin ni Beethoven ay hinihiwalay siya sa kanyang mga naging impluwensya, at nagpataas ng epekto ng kanyang mga naunang gawa nang ito ay unang nailathala.[38] Matapos ng 1800, si Beethoven at ang kanyang musika ay hinahanap na ng mga patron at tagalathala.[39]

Ludwig van Beethoven: detalye ng larawang 1804–05 ni Joseph Willibrord Mähler. Ang kompletong pagpipinta ay inilalalarawan si Beethoven na may lyre-guitar

In May 1799, Beethoven taught piano to the daughters of Hungarian Countess Anna Brunsvik. During this time, Beethoven fell in love with the younger daughter Josephine[40] who has therefore been identified as one of the more likely candidates for the addressee of his letter to the "Immortal Beloved" (in 1812). Shortly after these lessons, Josephine was married to Count Josef Deym. Beethoven was a regular visitor at their house, continuing to teach Josephine, and playing at parties and concerts. Her marriage was by all accounts happy (despite initial financial problems),[41] and the couple had four children. Her relationship with Beethoven intensified after Deym died suddenly in 1804.[42]

Beethoven had few other students. From 1801 to 1805, he tutored Ferdinand Ries, who went on to become a composer and later wrote Beethoven remembered, a book about their encounters. The young Carl Czerny studied with Beethoven from 1801 to 1803. Czerny went on to become a renowned music teacher himself, instructing Franz Liszt, and gave on 11 February 1812 the Vienna premiere of Beethoven's fifth piano concerto (the "Emperor").[43]

Beethoven's compositions between 1800 and 1802 were dominated by two large-scale orchestral works, although he continued to produce other important works such as the piano sonata Sonata quasi una fantasia known as the "Moonlight Sonata". In the spring of 1801 he completed The Creatures of Prometheus, a ballet. The work received numerous performances in 1801 and 1802, and Beethoven rushed to publish a piano arrangement to capitalise on its early popularity.[44] In the spring of 1802 he completed the Second Symphony, intended for performance at a concert that was canceled. The symphony received its premiere instead at a subscription concert in April 1803 at the Theater an der Wien, where Beethoven had been appointed composer in residence. In addition to the Second Symphony, the concert also featured the First Symphony, the Third Piano Concerto, and the oratorio Christ on the Mount of Olives. Reviews were mixed, but the concert was a financial success; Beethoven was able to charge three times the cost of a typical concert ticket.[45]

Beethoven's business dealings with publishers also began to improve in 1802 when his brother Carl, who had previously assisted him casually, began to assume a larger role in the management of his affairs. In addition to negotiating higher prices for recently composed works, Carl also began selling some of Beethoven's earlier unpublished works, and encouraged Beethoven (against the latter's preference) to also make arrangements and transcriptions of his more popular works for other instrument combinations. Beethoven acceded to these requests, as he could not prevent publishers from hiring others to do similar arrangements of his works.[46]

Noong 1812, isinulat ni Beethoven ang liham patungkol sa isang minamahal ngunit hindi niya ito ipinadala sa kanyang babaing sisisinta na tinatawag niyang " Iniibig magpawalang-hanggan" "Immortal Beloved." Hindi kailanman nagasawa si Beethoven at kadalasan ay hindi naging maligaya sa pangsariling pamumuhay na naging dahilan ng kanyang pagkakasakit na pinatindi pa ng labis na pagaalala sa kanyang pamangkin na si Karl na kanyang inaaruga. Napagtanto ni Beethoven noong mga taong 1800 na untiunti syang nawawalan ng pandinig hanggang sa lubusan syang nawalan ng pandinig noong taong 1819.

