Pumunta sa nilalaman

Chichay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Chichay
Kapanganakan21 Enero 1918[1]
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan31 Marso 1993[1]
MamamayanPilipinas
Trabahoartista, komedyante

Si Chichay (Amparo R. Custodio; 21 Enero 1918–31 Marso 1993) ay isang maliit, nakalilibang magsalita at kulang ng ngipin ang dahilan para sumikat si Chichay bilang isang komedyante hanggang sa panahong ito dahil kakaibang tunog ng kanyang pangalan.

Siya ay isinilang noong 1922 at taliwas sa nakararami na hindi sa Sampaguita siya nag-umpisa, nakagawa muna ng 3 pelikula ang Itanong mo sa Bulaklak ng Premiere Production, ang Carmencita Mia ng PAR Pictures at Kung Sakali Ma't Sala't ng Bayani Pictures

Agad siyang pinapirma ng Sampaguita Pictures para umpisahan ng una niyang pelikula roon ang Huwag ka ng Magtampo na isang Musikal na pinangungunahan nina Tita Duran at Pancho Magalona.

Karaniwang gampanan na niya roon ang papel ng isang katiwala o isang katulong ng mga bidang lalake o babae. Napansin din siya sa pelikulang Buhay Pilipino bilang lola ng mga tauhan.

Una niyang natikman ang maging bida katambal si Tolindoy sa Gorio at Tekla na humakot ng pera sa takilya at siya rin ang katu-katulong ni Gloria Romero na nagsisindi ng kandila para tuluyang pumuti sa Cofradia.

Hindi rin siya makakalimutan sa papel ng isang lolang nagpalaki sa kanyang apo hanggang sa magbinata ang isip-batang si Bondying.

  1. 1.0 1.1 Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm0193809, Wikidata Q37312, nakuha noong 19 Hulyo 2016{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)