Coco Martin
Maaaring hindi nakakatugon ang artikulong ito sa pangkalahatang gabay sa katanyagan.
Pakitulungang magbigay ng katunayan ng katanyagan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mapagtitiwalaan, pangalawang mga sanggunian tungkol sa paksa. Kung hindi makapagbigay ng patunay ng katanyagan, malamang na isanib o burahin ang artikulo. (Nobyembre 2010) |
Coco Martin | |
---|---|
Kapanganakan | Rodel Pacheco Nacianceno 1 Nobyembre 1981 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Edukasyon | Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management |
Nagtapos | National College of Business and Arts |
Trabaho | Aktor, direktor, produsyer, screenwriter, creative manager, endorser |
Aktibong taon | 2001–2002 2004–kasalukuyan |
Ahente | Star Magic (2001–2002; 2009–2016; 2020–kasalukuyan) B617 Management & Enterprise (2016–2020) |
Tangkad | 5 tal 7 pul (170 cm) |
Si Rodel Pacheco Nacianceno (ipinanganak Nobyembre 1, 1981), propesyonal na kilala bilang Coco Martin, ay isang Pilipinong actor, direktor, and prodyuser ng pelikula. Kabilang sa kanyang mga obra ay ang mga malayang pelikulang Masahista at Daybreak pati na rin ang teleseryeng Tayong Dalawa at Minsan Lang Kita Iibigin. Sa kasalukuyan, Si Martin ay nakatanggap na ng ilang mga parangal mula sa iba't-ibang kilalang samahan, kabilang na ang Gawad Urian at KBP Golden Dove Awards. [1]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Martin ay nagsimula sa showbiz bilang isa sa mga kasapi ng Star Magic's Star Circle Batch 9 sa ABS-CBN [2]. Siya ay unang lumabas sa pinilakang-tabing noong 2001 sa pelikulang Luv txt kung saan ang pagpapakilala sa kanya ay ang kanyang tunay na pangalan, Rodel Nacianceno. Matapos nito, siya ay maikling nag-pahinga mula sa pag-arte.
Simula noon, si Martin ay lumitaw sa ilang mga patalastas sa telebisyon bago muling bumalik sa pag-arte sa pelikulang Masahista (Masseur) noong 2005. Dahil sa kanyang matapang at mahusay na pag-arte sa pelikulang ito, siya ay ginawaran ng Young Critics Circle Best Actor Award noong 2006. Siya rin ay gumanap sa pelikulang Kaleldo (Summer Heat) noong 2006.
Sa unang bahagi ng taong 2007, si Martin ay sumapi sa GMA Network, at lumitaw sa ilang mga programa ng GMA TV gaya ng Daisy Siete. Siya rin ay naging isang miyembro ng boy-group na The Studs. Si Martin ay muli ring gumanap sa ilang mga pelikulang ang sentro o mga bida ay mga homosekswal o bading, gaya ng Daybreak at Jay na kung saan ay nakamit niya ang Best Supporting Actor award ng Gawad Urian.
Noong 2008, si Martin ay muling bumalik sa ABS-CBN sa teleseryeng Ligaw Na Bulaklak bilang isa sa mga regular na aktor. Siya rin ay gumanap sa teleseryeng Tayong Dalawa kung saan siya nanalo ng Star Awards for Television: Best Drama Actor noong 2009. Pagkatapos ng Tayong Dalawa, siya rin ay gumanap sa panghapong teleseryeng may pamagat na Nagsimula Sa Puso.
Noong 2010, siya ay naging isa sa mga artista ng pang-gabihang drama sa ABS-CBN, ang Kung Tayo'y Magkakalayo, at nagkaroon rin ng nangungunang papel sa pamamagitan ng komik-seryeng Tonyong Bayawak. Si Martin ay itinakda at tuluyan ngang naging bahagi ng pelikulang Sa 'yo Lamang[3] at ng unang musika-serye ng ABS-CBN, 1DOL.