Mga Mahahalagang Kaganapan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • 1792 — Naglakbay patungong Vienna upang mag-aral ng Komposisyon kay Franz Joseph Haydn. Sa Lungsod ding ito siya nanirahan.
  • 1798 — Nakumpleto ang "Sonata Do minor Opus 13" (Patheque)
  • 1801 — Nilikha ang "Sonata Do sostenido minor Opus 27/2" (Moonlight)
  • 1804 — Nakumpleto ang "Sinfonia Blg. 3, Mi bemol major op. 55" (Eroica)
  • 1805 — Nakumpleto ang "Sonata sa Fa minor op. 57" (Appassionata)
  • 1808 — Nakumpleto ang "Sinfonia Blg. 5 sa Do minor" op. 67
  • 1809 — Pinagkalooban ng pangtaunang sweldo ni Archduke Rudolph at ng iba pang miembro ng nobilidad Austriano upang makalikha ng musika at makapamuhay na nagsasarili.
  • 1818 — Nakumpleto ang "Sonata sa B bemol major op. 106" (Hammerklavier)
  • 1823 — Nakumpleto ang "Misa re major op. 123" (Missa Solemnis)
  • 1824 — Nakumpleto ang Sinfonia Blg. 9 sa Re minor op. 125 (Choral)

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikiquote-logo-en.svg
May koleksiyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles ukol sa/kay:

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Si Beethoven ay ibininyag noong Disyembre 17. Ang petsa ng kanyang kapanganakan ay karaniwan noong isinasaad na Disyembre 16, ngunit hindi ito tiyak; iginunita ng kanyang pamilya ang kanyang kapanganakan sa naturing petsa, ngunit walang mga dokumento na maaring gamiting ebidensya na ang kanyang kapanganakan ay nangyari noong Disyember 16
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Grove Online, section 1
  3. Barry Cooper (8 Oktubre 2008). Beethoven. Oxford University Press. pp. 407–. ISBN 978-0-19-531331-4. https://books.google.com/books?id=Tq5ci-9OMLEC&pg=PA407. Hinango noong 15 Abpril 2012. 
  4. Thayer, Vol 1, p. 49
  5. Thorne, J. O. & Collocott, T.C., ed (1986). Chambers Biographical Dictionary. Edinburgh: W & R Chambers Ltd. p. 114. ISBN 0-550-18022-2. 
  6. Thayer, Vol 1, p. 53
  7. This is discussed in depth in Solomon, chapter 1.
  8. 8.0 8.1 Stanley, p. 7
  9. Thayer, Vol 1, p. 59
  10. Thayer, Vol 1, p. 67
  11. Thayer, Vol 1, pp. 71–74
  12. Cooper (2008), p. 15
  13. Cooper (2008), p. 23
  14. Cooper (2008), p. 24
  15. Cooper (2008), p. 16
  16. Thayer, Vol 1, p. 102
  17. Thayer, Vol 1, p. 104
  18. Thayer, Vol 1, pp. 105–109
  19. Cooper (2008), pp. 35–41
  20. Cooper (2008), p. 35
  21. Cooper (2008), p. 41
  22. Thayer, Vol 1, p. 124
  23. Thayer, Vol 1, p. 148
  24. 24.0 24.1 Cooper (2008), p. 42
  25. Cooper (2008), p. 43
  26. Grove Online, section 3
  27. Cooper (2008), pp. 47,54
  28. Thayer, Vol 1, p. 161
  29. 29.0 29.1 Cooper (2008), p. 53
  30. Cross (1953), p. 59
  31. Cooper (2008), p. 46
  32. 32.0 32.1 Cooper (2008), p. 59
  33. Lockwood (2003), p. 144
  34. Cooper (2008), p. 56
  35. Cooper (2008), p. 82
  36. Cooper (2008), p. 90
  37. Cooper (2008), p. 66
  38. Cooper (2008), p. 58
  39. Cooper (2008), p. 97
  40. See Beethoven's love letter to Josephine, March/April 1805, in Schmidt-Görg 1957, pp. 12–14, where he referred to this time.
  41. There were (as mentioned in Goldschmidt 1977, p. 484), over 100 love letters between the newly weds, indicating that a healthy erotic relationship was growing between the spouses. Steblin (2007, p. 155, n. 41) announced a forthcoming publication of these letters.
  42. Cooper (2008), p. 80.
  43. Thayer, Forbes (1970), p. 526. – Prior to this first performance, there were others based in earlier sketches, as early as 22 December 1808, p. 476.
  44. Cooper (2008), pp. 98–103.
  45. Cooper (2008), pp. 112–127
  46. Cooper (2008), pp. 112–115.


Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.