Cristiano Ronaldo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Cristiano Ronaldo
Rus-Por2012 (16).jpg

Si Ronaldo sa Pambansang Koponan ng Portugal noong 2012
Panaong kabatiran
Kabuuang pangalanCristiano Ronaldo dos Santos Aveiro
Petsa ng kapanganakan (1985-02-05) 5 Pebrero 1985 (edad 34)
Lugar ng kapanganakanFunchal, Madeira, Portugal,
Tangkad1.85 m (6 ft 1 in)[1]
Posisyon sa paglalaroForward
Kabatiran sa klab
Kasalukuyang klabJuventus
Bilang7
Karera noong kabataan
1992–1995Andorinha
1995–1997Nacional
1997–2002Sporting CP
Karerang pangmatanda*
Mga taonKoponanPgppkita(Pita)
2002–2003Sporting CP25(3)
2003–2009Manchester United196(84)
2009–2018Real Madrid184(205)
2018–Juventus
Pambansang koponan
2001Portugal U159(7)
2001–2002Portugal U177(5)
2003Portugal U205(1)
2002–2003Portugal U2110(3)
2004Portugal U233(2)
2003–Portugal118(52)
* Ang mga pagpaapakita at mga pita ng klab na pangmatanda aay ibinilang para sa pantahanang liga lamang and correct as of 18 Enero 2015.

† Mga pagpapakita (Pita).

‡ Ang mga kap at mga pita ng pambansang koponan na isinaayos sa kasalukuyang 16:57, 7 Pebrero 2015 (UTC)
Cristiano Ronaldo and Lionel Messi - Portugal vs Argentina, 9th February 2011.jpg

Si Cristiano Ronaldo dos Santos Aveiro, higit na kilala bilang si Cristiano Ronaldo (ipinanganak noong 5 Pebrero 1985) ay isang Portuges na propesyunal na manlalaro ng futbol na naglalaro bilang forward para sa koponang Kastila na Real Madrid, at siya ring kapitan ng pambansang koponan ng Portugal.

Sa edad na 22, nakatanggap na si Ronaldo ng mga nominasyon sa Ballon d'Or at bilang Manlalaro ng Taon ng Pandaigdigang FIFA (FIFA World Player of the Year). Nang sumunod na taon, noong 2008, napagwagian niya ang kanyang unang gantimpala para sa Ballon d'Or at Manlalaro ng Taon ng Pandaigdigang FIFA. Nasundan ito nang mapanalunan din niya ang FIFA Ballon d'Or noong 2013 at 2014. Nagwagi rin siya ng gantimpala bilang Pinakamahusay na Manlalaro sa Europa ng UEFA ng taong 2013-14. Noong Enero 2014, naiskor ni Ronaldo ang kanyang ika-400 na goal ng kanyang karerang propesyunal para sa koponan at sa bansa sa edad na 28.

Itinuturing si Ronaldo ng ilan sa mundo ng palakasan bilang kasalukuyang pinakamahusay na manlalaro sa buong daigdig at isa sa mga pinakamahuhusay sa lahat ng panahon, kadikit lamang ang karibal na si Lionel Messi. Siya ang unang Portuges na manlalaro ng futbol na nagwagi ng tatlong FIFA/Ballon d'Or, at ang ikalawang manlalarong nagwagi ng tatlong gantimpala ng Ginintuang Sapatos ng Europa (European Golden Shoe). Kung isasama ang Manchester United at Real Madrid, nagwagi na si Ronaldo ng tatlong Premier League, isang La Liga, isang FA Cup, dalawang Football League Cup, dalawang Copa del Rey, isang FA Community Shield, isang Supercopa de España, dalawang UEFA Champions Leagues, isang UEFA Super Cup, at dalawang FIFA Club World Cup.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]