Pambansang Kongresong Bayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pambansang Kongresong Bayan
全国人民代表大会
Quánguó Rénmín Dàibiǎo Dàhuì
Ika-12 Pambansang Kongreso ng Bayan
Coat of arms or logo
Uri
Uri
Unikameral
Pinuno
Zhang Dejiang, CPC
Simula 14 Marso 2013
Estruktura
Mga puwesto 2,987
12th National People's Congress (NPC).svg
Mga grupong pampolitika
Halalan
Huling halalan
5–17 Marso 2013
Unang Sesyong Plenaryo
Lugar ng pagpupulong
GreatHall auditorium.jpg
Dakilang Bulawagan ng Bayan, Beijing
Websayt
npc.gov.cn/englishnpc/

Ang Pambansang Kongresong Bayan[1] (Ingles: National People's Congress, dinadaglat na NPC) ay ang pambansang tagapagbatas ng Republikang Bayan ng Tsina. Ito ang pinakamalaking katawang parlamentaryo sa buong mundo, na binubuo ng 2,987 miyembro.[2] Sang-ayon sa kasalukuyang Saligang Batas ng Tsina, nakabalangkas ang NPC bilang isang unikameral na tagapagbatas, na may kapangyarihang mambatas, pangasiwaan ang pagtakbo ng pamahalaan, at manghalal ng pangunahing pinuno ng estado. Kasama ang Pambansang Komite ng Konsultatibong Komperensiyang Pampolitika ng Bayan (CPPCC), isang katawang konsultatibo kung saan kinakatawan ng mga kinatawan nito ang sari-saring mga grupong panlipunan, isa ang NPC sa pangunahing katawang deliberatibo ng Tsina. Karaniwang tinatawag ang dalawang asamblea bilang Lianghui (Dalawang Asamblea) kapag ito'y pinagsama.[3]

Hinahalal ang NPC bawa't limang taon. Ginaganap nito ang mga taunang sesyon sa bawa't tagsibol, na karaniwang tumatagal ng 10 hanggang 14 araw, sa Dakilang Bulawagan ng Bayan sa bahaging silanganan ng Liwasang Tiananmen sa Beijing. Karaniwang tinitiyempuhan ang mga pagtitipon ng NPC upang sumabay ito sa mga pagtitipon ng CPPCC, at nagbibigay ang dalawang pagtitipon na ito ng pagkakataon para sa mga pinuno at opisyal ng estado na repasuhin ang mga dating patakaran at magpahayag sa taumbayan ng mga bagong plano para sa hinaharap.

Ginanap ang ikaapat na sesyon ng ika-12 NPC mula 5 hanggang 16 Marso 2016.[4]

Maaaring paniwalaan na nagsisilbing nakatataas na katawan ng kapangyarihan ng estado sa Tsina ang NPC, at ginawaran ito ng bawa't isa sa apat na saligang batas ng Tsina ng napakalakas na kapangyarihan upang mambatas. Sapul ng dekada 1990, nagsilbing porum ang NPC sa pagpapamagitan ng mga kaibahan sa pagitan ng iba't-ibang bahagi ng Partido, pamahalaan at lipunan. Gayunpaman, itinuturing pa rin ito bilang isang sunud-sunuran (rubber stamp) para sa mga desisting ipinasya ng mga katawang tagapagpaganap ng estado at ng Partido Komunista ng Tsina.[5] Isa sa mga kasapi nito, si Hu Xiaoyan, ay nagsalita sa BBC noong 2009 tungkol sa kaniyang kawalan ng kapangyarihan na makatulong sa mga kababayang kaniyang kinatatawanan. Sinabi niya umano na "bilang isang kinatawang parlamentaryo, wala akong tunay na kapangyarihan".[6] Noong 2014, nangako ang naturang kinatawan na siya'y "sasanib nang walang alinlanganan sa pamunuan ng Partido Komunista ng Tsina".[7]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Pambansang Kongresong Bayan". Radyo Internasyonal ng Tsina. http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter2/chapter20201.htm. Hinango noong 20 Hulyo 2017. 
  2. International Parliamentary Union. "IPU PARLINE Database: General Information". http://www.ipu.org/parline-e/mod-general.asp. Hinango noong 2013-06-09. 
  3. "State Structure of the People's Republic of China". The National People's Congress of the People's Republic of China. http://www.npc.gov.cn/englishnpc/stateStructure/node_3826.htm. Hinango noong 2016-09-29. 
  4. "The National People's Congress of the People's Republic of China". http://www.npc.gov.cn/englishnpc/news/Events/node_2762_3.htm. Hinango noong 2016-11-08. 
  5. "How China is Ruled: National People's Congress, BBC, Country Profile: China
  6. Bristow, Michael, "Chinese delegate has 'no power'", BBC News, Beijing, Wednesday, 4 March 2009
  7. Ting, Shi (2016-03-03). "China's National People's Congress: What You Need to Know". Bloomberg. 

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ingles
Tsino