Pumunta sa nilalaman

Catus Decianus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Catus Decianus
Kapanganakan1st dantaon (Huliyano)
Kamatayan1st dantaon (Huliyano)

Si Catus Decianus ay ang prokurador ng Britanyang Romano noong AD 60 o 61. Sinisi ni Tacitus ang "pagkamapangkamkam" ni Catus Decianus sa pag-udyok ng panghihimagsik ni Boudica, ang reyna ng mga Iceni.[1] Ayon kay Cassius Dio, kinumpiska ni Catus Decianus ang mga salapi na ibinigay ng emperador na si Claudius sa mga pinunong Briton, na ipinapahayag ni Catus Decianus ang mga ito bilang mga utang na dapat bayaran na mayroong patubo.[2]

Dahil sa pag-angkin ni Boudica sa tronong nilisan ng kaniyang asawang si Prasutagus, pinalatigo siya ni Catus Decianus sa kaniyang mga tauhang sundalo, dahil pinananatili ng mga namumunong Romano na nasa Britanya na ang kaharian ni Prasutagus ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng emperador ng Roma. Ginahasa ng mga sundalo rin na lumatigo kay Boudica ang mga anak nitong mga babae. Ito ang naging sanhi ng pagrerebelde ni Boudica.[3] Nang lusubin ng hukbong panlupa ni Boudica ang Camulodunum (Colchester), humingi ng tulong ang mga naninirahan sa lungsod na ito mula kay Catus Decianus, subalit nagpadala lamang siya ng 200 mga tauhan. Nagapi ang lungsod ng Camulodunum, at si Decianus ay tumakas papunta sa Gaul,[1] at napalitan ni Gaius Julius Alpinus Classicianus.[4] Ang katotohanan na nagpadala si Decianus ng mga tauhan sa Colchester ay nagpapahiwatig na siya ay hindi naninirahan doon, na nag-udyok sa mga manunulat ng kasaysayan ng makabagong panahon na ilagay siya sa London noong mga panahong ito.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Tacitus, Annals 14.32
  2. Cassius Dio, Roman History 62.2
  3. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO WAS QUEEN BOUDICA?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 21.
  4. Tacitus, Annals 14.38


RomaTalambuhayKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Roma, Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.