Pumunta sa nilalaman

Pagkamatay ni Christine Dacera

Mga koordinado: 14°34′05″N 121°01′44″E / 14.5680°N 121.02881°E / 14.5680; 121.02881
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Christine Dacera)
Pagkamatay ni Christine Dacera
Ang lokasyon ng hotel sa mapa ng NCR.
Petsa1 Enero 2021; 3 taon na'ng nakalipas (2021-01-01)
LugarCity Garden Grand Hotel, lungsod ng Makati, Pilipinas
Mga koordinado14°34′05″N 121°01′44″E / 14.5680°N 121.02881°E / 14.5680; 121.02881
UriBrain aneurisym
Mga sangkotdi bababa sa 11[1]
Mga namatayChristine Angelica Dacera
Libing9 Enero 2021; 3 taon na'ng nakalipas (2021-01-09)
(Mga) inaresto3 (pinalaya kalaunan)

Noong ika-1 ng Enero 2021, natagpuang walang malay si Christine Dacera sa isang bathtub matapos salubungin ang Bagong Taon kasama ng di bababa sa 11 lalaki[1] sa isang hotel sa lungsod ng Makati. Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival (patay na pagkadala) siya bandang 12:25 ng tanghali. Ayon sa kanyang sertipikasyon ng pagkamatay, namatay siya dahil sa aortic aneurysm o pagputok ng ugat sa utak.[2] Gayunpaman, hindi pa rin alam kung ano ang talagang nangyari bago siya namatay.

Paunang nagsampa ang kapulisan ng kasong panggagahasa na humantong sa aksidenteng pagpatay (rape with homicide) laban sa labing-isang lalaking kasama ni Dacera noong ika-4 ng Enero.[3] Idineklara rin nila na sarado na ang kaso noong ding araw na iyon. Noong ika-7 ng Enero, ayon sa Malacañang, hindi pa sarado ang kaso.[4]

Inaresto ang tatlo sa labing-isang indibidwal na tinukoy ng pulis matapos nilang sumuko sa otoridad. Pinalaya sila noong ika-6 ng Enero 2021 matapos iutos ng korte sa Makati na palayain sila dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Ang nasabing kaso ay nakakuha ng atensyon sa Internet, lalo na sa Twitter, kung saan nag-trend ang "#JusticeForChristineDacera". Marami ang nambatikos sa mga indibidwal na inaakusahang nanggahasa sa biktima, kasama na ang ilang mga sikat na personalidad. Gayunpaman, pagkaraang mailabas ang ulat sa otopsiya (autopsy report) ng biktima, marami sa mga ito ang humingi ng patawad at nagbura sa kanilang mga tweet at post.

Christine Dacera

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Christine Dacera
Kapanganakan
Christine Angelica Faba Dacera

13 Abril 1997(1997-04-13)
Kamatayan (edad 23)
City Garden Grand Hotel, lungsod ng Makati, Pilipinas
DahilanPumutok na ugat sa puso
LibinganForest Lake Memorial Park,[5] Apopong, lungsod ng Heneral Santos
EdukasyonUnibersidad ng Pilipinas, Mindanao
Trabahoflight attendant

Si Christine Angelica Faba Dacera[6] (13 Abril 1997 - 1 Enero 2021) ay isang flight attendant ng Philippine Airlines. Tubong Heneral Santos, siya ang pangalawa sa apat na anak nina Jose Nestor Dacera at Sharon Rose Dacera.[6][7] Nakapagtapos siya ng cum laude sa Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao sa lungsod ng Davao noong 2017 sa kursong Sining Pangkomunikasyon (Communication Arts), medyor sa Sining Pangmidya (Media Arts).[8][9]

Isa siyang mananayaw at modelo. Sumali siya sa Miss Silka Davao noong 2017 at nagtapos bilang first runner-up.[9] Sumali rin sa Mutya ng Davao noong 2019, kung saan nagtapos siya bilang isa sa mga finalist.[6][9] Noon ding taong iyon, lumipad siya papuntang Maynila upang maging isang flight attendant ng Philippine Airlines.[8]

Noong ika-28 ng Disyembre 2020, huling lumipad si Dacera.[9]

