Code
Sa komunikasyon at pagpoproseso ng impormasyon, ang code (literal na salin sa Tagalog: kodigo) ay isang sistema ng mga patakaran upang maisalin ang impormasyon—tulad ng letra, salita, tunog, larawan, o kilos&mdashlsa isa pang porma o representasyon, na minsan ay pinaiksi o sikreto, para sa komunikasyon sa isang channel o pag-imbak sa isang midyum. Isang halimbawa ang pagkakaimbento ng wika, na binibigyang kakayahan ang isang tao, sa pamamagitan ng pagsasalita, na ipahiwatig ang kanyang nakita, narinig, naramdaman, o naisip ng iba. Pero ang saklaw ng komunikasyon ng pagsasalita ay nililimitahan sa distansya na kayang tawirin ng boses, at nililimitahan din ang madla sa kung sino ang naroon noong oras na sinabi ang mga pananalita. Ang pag-imbento ng pagsusulat, kung saan isinalin ang wika na sinasabi papunta sa nakikita, ay nagpapahaba ng saklaw ng komunikasyon sa kalawakan at oras.
Ang proseso ng pag-encode ay nagsasalin ng impormasyon mula sa isang maaaaring pagkunan nito papunta sa mga simbolo para sa komunikasyon o pag-imbak. Ang pag-decode ang kabaligtarang proseso, kung saan isinasalin ang mga simbolong koda pabalik sa isang pormang naiintindihan ng taong nakatanggap ng mensahe.
Isang dahilan ng pagkoda ay para magkaroon ng komunikasyon sa mga lugar kung saan ang ordinaryong wika, na maaaring sinasabi o sinusulat, ay mahirap o imposibleng gamitin. Isang halimbawa ang semaporo, kung saan ang kompigurasyon ng mga watawat na hawak ng isang signaller o mga braso ng isang tore ng semaporo ay nag-e-encode ng mga parte ng isang mensahe na kadalasan ay indibiduwal na mga letra at numero. Isa pang tao na nakatayo sa isang malayong distansiya ay maaaring maintindi ang mga watawat at isalin ang mga ipinadalang salita.
Mga teorya[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa teorya ng impormasyon at agham pangkompyuter, ang code ay madalas na itinuturing na isang algoritmo na may katangi-tanging representasyong simbolo mula sa pinagkunan nito, gamit ng na-enkoda na mga strings, na maaaring makita sa tinutumbok na simbolo. Ang pinahabang code para sa representasyon ng mga simbolo mula sa pinagmulan ay maaring makuha sa pamamagitan ng pagdugtong ng mga na-enkoda na string.
Bago bigyan ng tiyak na matematikong kahulugan, ito ang halimbawa: Ang naka-mapang
ay isang code, na ang pinagkunang simbolo ay ang set na na ang target na mga simbolo ay nasa set na . Gamit ang pinahabang code, ang na-enkoda na string na 0011001011 ay maaaring ipangkat sa mga salitang coda bilang 0 011 0 01 011. Ito naman ay maaaring ma-decode bilang acabc.
Gamit ang mga termino sa teorya ng pormal na wika, ang tiyak na matematikong kahulugan ng konseptong ito ay ibinibagay bilang: Sabihin na ang S at T ay dalawang may hangganang set, na tatawagin natin bilang pinagmulan (source) at pinatatamaang simbolo (target alphabet). Ang code ay isang kabuuang punsyon kung saan bawat simbolo mula sa S ay mayroong katumbas na simbolo sa T, at ang pinahabang ay may homomorpismong katumbas ang sa , na likas na binibigyan ang bawat isa sa elemento ng S ng katumbas na elemento sa T. Ito ang tinatawag na pinahabang porma ng function code.
Isinalin mula sa: https://en/wikipedia.org/wiki/Code