Pumunta sa nilalaman

Konde

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Count)

Ang konde ay isang taong nabibilang sa mga maharlika sa mga bansa sa Europa. Kondesa ang tawag sa asawa ng isang konde.[1] Sa Ingles, kilala ang konde bilang count, samantalang countess naman ang kondesa. Nagmula ang salitang count ng Ingles mula sa Pranses na comte, na nagbuhat naman sa Lating comes—sa kasong akusatibong comitem—nangangahulugang "kasama", at pagdaka bilang "kasama ng emperador" o "delegado ng emperador". Katumbas ito sa Britanya ng isang erl, na tinatawag ding "kondesa" ang asawa, dahil sa kakulangan o kawalan ng Angglo-Saksong panawag. May alternatibong mga pangalan para sa ranggong "konde" sa kayariang pangnobilidad na ginagamit sa ibang mga bansa, katulad ng Hakushaku noong panahon ng Imperyo ng Hapon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Count, Countess - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

TaoEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.