Rinentahan nina Dacera kasama sina Rommel Galido, Rey Ingles,[note 1] Louie de Lima, John Pascual dela Serna, at Clark Jezreel Rapinan ang silid 2209 sa City Garden Grand Hotel sa lungsod ng Makati para sa kanilang handaan para sa bisperas ng Bagong Taon.[1][2]

Unang pumasok sa silid si Dela Serna noong 11:00 ng tanghali. Sinundan siya ni Dacera isang oras pagkatapos. Kalaunan, nagsipuntahan rin sina Galido, Ingles, De Lima, at Rapinan.[2]

Nagsimula mag-inuman ang grupo bandang 10:00 ng gabi. Ayon kay Galido, uminom si Dacera ng tequilla at rum coke.[2]

Inimbitahan ni Galido ang limang iba pa sa inuman: sina Gregorio de Guzman, Valentine Rosales, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, at Eduard Madrid. Pumunta si J.P. Halili sa handaan bandang 1:45 ng umaga ng ika-1 ng Enero.[2] Ayon kay Galido, sila ay mga "friends of friends" (kaibigang lubos) ni Dacera, ngunit sinabi ng pamilya na hindi sila kilala ni Christine.[1]

Ayon sa kanyang ina, nakatawag pa si Dacera sa kanila pagkatapos ng pagpalit ng taon.[1]

Bandang 2:53 ng umaga, ayon sa nakuhang CCTV, nakita si Dacera na may kahalikang lalaki. Natukoy ito bilang si Rosales. Bandang 3:22 ng umaga naman, nakitang may kinakausap si Dacera na lalaki sa pasilyo, habang may dalawang lalaking dumaan sa kanila.[1]

Huling nakitang buhay si Dacera noong 6:23 ng umaga sa ika-22 palapag ng hotel.[2]

Nagising si Galido bandang 10:00 ng umaga, kung saan nakita niya si Dacera sa bathtub ng silid niya. Ayon sa kanya, inakala niyang natutulog lang ito.[1]

Bandang 12:25 ng tanghali, nakatanggap ang mga empleyado ng hotel ng isang tawag na nanghihingi ng tulong matapos matagpuan si Dacera nang walang malay sa isang bathtub. Isinugod siya sa Makati Medical Center ngunit idineklara agad siyang dead on arrival.[2]

Imbestigasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa isinagawang otopsiya noong ika-2 ng Enero, "consistent" ang resulta ng nakita sa otopsiya sa iniulat na dahilan ng pagkamatay ni Dacera. Binigyan-pansin rin ang mga nakitang pasâ sa kanang kamay ni Dacera, gayundin sa kanyang kanang binti, tuhod, siko, at kanang paa. May nakita rin silang malalim na laslas at gasgas nang sinuri nila ang ari ni Dacera. Inembalsamo na si Dacera nang isinagawa nila ang naturang otopsiya.[1]

Unang iniulat ng Pulis Makati ang insidente sa midya noong ika-3 ng Enero.[1]

Noong ika-4 ng Enero, naglabas ang Pambansang Kapulisan ng hiwalay na ulat tungkol sa insidente sa midya. Ayon sa kanila, "sarado" na ang kaso ng "panggagahasa na humantong sa aksidenteng pagpatay" (rape-slay) kay Dacera. Iniulat rin nila na naaresto na nila ang tatlo sa mga suspek: sina Dela Serna, Galido, at Halili. Sinampahan sila ng mga karampatang kaso habang patuloy na hinahanap ng pulisya ang iba pang mga sangkot.

Sa isang panayam ng The Source ng CNN Philippines sa hepe ng Pulis Makati na si Harold Depositar, sinabi niyang may nakitang semilya sa katawan ng biktima, at binigyan-pansin na hindi ito normal sa isang pagtatalik. Dagdag pa niya, hinihinalang may matinding ginawa si Dacera, at posibleng nalasing siya. Sinabi rin niya na iba-iba ang ibinibigay na salaysay ng mga suspek sa pangyayari, at may ilang suspek na umaming bakla sila.[10] Isa na dito si De Guzman, na nagsabing "hindi pa siya nakapagtalik sa babae."[1]

Binigyan naman ng Kagawaran ng Turismo ang City Garden Grand Hotel ng show cause order (utos ng pagbigay-dahilan) dahil sa mga posibleng paglabag sa protocol sa COVID-19.[1][10]

