Pumunta sa nilalaman

Kerubin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga kerubin na may ulo, leeg, at mga pakpak lamang.
Kerubin na may buong katawan at mga pakpak.

Ang kerubin[1] ay mga nilalang ng kalangitan na naglilingkod sa Diyos. Kauri ito ng mga anghel.[2] Karaniwang nilalarawan ang mga ito bilang mga batang anghel o munting anghel na maaaring ulo lamang hanggang leeg ang makikita at may mga pakpak, subalit maaari ding may katawan. Sa katunayan, nagmula ang salitang kerubin sa mga salitang cherub (isahan) at cherubim (maramihan) ng Ingles, na nangangahulugang "anghel." Matutunghayan ang pagbanggit sa mga anghel o kerubin mula sa Lumang Tipan ng Bibliya. Sa Henesis 3:24, mga anghel ang nagbabantay sa puno ng buhay na nasa loob ng Halamanan ng Eden. Sa Exodo 25: 18-22, dalawang kerubin, o kaya dalawang nasa hustong gulang na mga anghel, na yari sa ginto ang nakapalamuti sa kaban ng tipan upang sumagisag sa pagsaklob ng naganap na pagtubos sa kasalanan ng tao. Sa Una (1 Samuel 4:4) at Ikalawang Aklat ni Samuel (2 Samuel 6:2), nagpapahiwatig ang wangis ng mga anghel na may nakabukas na mga pakpak para sa isang pook na kinaroroonan ng Diyos, sapagkat hindi mapapaloob, maikukulong, o maikakatawan ang Diyos ng iba pang mas mainam na mga bagay. Sa Aklat ni Esekiel 10, nilarawang lumipad ang mga kerubin na nakapaibabaw sa kanila ang luklukan o trono ng Diyos, bilang tanda na ang Diyos ang lumisan mula sa templo.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blake, Matthew (2008). "Kerubin, cherub". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Cherubim". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "What are cherubim?, pahina 102". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.