Pumunta sa nilalaman

Chust

Mga koordinado: 40°59′52″N 71°14′25″E / 40.99778°N 71.24028°E / 40.99778; 71.24028
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Chust

Chust/Чуст
Lungsod
Chust is located in Uzbekistan
Chust
Chust
Kinaroroonan sa Uzbekistan
Mga koordinado: 40°59′52″N 71°14′25″E / 40.99778°N 71.24028°E / 40.99778; 71.24028
Bansa Uzbekistan
RehiyonRehiyon ng Namangan
DistritoDistrito ng Chust
Katayuang panlungod1969
Taas
1,100 m (3,600 tal)
Populasyon
 (2004)
 • Kabuuan63,800
Sona ng orasUTC+5 (UZT)
 • Tag-init (DST)UTC+5 (not observed)
Kodigong postal
161100[1]
Kodigo ng lugar+998 6942[1]

Ang Chust (Usbeko: Chust/Чуст; Tayiko: Чуст; Ruso: Чуст) ay isang lungsod sa silangang Uzbekistan at sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Chust. Matatagpuan ito sa hilagang sulok ng Lambak ng Fergana, kasama ang Ilog Chustsoy.

Isa ito sa mga pinakalumang lungsod sa Lambak ng Fergana. Dumadaan sa lungsod ang pangkotseng daan. Ang daang ito ay nag-uugnay ng Chust sa iba pang mga lungsod tulad ng Namangan, Andijan, at Fergana.

Sumailalim ang Chust sa mga mahahalagang pagbabago noong panahong Sobyet. Sa panahong iyon itinayo ang maraming mga pabrika at institusyon. Kasalukuyang isang mahalagang sentro ng pagpoproseso ng bulak ang lungsod.

Historical population
TaonPop.±%
1897 13,785—    
1939 14,775+7.2%
1959 18,045+22.1%
1970 27,513+52.5%
1979 35,347+28.5%
1989 46,424+31.3%
2004 est.63,800+37.4%
Lahat ng datos ay hango sa Wikidata. Senso 1989: [2] Mga pagtataya: 2014: [3]

Ang opisyal na nakarehistrong populasyon ng Chust noong 2004 ay 63,800.[3] Mas-mataas ito sa datos noong 1974 na 31,000 katao.[4] Pinakamalaking pangkat-etniko ng lungsod ang mga Tajik at Uzbek.

Tulad ng kalapit na lungsod ng Kosonsoy, karamihan sa populasyon ay mga Tajik na nagsasalita ng wikang Persian. Bumubuo itong isa sa mga Tajik na lugar na nagsasalita ng wikang Persian sa Lambak ng Fergana (na karamihan sa populasyon ay mga Uzbek) ng silangang Uzbekistan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Chust". SPR (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Pebrero 2014. Nakuha noong 29 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Haydarov, Murodilla (2000–2005). "Chust". Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi (sa wikang Uzbek). Toshkent: Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Chust" (sa wikang Ruso). Akademik. Nakuha noong 21 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)