Cristina Fernández de Kirchner
Cristina Fernández de Kirchner | |
---|---|
Pangulo ng Arhentina | |
Nasa puwesto 10 Disyembre 2007 – 10 Disyembre 2015 | |
Pangalawang Pangulo | Julio Cobos Amado Boudou (nahalal) |
Nakaraang sinundan | Néstor Kirchner |
Sinundan ni | Mauricio Macri |
Unang Ginang ng Arhentina | |
Nasa puwesto 25 Mayo 2003 – 10 Disyembre 2007 | |
Pangulo | Néstor Kirchner |
Nakaraang sinundan | Hilda de Duhalde |
Sinundan ni | Néstor Kirchner (Unang Ginoo) |
Senador para sa Buenos Aires | |
Nasa puwesto 10 Disyembre 2005 – 28 Nobyembre 2007 | |
Senador para sa Santa Cruz | |
Nasa puwesto 10 Disyembre 2001 – 9 Disyembre 2005 | |
Nasa puwesto 10 Disyembre 1995 – 3 Disyembre 1997 | |
Diputado para sa Santa Cruz | |
Nasa puwesto 10 Disyembre 1997 – 9 Disyembre 2001 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | La Plata, Argentina[1] | 19 Pebrero 1953
Partidong pampolitika | Pronta ng Pagwawagi Partidong Hustisiyalista |
Asawa | Néstor Kirchner (1975–2010) |
Anak | Máximo Florencia |
Alma mater | National University of La Plata |
Propesyon | Abogada |
Pirma | |
Websitio | Official website |
Si Cristina Elisabet Munter Fernández de Kirchner (pagbigkas sa wikang Kastila: [kɾisˈtina eˈlisaβet ferˈnandes ðe ˈkiɾʃneɾ]; ipinanganak noong 19 Pebrero 1953) at mas kilala bilang Cristina Fernández o Cristina Kirchner (o sa daglat na CFK lamang), ang ika-55 at kasalukuyang Pangulo ng Arhentina at biyuda ng dating pangulong si Néstor Kirchner. Siya ang kauna-unahang babaeng nahalal na pangulo at ikalawang babaeng nagsilbing pangulo (pagkatapos ni Isabel Martínez de Perón, 1974–1976). Nahalal si Cristina Fernández de Kirchner bilang Pangulo ng Arhentina noong Oktubre 2007, at nahalal para sa ikalawang termino noong Oktubre 2011. Isang hustisyalista, si Fernández ay nagsilbi rin ng tatlong termino bilang pambansang senador ng mga probinsiyang Santa Cruz at Buenos Aires.
Isang katutubo ng La Plata, Buenos Aires,[2][3] Siya ay ang anak na babae nina Eduardo Fernández (may lahing Kastila), isang tsuper ng bus at isang anti-Peronista, at Ofelia Esther Wilhelm (may lahing Aleman).[4][5][6] Isa siyang manananggol at nakasal sa dating pangulo ng Arhentina na si Néstor Kirchner magmula 1975 hanggang sa kamatayan ng huli noong 2010.[7] si Fernández ay nagtapos sa National University of La Plata. Kanyang nakilala ang kanyang asawa habang nag-aaral at sila'y naninirahan sa probinsiya ng Santa Cruz upang magtrabaho bilang mga abogado. Noong Mayo 1991, siya ay inihalal sa pamprobinsiyang lehislatura. Sa pagitan ng 1995 at 1997, siya ay muling nahalal sa pambansang kongreso ng Arhentina na pareho bilang pambansang diputado at pambansang senador. Sa pagkapangulo ng kanyang asawa noong 2003-2007, siya ay nagsilbing Unang Babae(First Lady). Si Fernández ay napiling kandidato sa pagkapangulo ng partidong Front for Victory noong 2007. Sa pangkalahatang eleksiyon ng Arhentina noong 2007, siya ay nagkamit ng 45.3% ng boto at 22% na lamang sa pinakamalapit na katunggali. Siya ay itinalaga bilang pangulo noong 10 Disyembre 2007 at muling nahalal sa pagkapangulo sa ikalawang termino noong 23 Oktubre 2011. Bilang Unang Babae(First Lady) at kalaunan ay pangulo ng Arhentina, siya ay naging ikono ng pasiyon(fashion) at naging kilala bilang tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao, kamalayan sa kahirapan at pagpapabuti ng kalusugan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Presidency of the Argentine Nation. "The President Biography" (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-06-19. Nakuha noong 2009-04-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.lne.es/asturias/2012/04/22/evita-sangre-asturiana/1231322.html
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-04-28. Nakuha noong 2013-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Iglesias Oviedo, María José (22 Abril 2012). "Una "Evita" con sangre asturiana" [An "Evita" with asturian blood] (sa wikang Kastila). La Nueva España. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-18. Nakuha noong 17 Disyembre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pagni, Carlos (9 Disyembre 2007). "Cristina, la presidenta" [Cristina, the president] (sa wikang Kastila). La Nación. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-18. Nakuha noong 17 Disyembre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cristina Fernández de Kirchner profile[patay na link]
- ↑ (sa Kastila) "Senadora Nacional Cristina E. Fernández de Kirchner". República Argentina. Nakuha noong 2008-09-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)