Pumunta sa nilalaman

Dakilang Palasyo

Mga koordinado: 13°45′00″N 100°29′31″E / 13.7501°N 100.492°E / 13.7501; 100.492
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dakilang Palasyo

พระบรมมหาราชวัง
royal palace
Map
Mga koordinado: 13°45′00″N 100°29′31″E / 13.7501°N 100.492°E / 13.7501; 100.492
Bansa Thailand
LokasyonPhra Borom Maha Ratchawang, Phra Nakhon District, Bangkok, Thailand
Websaythttps://www.royalgrandpalace.th/en/home

Ang Dakilang Palasyo (Thai: พระบรมมหาราชวัง, RTGS: Phra Borom Maha Ratcha Wang[1]) ay isang tipon ng mga gusali sa gitna ng Bangkok, Taylandiya. Ang palasyo ay naging opisyal na tahanan ng mga Hari ng Siam (at kalaunan ay Taylandiya) mula noong 1782. Ang hari, ang kaniyang korte, at ang kaniyang maharlikang pamahalaan ay nakabatay sa bakuran ng palasyo hanggang 1925. Si Haring Bhumibol Adulyadej (Rama IX), ay nanirahan sa Maharlikang Villa ng Chitralada at ang kaniyang kahalili na si Haring Vajiralongkorn (Rama X) ay sa Bulwagang Pampanirahang Amphorn Sathan, parehong sa Palasyo Dusit, ngunit ang Dakilang Palasyo ay ginagamit pa rin para sa mga opisyal na pangyayari. Maraming mga maharlikang seremonya at mga tungkulin ng estado ang isinasagawa sa loob ng mga dingding ng palasyo bawat taon. Ang palasyo ay isa sa pinakasikat na atraksiyong panturista sa Taylandiya.

Ang pagtatayo ng palasyo ay nagsimula noong Mayo 6, 1782, sa utos ni Haring Phutthayotfa Chulalok (Rama I), ang tagapagtatag ng Dinastiyang Chakri, nang ilipat niya ang kabeserang lungsod mula sa Thonburi patungo sa Bangkok. Sa buong sunud-sunod na paghahari, maraming mga bagong gusali at estruktura ang naidagdag, lalo na sa panahon ng paghahari ni Haring Chulalongkorn (Rama V). Noong 1925, ang hari, ang Maharlikang Pamilya, at ang pamahalaan ay hindi na permanenteng nanirahan sa palasyo, at lumipat na sa ibang mga tirahan. Matapos ang pagpawi ng ganap na monarkiya noong 1932, ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan ay ganap na inilipat sa labas ng palasyo.

Sa hugis, ang complex ng palasyo ay halos hugis-parihaba at may pinagsamang lugar na 218,400 square metre (2,351,000 pi kuw), napapaligiran ng apat na pader. Ito ay matatagpuan sa pampang ng atraksiyong panturista sa gitna ng Pulo ng Rattanakosin, ngayon sa Distrito ng Phra Nakhon. Ang Dakilang Palasyo ay nasa hangganan ng Sanam Luang at DaangNa Phra Lan sa hilaga, Daang Maharaj sa kanluran, Daang Sanam Chai sa silangan, at Daang Thai Wang sa timog.

Sa halip na iisang estruktura, ang Dakilang Palasyo ay binubuo ng maraming gusali, bulwagan, pabelyon na nakapaligid sa mga bukas na damuhan, hardin, at patyo. Ang kawalaan ng simetriya at mga eklektikong estilo nito ay dahil sa organikong pag-unlad nito, na may mga karagdagan at muling pagtatayo na isinagawa ng sunud-sunod na naghaharing mga hari sa loob ng 200 taon ng kasaysayan. Ito ay nahahati sa ilang kuwarto: ang Templo ng Esmeraldang Buddha; ang Panlabas na Korte, na may maraming pampublikong gusali; ang Gitnang Korte, kabilang ang mga Gusaling Phra Maha Monthien, ang mga Gusaling Phra Maha Prasat, at ang mga Gusaling Chakri Maha Prasat; ang Panloob na Korte at ang kuwarto ng mga Harding Siwalai. Ang Dakilang Palasyo ay kasalukuyang bahagyang bukas sa publiko bilang isang museo, ngunit ito ay nananatiling isang gumaganang palasyo, na may ilang mga opisina ng hari na nakaluklok pa rin sa loob.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]