Ngayong 2011, siya ang pangunahing aktor sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin, kung saan ginaganapan niya ang dalawang papel: isang sundalo at isang NPA na kambal na magkapatid. Ang kanyang sundalong katauhan ay umibig sa isang dalagang rebelde na naninirahan sa kabundukan at may matinding galit sa militar at pamahalaan. Sa kabilang banda, ang rebeldeng katauhang ginaganapan ni Martin ay umiibig naman sa isang sundalong apong babae ng hepe Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga Kwento ni Lola Basyang: Ang Walong Bulag (2007) .... Bilang Bulag 6
- Daisy Siete: Isla Chikita (2007) .... Bilang David
- Maalaala Mo Kaya: Bibliya (2008) .... Bilang James
- Ligaw na Bulaklak (2008) .... Bilang Jajaken
- Komiks Presents: Tiny Tony (2008) .... Bilang Joaquin
- Maalaala Mo Kaya: Boarding House (2008) .... Bilang Billy
- Tayong Dalawa (2009) .... Bilang Ramon Lecumberri
- Pinoy Indie: Biyaheng Lupa (2009) .... Bilang Obet
- Nasaan ka Maruja? (2009) .... Bilang Jedi
- Nagsimula sa Puso (2009) .... Bilang Carlo Pagdanganan
- Kung Tayo'y Magkakalayo (2010) .... Bilang Ringo Crisanto
- Agimat Ang Alamat ni Ramon Revilla Tonyong Bayawak (2010) .... Bilang Antonio "Tonyo" Dela Cruz/Tonyong Bayawak
- 1DOL (2010) .... Bilang Lando Lagdameo
- Maalaala Mo Kaya: Silbato (2010) .... Bilang Jerome Ortega
- Minsan Lang Kita Iibigin (2011) .... Bilang Alexander Del Tierro at Javier Valencia
- 100 Days to Heaven (2011) .... Bilang Young Tagabantay
- Growing Up (2011) .... Bilang Asiong
- Walang Hanggan (2012) .... Bilang Emil "Daniel Cruz" Montenegro / Daniel Guidiotti
- Maalaala Mo Kaya: Kamao (2012) .... Bilang Ramon
- Kahit Konting Pagtingin (2013) .... Bilang Pasaherong Bus
- Juan dela Cruz (2013) .... Bilang Juan Dela Cruz / Anak ng Dilim
- My Little Juan (2013) .... Bilang Malabata ni Juan Dela Cruz
- Wansapanataym: Simbang Gabi (2013) .... Bilang Police Officer Carlos "Caloy/Caloykoy" de Guzman
- Ikaw Lamang (2014) .... Bilang Samuel Severino Hidalgo
- Ikaw Lamang - Pangalawang Libro (2014) .... Bilang Gabriel R. Hidalgo / Gabriel L. Mondigo
- Wansapanataym: Yamishita's Treasures (2015) .... Bilang Yamishita "Yami"
- Maalaala Mo Kaya: Plano (2015) .... Bilang Police Chief Insp. Garry Erana
- FPJ's: Ang Probinsyano (2015-2022) .... Bilang SPO2 Ricardo "Cardo" Dalisay at Police Sr. Insp. Dominador "Ador" B. de Leon
- FPJ's: Batang Quiapo (2023-kasalukuyan) .... Bilang Hesus Nazareno "Tanggol" Dimaguiba / Hesus Nazareno "Tanggol" Montenegro
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Luv Txt (2001)
- Ang agimat: Anting-anting ni Lolo (2002) .... Bilang Armon
- Masahista (2005) .... Bilang Iliac
- Summer Heat (2006) .... Bilang Iliac
- Siquijor: Mystic Island (2006)
- Kaledo (2006)
- Ang Parol Sa Aking Burol (2006)
- Tirador (2006) .... Bilang Caloy Dominguez
- Nars (2006) .... Bilang Noel
- Tambolista (2007) .... Bilang Billy
- Siquijor: Ang Pag-Ibig ng Walang Hanggang (2007) .... Bilang Miguel Valdez
- Batanes: Ang Pag-ibig ay Walang Hangganan (2007) .... Bilang Benjie
- Condo (2008) .... Bilang Benjamin "Benjie" Castro
- Noy Manolo "Noy" Agapito (2010) .... Bilang Noy Agapito
- Sa 'yo Lamang (2010) .... Bilang Coby Alvero
