Crazy Beautiful You
Crazy Beautiful You | |
---|---|
Direktor | Mae Czarina Cruz-Alviar |
Prinodyus | John Leo D. Garcia Carmi Raymundo Malou N. Santos Charo Santos-Concio |
Sumulat | Rory B. Quintos |
Iskrip | Bianca B. Bernardino Maan Dimaculangan Jancy E. Nicolas Carmi Raymundo |
Itinatampok sina | Kathryn Bernardo Daniel Padilla |
Musika | Jesse Lucas |
Sinematograpiya | Moises Lee Dan Villegas |
In-edit ni | Marya Ignacio |
Produksiyon | |
Tagapamahagi | Star Cinema |
Inilabas noong |
|
Bansa | Pilipinas |
Wika |
|
Ang Crazy Beautiful You[1][2] ay isang pelikulang komedya-drama noong 2015. Ang pelikula ay sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar, at pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.[3] Ipinalabas ito sa mga sinehan noong 25 Pebrero 2015 bilang espesyal na bahagi ng Buwan ng mga Puso.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa suwail na anak si Jackie (Kathryn Bernardo), ang kanyang ina (Lorna Tolentino) ay nagdesisyon na ipadala siya sa isang misyong medikal sa Tarlac sa pag-asang matututo at magiging matino na siya. Doon, nakilala niya si Kiko (Daniel Padilla), isang masayahing binata na magtitiyak na gagawin at susundin niya ang mga pinagagawang utos at gawain sa kanya. Sa gitna ng misyon, matutuklasan nila ang isang bagay na siguradong nakakababaliw... at maganda.
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kathryn Bernardo bilang Jackie
- Daniel Padilla bilang Kiko Alcantara
- Iñigo Pascual bilang Marcus
- Lorna Tolentino bilang Leah, ina ni Jackie
- Gabby Concepcion bilang Mayor Ito Alcantara, ama ni Kiko
- Dante Ponce
- Cacai Bautista
- Bryan Santos bilang kuya ni Jackie
- Hyubs Azarcon
- Kiray Celis bilang Julie
- Neil Coleta
- Thou Reyes
- Menggie Cobarrubias
- JM Ibañez
- Andrea Brillantes bilang Nene
- Inah Estrada
- Loisa Andalio bilang Mia
- Chienna Filomeno
- Tippy Dos Santos ate ni Marcus
- Cheska Iñigo bilang Ellen
Musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tema ng kanta ng pelikula ay "Nothing’s Gonna Stop Us Now" na inawit ni Daniel Padilla at tampok si Morissette Amon.[4]
Takilya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pelikula ay kumita ng ₱5 milyon sa unang oras ng pagbubukas at kumita ng ₱38 milyon sa unang araw nito.[5][6] Ito rin ang may pinakamataas na bilang ng block screenings.
Paglalabas sa ibang bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa tagumpay na nakamit ng pelikula sa unang araw pa lang, ito ay ipalalabas sa Estados Unidos at Canada noong 6 Marso 2014.[7][8][9]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Crazy Beautiful You Official Teaser". YouTube. 3 Peb 2015. Nakuha noong 7 Mar 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Crazy Beautiful You Music Video Trailer". YouTube. 8 Peb 2015. Nakuha noong 7 Mar 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Its official, the KathNiel valentine movie is “Crazy Beautiful You” Naka-arkibo 2015-03-15 sa Wayback Machine.. Retrieved 2015-01-26. (sa Ingles)
- ↑ Music video trailer for "Crazy Beautiful You," featuring the official theme song, "Nothing's Gonna Stop Us Now," recorded by Daniel Padilla and Morrisette.. ABS-CBN Star Cinema Retrieved 2015-02-08. (sa Ingles)
- ↑ Daniel Padilla-Kathryn Bernardo movie earns P32 million on opening day. Philippine Entertainment News. Retrieved 2015-02-26. (sa Ingles)
- ↑ KathNiel Movie “Crazy Beautiful You” Earns P32 Million on Opening Day. Philippine News. Retrieved 2015-02-26.(sa Ingles)
- ↑ ABS-CBN Star Cinema’s romantic comedy, "Crazy Beautiful You," which TFC@theMovies will bring to over 40 theaters in the US and Canada starting March 6. Retrieved 2015-02-26. (sa Ingles)
- ↑ New KATHNIEL movie “CRAZY BEAUTIFUL YOU” comes to the U.S. Naka-arkibo 2015-02-27 sa Wayback Machine. Retrieved 2015-02-27. (sa Ingles)
- ↑ 'Crazy Beautiful You' to hit in US cinemas. ABS-CBN News. Retrieved 2015-02-26. (sa Ingles)