Pumunta sa nilalaman

Dakilang Bulwagan ng Sambayanan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dakilang Bulwagan ng Sambayanan
Ang Awditoryum ng Sampunglibong Tao
Pinapayak na Tsino人民大会堂
Tradisyunal na Tsino人民大會堂
Kahulugang literalDakilang Bulwagang Pantipon ng Sambayanan

Ang Dakilang Bulwagan ng Sambayanan ay isang gusali ng estado na matatagpuan sa kanlurang gilid ng Liwasang Tiananmen sa Beijing. Ginagamit ito para sa pambatasan at seremonyal na mga aktibidad ng gobyerno ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC) at ng naghaharing Partido Komunista ng Tsina. Ang Dakilang Bulwagan ng Sambayanan ay isinasagawa bilang lugar ng pagpupulong para sa buong sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), ang lehislatura ng Tsina, na nangyayari taon-taon tuwing Marso kasama ang pambansang sesyon ng Kumperensiyang Konsultatibong Pampolitika ng Sambayanang Tsino (CPPCC), isang pamplitikang tagapayong entidad. Ito rin ang lugar ng pagpupulong ng Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, na, mula noong 1982, ay nangyayari minsan sa bawat limang taon at ang Komite Sentral ng partido na nagpupulong humigit-kumulang isang beses sa isang taon.

Ginagamit din ang Bulwagan para sa maraming mga natatanging pangyayari, kabilang ang mga pambansang antas ng pagpupulong ng iba't ibang mga organisasyong panlipunan at pampulitika, malalaking pagdiriwang ng anibersaryo, pati na rin ang mga serbisyong pang-alaala para sa mga dating pinuno. Ang Dakilang Bulwagan ng Sambayanan ay isa ring sikat na atraksiyon sa lungsod na madalas puntahan ng mga turistang bumibisita sa kabesera.

Ang Dakilang Bulwagan ng Sambayanan ay binuksan noong Setyembre 1959 bilang isa sa "Sampung Dakilang Konstruksiyon" na natapos para sa ika-10 Anibersaryo ng Republikang Bayan ng Tsina. Ang desisyon na itayo ang Bulwagan ay ginawa ng politburo noong Agosto 1958.[1] Naniwala si Zhou Enlai na ang pangwakas na disenyo ay dapat magbigay ng mensahe na "ang mga tao ay ang mga panginoon ng bansa".[kailangan ng sanggunian] Matapos maisumite ang mga panukala sa disenyo, pinili ng isang grupo ng mga arkitekto mula sa buong bansa ang nanalong disenyo nina Zhao Dongri at Shen Qi. Si Zhang Bo ay hinirang bilang punong arkitekto. Inabot ng 10 buwan ang konstruksiyon, 7,785 manggagawa at nahubog ng mala-militar na mga estratehiya na tumulad sa Dakilang Luksong Pasulong.[2]

Mga pulang bandila sa harap ng Dakilang Bulwagan ng Sambayanan.

Idinisenyo upang simbolo ng pambansang pagkakaisa at pagkakapantay-pantay ng etniko ng bansa, ang Dakilang Bulwagan ay naglalaman ng bagong katangian ng panahon ng mga Tsino sa mga tampok, proporsiyon at mga detalye nito.[2] Sinasaklaw ng gusali ang 171,801 metro kuwadrado (1,849,239 sq ft) ng espasyo sa sahig, ito ay 356 metro ang haba at 206.5 metro ang lapad. Ang pinakamataas na punto ng sentro ay umabot sa 46.5 metro. Sa mga ambi ng pangunahing tarangkaghan ay nakasabit ang pambansang sagisag ng Republikang Bayan ng Tsina.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Great Hall of the People". www.npc.gov.cn. Nakuha noong 8 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Yu, Shuishan (2013). Chang'an Avenue and the Modernization of Chinese Architecture. University of Washington Press. pp. 84–85. ISBN 9780295804484.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]