College Editors Guild of the Philippines
Ang College Editors Guild of the Philippines ay isang alyansa ng mga pahayagang pang-campus ng mga kolehiyong mag-aaral sa Pilipinas. Ito ang pinakamatanda at tanging umiiral na alyansa ng mga publikasyon sa Asya-Pasipiko.[1] Ito ay itinatag noong Hulyo 25, 1931.[2] Isa rin itong miyembro at organisasyong nagtatag ng Kabataan Partylist.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang CEGP ay itinatag noong Hulyo 25, 1931 sa pamamagitan ng isang kongregasyon ng mga editor ng apat na publikasyong mag-aaral sa kolehiyo: The National ng Pamantasang Pambansa, The Varsitarian ng Unibersidad ng Santo Tomas, ng Philippine Collegian ng University of the Philippines, at The Guidon ng Pamantasang Ateneo de Manila.[2] Ang gremyo ay itinatag upang pag-isahin ang mga publikasyong pangkampus at mahasa ang kanilang mga kasanayan.[3] Kaarawan din ni Ernesto Rodriguez Jr., ang editor-in-chief ng The National, noong araw na iyon.[kailangan ng sanggunian] Si Wenceslao Vinzons ang nagsilbi bilang unang pangulo nito, mula 1931-1932.[4]
Ang mga progresibong ugat nito ay unang naitala noong Disyembre 9, 1932, nang pamunuan nina Rodriguez at Vinzons ang mga mamamahayag sa kampus at ang mga kabataan sa pagsalungat sa isang panukalang batas na magbibigay ng mas mataas na suweldo sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan sa Pilipinas.[3]
Sa panahon ng pag-usbong ng kilusang mag-aaral sa Pilipinas noong dekada 1960, ang CEGP ay lubos na binago tungo sa isang unyon ng mga publikasyon at mamamahayag na nag-uugnay sa pamamahayag sa mga pambansang usapin. Ang punong patnugot ng Philippine Collegian na si Antonio Tagamolila, nang siya ay nahalal para sa pagkapangulo ng Presidency, ay nagsabi na "ang tagumpay ng mga progresibo ay hudyat ng pagsilang ng isang bago, progresibong College Editors Guild of the Philippines." Ang noong diktador na si Ferdinand Marcos ay nagawang isara ang mga publikasyong pangkampus nang ideklara niya ang Batas Militar noong 1972. Ang mga tulad ni Tagamollila ay sumali sa pakikibakang underground noon. Gayunpaman, ang CEGP ay muling nabuo noong unang bahagi ng 1980s.[2]
Ang pagiging progresibo nito ay naging kilala sa pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag. Ang Campus Press Freedom Day sa Pilipinas ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Hulyo. Ang CEGP ay isa sa mga grupong nire-red-tag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.[2]
Mga kilalang alumnus
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "College Editors Guild of the Philippines". Medium (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Honoring and then shooting the messenger". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2019-09-21. Nakuha noong 2021-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "History". KALASAG (sa wikang Ingles). 2012-06-03. Nakuha noong 2021-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CEGP Presidents". KALASAG (sa wikang Ingles). 2012-06-03. Nakuha noong 2021-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |