Dagat Camotes
Itsura
Ang Dagat Camotes ay isang maliit na dagat loob ng kapuluan ng Pilipinas, sa pagitan ng Silangang Kabisayaan at Gitnang Kabisayaan. Naghahanggan ito sa mga pulo ng Leyte sa hilaga at silangan, sa Bohol sa timog, at sa pulo ng Cebu sa kanluran. Ang dagat ay dumudugtong sa Dagat Kabisayaan sa hilagang kanluran, at sa Dagat Bohol sa timog sa pamamagitan ng Canigao Channel at Kipot ng Cebu. Matatagpuan sa loob ng dagat ang kapuluan ng Camotes at Mactan.