Noong ika-5 ng Enero, sinabi ng pamilya Dacera na magpapa-otopsiya uit sila, dahil hindi raw tinukoy ng naunang medico-legal ang dahilan kung bakit nagkaroon si Christine ng mga pasâ sa iba't ibang bahagi ng katawan.[11] Samantala, binigyan naman ng 72 oras na palugit ang hepe ng kapulisan na si Debold Sinas, kundi ay "tutugisin" ng pulisya sila.[1][12] Nilinaw rin siyang "naresolba" na ang kaso, pero "hindi pa ito sarado."[12]

Pinalaya naman ang tatlong inarestong suspek noong ika-6 ng Enero dahil sa utos ng Opisina ng Prosekyutor ng Makati dahil kinakailangang magsumite ang kapulisan ng pagsusuri sa DNA, ulat sa mga lason (toxicology report), at pagsusuring histopatolohiya. Ayon sa opisina, hindi sapat ang mga ebidensiya para masabing ginahasa si Christine. Dagdag pa nila, hindi malinaw ang tunay na dahilan ng pagkamatay niya.[13]

Dinala sa Punong Himpilan ng PNP sa Kampo Crame sa lungsod ng Quezon ang mga labi ni Dacera para sa lamay nito. Tanging ang pamilya at malapít na kaibigan lamang ang pinayagan sa naturang lamay.[1]

Sa isang panayam ng CNN Philippines kay Gregorio de Guzman, kinumpirma niya na uminom sila ng alak. Nanindigan siyang hindi nagahasa si Dacera, at nanawagan siya sa publiko na pigilan ang pagkalat ng maling impormasyon. Nanawagan din ang kanyang ina, mang-aawit na si Claire dela Fuente, na huwag agad husgahan ang mga sangkot, at sinabing, "madaya 'to, parang trial by publicity 'to. Wag natin ipakulong ang mga inosente."[14]

Nilinaw naman sa isang panayam sa The Source ni Benedicto Malcontento, prosekyutor-heneral ng Kagawaran ng Katarungan, na hindi pa sarado o tapos na ang kaso, at sinabing, "nag-uumpisa pa lang kami."[15]

Naglunsad ng panibagong otopsiya kay Dacera, ayon sa kaibigan ng pamilya na si Dr. Marichi Ramos. Gayunpaman, hindi ilalabas ang impormasyon nito sa publiko.[1]

Inanunsyo ng NCRPO na gumawa sila ng isang espesyal na grupong mag-iimbestiga sa kaso.[16] Ayon sa hepe ng NCRPO na si Vicente Danao Jr., "malaki ang posibilidad" na nakontamina ang mga kinuhang sample mula kay Christine dahil sa pag-eembalsamong ginawa bago ang unang otopsiya.[16] Naghain naman ng kasong gross negligence (matinding pagpapabaya) at gross incompetence (matinding kawalan ng kakayahan) ang pamilya Dacera laban kay Pulis Medyor Michael Nick Sarmiento dahil sa "di maayos at maling" paghahanda sa medico-legal ni Christine.[7]

Naglabas naman ng utos sa NBI noong ika-7 ng Enero ang Kagawaran ng Katarungan para magdaos ng isang hiwalay na imbestigasyon hinggil sa kaso.[17]

Reaksyon at bunga

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Airlines sa pamilya Dacera, at sinabing dapat managot ang mga maysala sa pangyayari. Naglabas naman si Eric Yap, ang tagapangulo ng Komite sa Paglalaan ng Kamara, ng PhP100,000 na pabuya para sa kung sinuman ang makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga sangkot sa kaso. Humingi rin siya ng tulong sa Komisyon sa Karapatang Pantao.[18]

Dinala ang mga labi ni Dacera sa lungsod ng Heneral Santos noong ika-7 ng Enero 2021.[1] Inilibing siya noong ika-10 ng Enero sa Forest Lake Memorial Park.[5]

