Sistemang pantanaw
Ang sistemang pangmata o sistemang biswal ay ang bahagi ng sistemang nerbyos na nagpapahintulot sa mga organismo upang makakita, makatingin, o makatanaw. Ipinapaunawa nito ang kabatiran mula sa nakikitang liwanag upang makabuo ng representasyon o kinatawan ng mundong nakapaligid sa katawan. May masalimuot na tungkulin ang sistemang ito na buuin o muling buuin ang mundong may tatlong dimensiyon mula sa isang pagpapakita o proyeksiyong may dalawang dimensiyon ng mundong ito. Tinatawag na persepsiyong biswal ang sikolohikal na manipestasyon ng kabatiran o impormasyong biswal. Tinatawag rin itong sistemang pantanaw at sistemang pantingin.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.