Pumunta sa nilalaman

Partido Komunista ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Partido Komunista ng Pilipinas (Ingles: Communist Party of the Philippines), dinadaglat na PKP (Ingles: CPP), ay isang malayong-kaliwang partidong pampolitika. Itinatag ito noong 26 Disyembre 1968 sa Alaminos, Pangasinan ni Jose Maria Sison at mga dating kasapi ng lumang PKP batay sa mga prinsipyo ng Marxismo–Leninismo–Maoismo.

Itinyak ni Sison ang pagsilang nito sa Barangay Dulacac sa tatluhang hangganan ng Alaminos, Bani at Mabini sa Pangasinan, kung saan itinanghal ang "kongreso ng muling pagtatag" ng PKP sa isang barung-barong malapit sa bahay ng mga Navarette, ang mga magulang sa kasal ni Arthur Garcia, isa sa mga tagapagtaguyod ng PKP.[1] Inihayag ni Sison na ang mga gerilyang Komunista at nagtanghal ng mga "gawaing kultural" at nagdiriwang ng ika-39 anibersaryo ng kilusan.[2] Noong 26 Disyembre 2007, idiniriwang naman ng Partido Komunista ng Pilipinas ang ika-39 anibersaryo nito.

Maoista ang ideolohiya ng PKP at lumalaban ito ng "digmaang bayan" sa pamamagitan ng armadong sangay nito, ang Bagong Hukbong Bayan, simula ng 1969. Nakikilahok ito sa Maoistang Pandaigdigang Kumperensiya ng mga Partido at Organisasyong Marxista-Leninista. Namumuno rin ang PKP sa Pambansang Prenteng Demokratiko.

Ang PKP ay nakikipaglaban sa isang digmaang gerilya laban sa estado mula nang itatag ito. Bagama't ang mga hanay nito sa pagsisimula ay humigit-kumulang 500 lamang, mabilis na lumaki ang partido, dahil umano sa pamamahayag at pagpapataw ng batas militar ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa kanyang dalawampu'y isang taong pamumuno. Sa pagtatapos ng pamumuno ni Marcos sa bansa, lumawak ang bilang ng mga mandirigma na kinabibilangan ng mahigit 10,000 na manghihimagsik. Sa isang talumpati sa harap ng Kongreso ng US noong 1986, inamin ni Pangulong Corazon Aquino ang mabilis na paglago ng partido bilang dulot ng mga pagtatangka ni Marcos na pigilan ito sa pamamagitan ng "paraan ng paglago nito" sa kanyang pagtatatag ng batas militar, at iminungkahi niya na tingnan ito ng ibang mga pamahalaan bilang aral sa pagharap sa mga komunistang pagaalsa.[3]

Noong 2019, sinabi ni Sison na dumarami ang bilang ng mga miyembro at tagasuporta nito, sa kabila ng mga pahayag ng gobyerno ng Pilipinas na malapit nang masira ang organisasyon.[4] Ang organisasyon ay nananatiling isang underground na operasyon, na ang pangunahing layunin nito ay ang ibagsak ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng armadong himagsikan at alisin ang impluwensya ng U.S. sa Pilipinas. Binubuo ito ng Pambansang Demokratikong Hanay ng Pilipinas, isang kasamahan ng iba pang mga panghimagsikang organisasyon sa Pilipinas na may magkakahanay na mga layunin; ang Kabataang Makabayan, na nagsisilbing bagwis-pangkabataan; at ang Bagong Hukbong Bayan, na nagsisilbing armadong bagwis nito.

Si Amado Guerrero, noon ay miyembro ng sentral na komite ng Partido Komunista ng Pilipinas o PKP-1930, ang nanguna sa muling pagtatatag ng partido. Kinumpirma ni Jose Maria Sison, na sinasabing nasa likod ng nom de guerre Amado Guerrero, ang kapanganakan nito sa Barangay Dulacac sa tri-boundary ng Alaminos, Bani at Mabini sa lalawigan ng Pangasinan. Dito ginanap ang "Congress of Reestablishment" ng CPP noong 26 December 1968, sa isang kubo malapit sa bahay ng mga Navarette, ang biyenan ni Arthur Garcia, isa sa mga founder ng CPP.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Inquirer.net, Joma Sison recalls birth of CPP in Alaminos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-26. Nakuha noong 2009-04-21. Naka-arkibo 2014-12-26 sa Wayback Machine.
  2. Abs-Cbn Interactive, Sison: 'Cultural activities' to mark CPP 39th anniversary[patay na link]
  3. Aquino, Corazon (1986). Corazon Aquino's Speech before the Joint session of the United States Congress sa pamamagitan ni/ng Wikisource.
  4. "Joma claims CPP-NDF growing stronger". The Philippine Star. Nakuha noong 9 May 2019.