- Captive (2012) .... Bilang Abusama
- Born To Love You (2012) .... Bilang Rex Manrique
- Sta. Niña (2012) .... Bilang Pol
- 24/7 in Love (2012) .... Bilang Dante
- A Moment in Time (2013) .... Bilang Patrick Javier
- Maybe This Time (2014) .... Bilang Tonio Bugayong
- Feng Shui 2 (2014) .... Bilang Lester Anonuevo
- You're My Boss (2015) .... Bilang Pong Dalupan
- Beauty and the Bestie (2015) .... Bilang Emman Castillo
- Padre de Familia (2016) .... Bilang Noel Santiago
- The Super Parental Guardians (2016) .... Bilang Neil "Paco" Nabati
- Ang Panday (2017) .... Bilang Flavio Batungbakal III
Mga Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- YCC Awards Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual or Ensemble in Leading or Supporting Role (para sa pelikulang ''Masahista'') (2006) .... Nagwagi
- Gawad Urian Best Supporting Actor (para sa pelikulang Tambolista) (2007) .... Kandidato
- Gawad Urian Best Actor (para sa pelikulang Daybreak) (2008) .... Kandidato
- Golden Screen Awards Best Performance by an Actor (para sa pelikulang Jay) (2009) .... Nagwagi
- Gawad Urian Best Supporting Actor (para sa pelikulangJay) (2009) .... Nagwagi
- ASAP Pop Viewer's Choice Awards Pop TV Character of the Year (para sa pagganap bilang Ramon sa Tayong Dalawa) (2009) .... Kandidato
- Anak TV Seal Awards Most Admired Male TV Personality (2009) .... Nagwagi
- Star Awards for Television Best Drama Actor (para sa teleseryeng Tayong Dalawa) (2009) .... Nagwagi
- PMPC Star Awards for Television Best Actor (para sa teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo) (2010) .... Kandidato
- 8th Gawad TANGLAW Presidential Jury Award for Excellence in Acting (2010) .... Nagwagi
- ASAP XV Pop Viewer's Choice Awards 2010 Pop Pin-up Boy (2010) .... Kandidato
- KBP Golden Dove Awards 2010 Best Actor (para sa teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo) (2010) .... Nagwagi
- Gawad Urian || Best Actor (para sa pelikulang Kinatay) (2010) .... Kandidato
- 9th Gawad TANGLAW Best Actor (para sa teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo) (2011) .... Nagwagi
- USTv Awards 2011 Best Actor in a Daily Soap Opera (para sa teleseryengKung Tayo'y Magkakalayo) (2011) .... Nagwagi
- 8th ENPRESS Golden Screen Awards Best Performance by an Actor in a Supporting Role-Drama, Musical or Comedy (para sa pelikulang Sa Iyo Lamang) (2011) .... Kandidato
- 8th ENPRESS Golden Screen Awards Best Performance by an Actor in a Leading Role-Drama (para sa pelikulang NOY) (2011) .... Kandidato
- 9th Gawad Tanglaw Best Actor (para sa pelikulang NOY) (2011) .... Nagwagi
- Gawad Pasado 2011 Pinakapasadong Aktor (2011) .... Nagwagi
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Coco Martin's acting career continues to soar.
- ↑ Coco Martin, Prince of Independent Films, is getting Star Magic buildup Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine. retrieved via www.pep.ph 08-10-2009
- ↑ "Coco Martin will continue doing Indie Films". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-02. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Panlabas na Link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Coco Martin sa IMDb