Pumunta sa nilalaman

Celia Cruz

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Celia Cruz
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakÚrsula Hilaria Celia de la Caridad Cruz Alfonso
Kapanganakan21 Oktubre 1925(1925-10-21)
Havana, Cuba
Kamatayan16 Hulyo 2003(2003-07-16) (edad 77)
Fort Lee, New Jersey, Estados Unidos
GenreSon, Bolero, Cha-cha-cha, Guaracha, Salsa
TrabahoMang-aawit, Aktres
Taong aktibo1948–2003
LabelFania Records, RMM Records & Video, Sony Discos

Si Úrsula Hilaria Celia de la Caridad Cruz Alfonso, na kilala rin bilang Celia Cruz (Oktubre 21, 1925 – Hulyo 16, 2003) ay isang Kubano-Amerikanong mang-aawit at tagapagtanghal ng salsa. Isa siya sa pinakatanyag na artista ng salsa, at umani ng dalawampu't tatlong gintong album at tumanggap ng National Medal of Arts. Kilala siya sa buong mundo bilang Reyna ng Salsa', "La Guarachera de Cuba", at bilang "Reyna ng Musikang Latino".[1][2]

Si Úrsula Hilaria Celia de la Caridad Cruz Alfonso ay ipinanganak noong Oktubre 21, 1925[3] sa Santos Suárez sa Havana, Cuba, ang ikalawa sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ama, si Simon Cruz, ay isang tagagawa ng riles ng tren, at ang kanyang ina, si Catalina Alfonso, ay maybahay na nag-aalaga sa ibang mga kamag-anak.[2][4]

Habang lumalaki sa Kuba sa iba't ibang uri ng musika noong dekada '30, nakikinig si Cruz sa maraming musikero na nakaimpluwensiya sa kanyang karera, kabilang sina Fernando Collazo, Abelardo Barroso, Pablo Quevedo at Arsenio Rodríguez. Kahit na hindi siya pinahintulutan ng kayang ina at dahil siya ay isang Katoliko, bilang isang bata, natutunan ni Cruz ang mga awit na santería mula sa kanyang mga kapitbahay na nag-sasanay ng santería.[5] Inaral din ni Cruz ang ang mga awit sa Yoruba kasama si Mercedita Valdes (mang-aawit ng santería) mula Kuba at gumawa ng ilang mga rekord sa relihiyosong dyanra ito[6]

Bilang tinedyer, dinala siya ng kanyang tiya at ang kanyag mga pinsan upang umawit sa kabaret, subalit hinikayat siya ng kanyang ama pumasok sa paaralan at umasang siya ay magiging guro. Subalit, sinabi ng isa niyang guro na bilang tagapagtanghal, maaari niyang kitain sa isang araw ang kinikita ng karamihan ng mga guro sa isang buwan. Nagsimula si Cruz umawit sa "Hora del Té" sa isang estasyon ng radyo sa Havana, kung saan inawit niya ang "Nostalgias", at nanalo ng keyk. Madalas siyang manalo ng keyk at opoertunidad upang sumali pa sa ibang patimpalak.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pareles, Jon (December 14, 1992). "Review/Pop; The Queen of Latin Music Takes It From the Top". Retrieved January 27, 2014.
  2. 2.0 2.1 "Celia Cruz's Shoes". National Museum of American History, Smithsonian Institution. Nakuha noong 2008-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Her Life" Naka-arkibo 2012-06-27 sa Wayback Machine.. National Museum of American History. Accessed October 7, 2012.
  4. Cobo, Leila (July 26, 2003). "Cuban Salsa Sensation Celia Cruz Dies At 77". AllBusiness.com.
  5. Celia Cruz; Ana Cristina Reymundo (2004). Celia: mi vida. Harper Collins. pp. 24, 74. ISBN 0060726067.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "¡Azúcar! The Life and Music of Celia Cruz". Smithsonian Institution. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-19. Nakuha noong 2007-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Celia Cruz; Ana Cristina Reymundo (2004). Celia: mi vida. Harper Collins. pp. 32—4. ISBN 0060726067.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)