Sistemang somatosensoryo
Ang sistemang panghipo, sistemang somatosensoryo, o sistemang somatosensoryal (Ingles: somatosensory system) ay isang sistemang pandama na nakakadetekta, nakadarama, o nakapapansin ng mga karanasang tinuturing na paghipo o presyon, temperatura (mainit o malamig), hapdi (kabilang ang kati at kiliti) at iyong mga kabilang sa propriosepsiyon. Mga sensasyon ito ng kilos o galaw ng mga masel at posisyon ng hugpungan kabilang ang tikas, galaw o kilos, damdaming biseral (internal o panloob) at ekspresyon ng mukha. May kaugnayan ang pandamdam na biseral sa mga kabatiran o impormasyong sensoryong nagmumula sa loob ng katawan, katulad ng sakit ng tiyan.
Maituturing ang paghipo bilang isa sa limang mga damdamin o pagdama ng tao; subalit kapag hinawakan o hinipo ng isang tao ang isang bagay o kapwa tao, nakalilikha ito ng sari-saring mga damdamin: ang persepsiyon ng presyon o diin (hugis, kalambutan, tekstura, oskilasyon o bibrasyon, at iba pa), relatibong temperatura, at kung minsan pati kahapdian. Kaya't ang salitang "hipo" ay talagang kombinasyon o pinagsamang katawagan para sa ilang mga damdamin o senso. Sa medisina, kalimitang pinapalitan ang kolokyal na terminong "hipo" ng somatikong mga damdamin, somatikong pandamdam, o somatikong mga senso, upang maipakita ng mainam ang sari-saring mga kalangkap na mga mekanismo.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Flanagan, J.R., Lederman, S.J. Neurobiology: Feeling bumps and holes, News and Views, Nature, 26 Hulyo 2001;412(6845):389-91.
- Hayward V, Astley OR, Cruz-Hernandez M, Grant D, Robles-De-La-Torre G. Haptic interfaces and devices Naka-arkibo 2006-07-18 sa Wayback Machine.. Sensor Review 24(1), pp. 16–29 (2004).
- Robles-De-La-Torre G., Hayward V. Force Can OvercomFLARGUSe Object Geometry In the perception of Shape Through Active Touch Naka-arkibo 2006-10-03 sa Wayback Machine.. Nature 412 (6845):445-8 (2001).
- Robles-De-La-Torre G. The Importance of the Sense of Touch in Virtual and Real Environments Naka-arkibo 2014-01-24 sa Wayback Machine.. IEEE Multimedia 13(3), Special issue on Haptic User Interfaces for Multimedia Systems, pp. 24–30 (2006).
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Somatosensory & Motor research
- Informa Healthcare
- Pang-ibabaw na Pananaw Naka-arkibo 2008-02-08 sa Wayback Machine.
- Somatic vs. Special senses Naka-arkibo 2007-05-08 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.