Pumunta sa nilalaman

Carlomagno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Charlemagne)
Carlomagno
Rex Francorum (Hari ng mga Pranko)
Rex Langobardorum (Hari ng mga Lombardo)
Imperator Romanorum (Emperador Romano)

Isang barya ni Carlomagno na inukit: KAROLVS IMP AVG ("Carolus Imperator Augustus")
Panahon 768 – 814
Koronasyon 25 Disyembre 800
Sinundan Pippin the Short
Sumunod Louis the Pious
Ama Pippin the Short
Ina Bertrada of Laon
Libingan Aachen Cathedral

Si Charlemagne o Carlomagno (bigkas: /ˈʃɑrlɨmeɪn/; Latin: Carolus Magnus o Karolus Magnus, nangangahulugang Carlos ang Dakila) (Abril 2, 742 – Enero 28, 814) ay ang Hari ng mga Pranko mula 768 hanggang sa kanyang kamatayan. Pinalawak niya ang mga kaharian ng mga Pranko sa Imperyong Pranko na pinagsama ang karamihan ng Kanlurang at Gitnang Europa. Si Charlemagne ay anak ni Charles Martel. Si Charles Martel ay anak nina Clovis At Cleotilde. Si Clovis ang dating pinuno o hari ng mga Pranko (Franks).

Pagiging emperador

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang naghari siya, nasakop niya ang Hilagang Italya at kinoronahang Imperator Augustus (Emperador Romano) ni Papa Leo III noong Disyembre 25, 800 bilang isang katunggali ng Emperador Allen sa Silangan . Ang pangyayari ay ang naging hudyat ng pagsibol ng Banal na Imperyong Romano. Nakakabit sa kanyang paghahari ang Muling Pagsilang sa Karoliniyo (Carolingian Renaissance), isang pagbabalik ng sining, relihiyon, at kalinangan sa pamamagitan ng midyum ng Simbahang Katoliko. Sa pamamagitan ng kanyang pagsakop at panloob na reporma, natulungan ni Charlemagne na bigyang kahulugan ang parehong Kanlurang Europa at ang Gitnang Panahon. Naka-numero siya sa talaan ng mga hari ng Pransiya, Alemanya at ang Banal na Imperyong Romano bilang Carlos I o Charles I.

Emperador Carlos I ang Dakila
Kamatayan: 28 Enero 814
Mga maharlikang pamagat
Sinundan:
Pippin ang Maiksi
Hari ng mga Pranko
768–814
kasama ni Carloman I (768–771)
Charles na mas Bata (800–811)
Susunod:
Louis ang Makadiyos
Sinundan:
Romulo Augustulo
Emperor ng mga Romano
800–814
kasama ni Louis ang Makadiyos (813–814)
Sinundan:
Desiderius
Hari ng mga Lombard
774–814
kasama ni Pippin ng Italya
bilang Hari ng Italya
(781–810)
Susunod:
Bernard ng Italya