Pumunta sa nilalaman

Cleopatra Kambugu Kentaro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Cleopatra Kambugu Kentaro ay isang Ugandan na aktibista para sa mga karapatang pantao at trans woman . Itinampok siya sa 2016 award-winning na dokumentaryo na The Pearl of Africa . [1]

Si Kentaro ay lumaki kasama ang 11 na magkakapatid, at kinikilala niya ang kanyang ama sa pagpapalaki sa kanyang mga anak na may kakayahang ipahayag ang kanilang mga sarili ng walang takot.[2]

Nakuha ni Kentaro ang BSc . sa Agrikultura (patolohiya ng pananim, biotech, at genetika ) sa Makerere University Kampala kolhiyo ng agham pang-agrikultura at pangkapaligiran.[3]

Sinimulan niyang tanungin ang kanyang pagkakakilanlang kasarian sa panahon ng kanyang pag-aaral sa unibersidad, unang nagsasaliksik ng mga konsepto ng di-binary na kasarian sa iba't ibang mga kultura sa pamamagitan ng silid-aklatan at Internet. Pagkatapos, sa edad na 23, nagsimula siyang tuklasin ang pamayanan ng LGBT sa Uganda.[2]

Bago makakuha ng kasikatan, napilitan siyang tumakas sa kanyang katutubong pinanggalingan sa Uganda dahil sa iligal doon ang homosexual, at siya ay naghanap ng kanlungan sa Kenya . Umamin siyang bilang isang transgender noong 2013 sa pabalat ng pinakamalaking tabloid ng Uganda, ang Red Pepper . Ito ay naganap isang linggo pagkatapos ng pagpasa ng Uganda Anti-Homosexual Act noong 20 Disyembre 2013 sa Parliament ng Uganda .[2]

The Pearl of Africa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinimulan ni Cleo ang pagbabahagi ng kanyang kwento sa mga tanyag na webseries na The Pearl of Africa, na

ginawa ring isang dokumentaryo at lumabas noong Abril 30, 2016 sa Hot Docs Canada International Documentary Film Festival .[2] Sa The Pearl of Africa, isinasagawa ni Kentaro ang "isang paglalakbay na lampas sa mga paghihigpit sa binary upang matuklasan ang kanyang pagkakakilanlan", isang proseso na napansin niyang mahirap laban sa mga pamantayan ng pagkalalaki sa Africa. Sinundan ng Direktor na si Jonny Von Wallström si Cleopatra Kambugu Kentaro at ang kasintahan na si Nelson sa loob ng 18 buwan, kung saan nagtrabaho si Kentaro upang mapagbuti ang kapakanan ng LGBT na komunidad ng Uganda sa kabila ng tumataas na diskriminasyon.

Si Kentaro ay nagtatrabaho bilang isang administrador ng mga gawad para sa East Africa Sexual Health and Rights Initiative (UHAI EASHRI), sumusuporta sa sekswalidad, kalusugan, at karapatang pantao ng mga minorya. Itinaguyod niya ang bukas na talakayan ng kasarian at sekswalidad sa Africa, sa kabila ng hindi siya gaanong komportableng pag-usapan ang patungkol sa kasarian.

Si Kentaro ay nagtatrabaho patungo sa isang MSc. sa Molecular Biology at Biotechnology mula sa Makerere University College of Veterinary Medicine Animal Resources at Biosecurity. Nagtrabaho siya sa maraming iba't ibang mga proyekto sa National Biotechnology Center at National Agricultural Crop Resources Research Institute, karamihan ay nakatuon sa molekular biology ng East Africa Highland Banana at cassava, na may layuning maibsan ang kahirapan at gutom.

 

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Seksyon ng sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Cleopatra Kambugu Kentaro". OKAYAFRICA's 100 WOMEN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-20. Nakuha noong 2021-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Out. {{cite magazine}}: Missing or empty |title= (tulong) Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "Brathwaite" na may iba't ibang nilalaman); $2
  3. "Cleo Kambugu | WEF | Women Economic Forum". WEF (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)