Nakakuha ng malaking atensiyon online ang kaso.[1]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang englis); $2
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 1.15 Jalea, Glee (Enero 6, 2021). "TIMELINE: The Christine Dacera case" [TIMELINE: Ang Kaso ni Christine Dacera]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 25, 2021. Nakuha noong Enero 8, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Marquez, Consuelo (Enero 7, 2021). "New Year's Day tragedy: What really happened to Christine Dacera?" [Trahedya sa Bagong Taon: Ano ba'ng talagang nangyari kay Christine Dacera?]. Inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 7, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Andrade, Jonathan (Enero 4, 2021). "Makati City police: Provisional charge of rape with homicide filed vs. 11 men in flight attendant's death" [Pulis Makati: Paunang kaso ng panggagahasa na humantong sa aksidenteng pagpatay, isinampa laban sa 11 lalaki sa pagkamatay ng isang flight attendant]. Inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 7, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lopez, Virgil (Enero 7, 2021). "Christine Dacera case 'not yet closed' as Palace backs prosecutor's move" ['Di pa sarado' ang kaso ni Christine Dacera; Palasyo, sinuportahan ang desisyon ng korte]. GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 7, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "LOOK: Christine Dacera laid to rest" [TINGNAN: Christine Dacera, inilibing na]. CNN Philippines. Enero 10, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2021. Nakuha noong Enero 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Altatis, Conan (Enero 4, 2021). "Christine Dacera biography: 13 things about flight attendant from General Santos City, Philippines" [Biograpiya ni Christine Dacera: 13 bagay tungkol sa flight attendant mula sa lungsod ng Heneral Santos, Pilipinas]. Conan Daily. Nakuha noong Enero 7, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Christine Dacera's family seeks immediate relief of medico-legal examiner" [Hinihiling ng pamilya ni Christine Dacera ang agarang pagtanggal sa nagsuri sa medico-legal]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Enero 9, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 20, 2021. Nakuha noong Enero 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Talabong, Rambo (Enero 6, 2021). "What we know so far: The death of Christine Dacera" [Ano'ng alam natin sa ngayon: Ang pagkamatay ni Christine Dacera]. Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 7, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 Tuazon, Nikko (Enero 6, 2021). "What people should remember about Christine Angelica Dacera" [Ano'ng dapat maalala ng lahat tungkol kay Christine Angelica Dacera]. PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 8, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "Foul play in flight attendant's death? Initial exam showed suspects used 'force,' police say" [Foul play sa pagkamatay ng flight attendant? Sabi ng pulisya, gumamit ng 'pwersa' ang mga suspek ayon sa paunang pagsusuri]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Enero 5, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2021. Nakuha noong Enero 9, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Dacera family sought another autopsy in bid to prove daughter did not die of natural causes" [Gustong magdaos muli ang pamilya Dacera ng isa pang otopsiya para patunayan na hindi namatay nang natural ang kanilang anak na babae]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Enero 5, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 9, 2021. Nakuha noong Enero 10, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 "Sinas tells suspects in Dacera's alleged rape-slay: 'We will hunt you down'" [Sabi ni Sinas sa mga suspek sa hinihinalang rape-slay kay Dacera: 'Tutugisin namin kayo']. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Enero 6, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 9, 2021. Nakuha noong Enero 10, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Peralta, Janine (Enero 6, 2021). "Three suspects in Christine Dacera case released for further investigation" [Tatlong suspek sa kaso ni Christine Dacera, pinalaya para sa karagdagang imbestigasyon]. CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2021. Nakuha noong Enero 10, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Suspect in Dacera case speaks up: I'm not hiding" [Suspek sa kaso ni Dacera, nagsalita: Di ako nagtatago]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Enero 6, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 12, 2021. Nakuha noong Enero 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "'We are just starting': DOJ stresses Dacera case not dismissed as search for more evidence continues" ['Nag-uumpisa pa lang kami': diniin ng DOJ na hindi pa tapos ang kaso ni Dacera habang patuloy pa rin ang pangangalap ng mas maraming ebidensiya]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Enero 7, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 14, 2021. Nakuha noong Enero 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Luz Lopez, Melissa (Enero 8, 2021). "Dacera's body embalmed prior to autopsy, Metro Manila police chief confirms" [Inembalsamo na ang labi ni Dacera bago ang otopsiya, kinumpirma ng hepe ng kapulisan ng Kalakhang Maynila]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "DOJ orders probe on flight attendant Dacera's death" [Nag-utos ang DOJ ng imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si [Christine] Dacera] (sa wikang Ingles). Enero 8, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2021. Nakuha noong Enero 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "3 arrested in alleged rape-slay of flight attendant" [3, inaresto sa hinihinalang rape-slay sa isang flight attendant]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Enero 4, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2021. Nakuha noong Enero 9, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)