Pumunta sa nilalaman

Cristiano Ronaldo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Cristiano Ronaldo

Si Ronaldo sa Pambansang Koponan ng Portugal noong 2018
Personal na Kabatiran
Buong PangalanCristiano Ronaldo dos Santos Aveiro
Taas1.85 m (6 tal 1 pul) (6 tal 1 pul)[1]
Puwesto sa LaroForward
Kabatiran ng Club
Kasalukuyang Koponan
Al-Nassr F.C.
Numero7
Karerang pang-Youth
1992–1995Andorinha
1995–1997Nacional
1997–2002Sporting CP
Karerang Pang-senior*
Mga TaonTeamApps(Gls)
2002–2003Sporting CP25(3)
2003–2009Manchester United196(84)
2009–2018Real Madrid184(205)
2018–2021Juventus
2021-2022Manchester United F.C.
2023Al-Nassr F.C.
Pambansang Koponan
2001Portugal U159(7)
2001–2002Portugal U177(5)
2003Portugal U205(1)
2002–2003Portugal U2110(3)
2004Portugal U233(2)
2003–Portugal118(52)
* Ang mga appearances at gol sa Senior club ay binilang para sa pang-domestikong liga lamang at tama noon pang 18 Enero 2015.

† Mga Appearances (gol)

‡ Ang mga National team caps at gol ay tama noong pang 16:57, 7 Pebrero 2015 (UTC)

Si Cristiano Ronaldo dos Santos Aveiro, higit na kilala bilang si Cristiano Ronaldo (ipinanganak noong 5 Pebrero 1985) ay isang Portuges na propesyunal na manlalaro ng futbol na naglalaro bilang forward para sa Al-Nassr F.C., at siya ring kapitan ng pambansang koponan ng Portugal.

Sa edad na 22, nakatanggap na si Ronaldo ng mga nominasyon sa Ballon d'Or at bilang Manlalaro ng Taon ng Pandaigdigang FIFA (FIFA World Player of the Year). Nang sumunod na taon, noong 2008, napagwagian niya ang kanyang unang gantimpala para sa Ballon d'Or at Manlalaro ng Taon ng Pandaigdigang FIFA. Nasundan ito nang mapanalunan din niya ang FIFA Ballon d'Or noong 2013 at 2014. Nagwagi rin siya ng gantimpala bilang Pinakamahusay na Manlalaro sa Europa ng UEFA ng taong 2013-14. Noong Enero 2014, naiskor ni Ronaldo ang kanyang ika-400 na goal ng kanyang karerang propesyunal para sa koponan at sa bansa sa edad na 28.

Itinuturing si Ronaldo ng ilan sa mundo ng palakasan bilang kasalukuyang pinakamahusay na manlalaro sa buong daigdig at isa sa mga pinakamahuhusay sa lahat ng panahon, kadikit lamang ang karibal na si Lionel Messi. Siya ang unang Portuges na manlalaro ng futbol na nagwagi ng tatlong FIFA/Ballon d'Or, at ang ikalawang manlalarong nagwagi ng tatlong gantimpala ng Ginintuang Sapatos ng Europa (European Golden Shoe). Kung isasama ang Manchester United at Real Madrid, nagwagi na si Ronaldo ng tatlong Premier League, isang La Liga, isang FA Cup, dalawang Football League Cup, dalawang Copa del Rey, isang FA Community Shield, isang Supercopa de España, dalawang UEFA Champions Leagues, isang UEFA Super Cup, at dalawang FIFA Club World Cup.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Cristiano Ronaldo Real Madrid Profile". Real Madrid. Nakuha noong 22 Mar 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)