Nagsimula sa Puso
Nagsimula sa Puso | |
---|---|
Uri | Drama |
Direktor | Malu Sevilla Darnel Joy Villaflor |
Pinangungunahan ni/nina | Maja Salvador |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Bilang ng kabanata | 75 |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Roldeo T. Endrinal |
Oras ng pagpapalabas | 30–45 mins. |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABS-CBN |
Picture format | NTSC 480i |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 12 Oktubre 2009 22 Enero 2010 | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Kambal sa Uma |
Website | |
Opisyal |
Ang Nagsimula sa Puso ("It Started From the Heart") ay isang dramang pantelebisyon ng ABS-CBN tuwing sa hapon sa Pilipinas. Ito ay muling paggawa ng pelikula noong 1990 na may ganoon ding pamagat kung saan bida si Hilda Koronel.[1][2]
Pangkalahatang-ideya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang orihinal na pelikula ay pinalabas noong dekada 90 ng Vision Films. Ibinibida dito sina Hilda Koronel, Richard Gomez, Jay Ilagan, at Cherie Gil. Ito ay sa direksiyon ni Mel Chionglo at sinulat ni Ricky Lee.[3]
Produksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang kauna-unahang seryosong pagganap ni Maja Salvador bilang isang aktres. Sinabi ni Maja hindi na niya kailangan pang kumbinsihin para sa mas mapangahas na pagganap sa kanyang proyektong ito sapagkat nagustuhan na niya ang kuwento at ang mga pagsubok na kasama nito. Kahit na ang palabas ay binubuo ng magagaling na tauhan at napakagandang kuwento, inamin ni Maja na sabik pa rin siyang makita ang reaksiyon ng mga tao sa kanyang pagiging mas mapangahas. Matapos makita ng mga nasa pahayagan ang trailer ng Nagsimula sa Puso, marami ang nagsabing maganda ito na mailagay sa primetime television.
Mga Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Maja Salvador bilang Celina Fernandez - ay isang dalagang na hindi nalaman kung ano talaga ang kalayaan sapagkat palagi siyang dinidiktahan ng kanyang ina sa kanyang dapat na tahakin maging ang lalaking kanyang dapat pakasalan. Subalit paano kung ang kanyang pagsuway ay maging isang bangungot na babalikan pati ang kanyang hinaharap bilang asawa ng anak ng isang politiko?
- Coco Martin bilang Carlo Pagdanganan - mag-aaral na nagtatrabaho na halos napapabayaan ang sarili dahil siya lang ang inaasahan ng kanyang inang may kapansanan. Ang umibig ang pinakahuli niyang kailangan subalit hindi niya napigilang mahulog sa tanging taong nakakaintindi sa kanya. Makuha kaya niya ang pagmamahal ng babaeng mayroon nang nagmamay-ari?
- Jason Abalos bilang Jim Ortega - solong anak ng isang pamilyang may magandang katatayuan sa lipunan at kontento na sa katotohanang ang mabuting impluwensiya ng kanyang mga magulang ang naging daan para sa kanyang tagumpay. Para makabawi dito napagpasyahan niyang pakasalan ang kanyang kababata at namuhay sila ng masaya. subalit mayroon nga kayang ganoong kuwento sa mundong ito?
- Nikki Gil bilang Julie Pagdanganan - ay isang dalagang na hindi mainlove kay carlo sa eskwelahan si elena at carlo ay naiibig?
- Carlo Aquino bilang Arthuro Totoy Magtanggol - ay iniibig si Elena magcrush pumunta kay celina hinanap si carlo sa Palabas?
- Camille Prats bilang Elena Magtanggol - ay nagcrush kay totoy iniibig ni Jim Celina Carlo Julie at Totoy sa Eskwelahan?
Pangalawang Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jacklyn Jose bilang Minda Fernandez
- Buboy Garovillo bilang Tony Ortega
- Gloria Diaz bilang Pinky Ortega
- Irma Adlawan bilang Liza
- Ronnie Lazaro bilang Mang Grego
- Niña Jose bilang Charie
- Joseph Bitangcol bilang Eugene
- Cacai Bautista bilang Missy
- Frenchie Dy bilang Franchescka
- Boom Labrusca bilang Oliver
- Kris Martinez bilang Paolo
- Max Reyes bilang Dino
- Acey Aquino bilang Sharlyn
Espesyal na Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Luarice Guillen bilang Teresa
- Manuel Chua bilang Jedric
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "ABS-CBN unveils its upcoming new shows". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-23. Nakuha noong 2009-11-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Feel the passion on Nagsimula sa Puso on ABS-CBN’s afternoon block Naka-arkibo 2012-03-23 sa Wayback Machine. retrieved via www.abs-cbn.com 10-12-2009
- ↑ Nagsimula sa Puso (1990)