Pumunta sa nilalaman

Conrado Conde

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Siya ay buhat sa pamilya ng mga Ilagan, Si Conrado ay isang Aktor at batikang Direktor.

Siya ay isinilang noong 1911 at unang lumabas sa pelikulang Carmelita ng Parlatone Hispano-Pilipino.

Binigyan siya ng pagkakataon ng LVN Pictures bilang isang direktor at unang pinamahalaan ang Prinsipe Tenoso.

Taong 1950 ng lumipat siya sa Premiere Production bilang isang aktor at ginawa niya ang Ang Hiwaga ng Tulay na Bato.

Taong 1953 naman ng siya ay pumirma ng kontrata at palagian ng naging direktor ng Sampaguita Pictures at una niyang idinirihe dito ang Balisong ni Ramon Revilla at Alicia Vergel.

Siya rin ang nagdirek ng unang pelikula ni Leopoldo Salcedo sa Sampaguita ang Katawang Lupa.

Napagsama-sama rin niya ang tatlong aktres ng Sampaguita na sina Gloria Romero, Rita Gomez at Lolita Rodriguez sa isang Dramang Pampamilya ang Mga Anak ng Diyos ng Vera-Perez Pictures.

Nagpatuloy siya sa pagdidirihe hanggang dekada 60s.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.