Pumunta sa nilalaman

Dakilang Hubileo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dakilang Yubileyo)

Ang Dakilang Hubileo[1] ng 2000 ay isang importanteng pangyayari sa Simbahang Romano Katoliko. Ito ay ipinagdiwang simula noong 24 Disyembre 1999 hanggang 6 Enero 2001. Tulad ng nakaraang Taon ng Hubileo, ipinagdiwang nito ang awa ng Diyos at ang kapatawaran ng mga kasalanan. Ang isang pagbabago sa pagdiriwang na ito ay ang pagpansin ng mga "Hubileong Partikular" para sa iba't ibang grupo ng tao. Sabay-sabay din ang pagdiwang ng Hubileong ito sa Roma, sa Banal na Lupa, at sa buong mundo.

Ang paghahanda para sa Dakilang Hubileo ay nagsimula nang ipalabas and Sulat-Apostoliko ni Juan Paulo II na Tertio Millennio Adviente (Latin para sa Habang Papalapit ang Ikatlong Milenyo) noong 10 Nobyembre 1994. Sa sulat, inimbita ng Santo Papa and Simbahan na simulan ang panahon ng paghahanda na mag-aanyo ng tatlong taon.

Ang unang taon (1997) ay para sa pagbulay-bulay ukol kay Kristo Hesus. Ang pangalawang taon (1998) ay para sa pagninilay-nilay tungkol sa Espiritu Santo. Ang huli at pangatlong taon (1999) ay para sa pagdidili-dili sa tauhan ng Diyos Ama. Ang bawat isa sa mga taon na ito ay minarkahan ng espesyal na dasal sa Banal na Birheng Maria.

Ang pormal na proklamasyon ng banal na taon ay nanggaling sa Bull ng Papa Incarnationis Mysterium (Latin muli, para sa Hiwaga ng Pagka-tao) na ipinalabas noong 29 Nobyembre 1998. Sinabi ng Santo Papa na ibig niyang patnubayan ang Simbahan patungo sa Dakilang Yubileyo mula pa noong pagkaboto sa kaniya bilang Obispo ng Roma. Ipinaliwanag niya na ang yubileyo ay isang pagkakataon patungo sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos. Hindi hiwalay dito ang pagsisisi sa mga kasalanan ng bawat tao at ng kabuoang Simbahang Katoliko. Pinag-bigay diin din ng Papa na ang pagdiriwang ay hindi lamang para sa mga Katoliko, kundi para sa lahat ng Kristyano as para sa buong mundo.

Maraming simbahan at katedral sa Roma ang nagpaayos at nagpaganda para sa selebrasyon. Nagpatayo rin ng pamparadahan ang Batikano para sa mga bus na magdadala ng mga biyahero dahil sa okasyon.

Pagkakaloob ng Hubileo (Indulgences)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasama ng Bula ng Papa[2] na nagproklama sa banal na taon ay isang dokumento galing sa Apostolic Penitentiary na nagtala ng mga kondisyon para sa pagtamo ng Pagkaloob. Ang mga normal na kondisyon na pag-kumpisal, pag-tanggap ng komunyon, pagdarasal para sa Santo Papa, at pag-iwas sa kasalanan ay nanatiling nakatatag. Binago ang kondisyon ng Hubileo na magpunta sa ilang simbahan upang isang simbahan lang ang kailangan para mabuo ang mga kondisyon. Tulad ng dati, isang Pagkaloob sa isang araw lamang ang naka-atas sa bawat tao sa bawat araw.

Sa Roma, ang pagbisita sa isa sa apat ng Basilikang Patriyarka at ilan pang dambana ay sapat na sa pag-tanggap ng Pagkaloob. Kailangan lamang makibahagi ang pilgrimo sa isang selebrasyon ng liturhiya o magdasal ng kaliitliitang kalahating oras sa harap ng Banal na Sakramento. Ang mga dambana sa Roma kung saan ito ay sapat na ay: Basilika ni San Pedro, Katedral ni San Juan Laterano, Basilika ni San Pablo sa Labas, Basilika ni Santa Maria, Basilika ni San Lorenzo sa Labas, ang Dambana ng Birhen ng Banal na Pagmamahal, at ang kalumaang katakomas ng Roma.

Katulad ng mga kondisyon sa Roma, ang Pagkaloob sa Banal na Lupa ay matatanggap sa Simbahan ng Banal na Nitso sa Jerusalem, sa Simbahan ng Kapanganakan sa Bethlehem, at sa Simbahan ng Pagbati sa Nazareth.

Ang mga kondisyon sa Roma at sa Banal na Lupa ay ibinigay din sa mga episkupo ng mundo. And pag-bisita sa lokal na katedral (at iba pang dambana ayon sa lokal na obispo) ay sapat na sa pagtanggap na Pagkaloob. Ang mga monghe at mongha ay pinayagang magkamit ng Pagkaloob sa kanilang kapilya sa kumbento.

Kasama rin sa mga paraan upang makakamit ng Pagkaloob ay personal na sakripisyo or serbisyo sa mga nangangailangan. Kasama sa dokumento ang mga sakripisyo tulad ng pagtigil na paninigarilyo o pag-inom sa kaliitliitan ng isang araw, gayundin ang pagbigay ng oras of pera para tulungan ang mga mahihirap.

Mga Pokus ng Pagdiriwang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

And mga Partikular na Hubileo ay naging pokus ng bawat lingo sa 2000. Ginanap ang selebrasyon ng Pang-gabing Dasal sa Basilika ni San Pedro, kadalasan kasama ang Santo Papa.

Sinimulan ng Santo Papa and Hubileo sa pagbubukas ng Banal na Pintuan ng Basilika ni San Pedro bago ipinagdiwang ang Santa Misa ng Bisperas ng Pasko nuong 24 Disyembre 1999. Ang pagbubukas ng Banal na Pintuan ay isang simbolo ng pagbubukas ng pintuan ng grasya at isang aksiyon ng pag-imbita sa mga pilgrimo na bumisita sa pamamagitan ng isang pilgrimahe.

Pinasimple ni Juan Paulo II ang seremonya sa pagbukas ng Banal na Pintuan kung ikumpara sa mga Hubileong nagdaan. Matapos ang ilang dasal at awitin, hinipan ang tusko ng isang elepante. Itinulak papaloob ng Santo Papa ang pintuan, habang hinila ito ng mga sakristan mula sa loob (upang tulungan ang nanghihinang Papa). Lumuhod ang Santo Papa upang magdasal bago siya tuluyang pumasok at sinimulan ang pagdiriwang ng Santa Missa.

Ang Banal na Pintuan ng Katedral ni San Juan Laterano ay binuksan ng Santo Papa kinabukasan, at iyong nasa Basilika ni Santa Maria nuong 1 Enero 2000. Dahil sa antas ng Yubileyo, ang Santo Papa ang nagbukas ng mga Banal na Pintuan sa mga Basilikang Patriyarkal ng Roma. Sa isang normal na Hubileo (na ipinagdiriwang sa bawat 25 taon), nagpapadala ang Papa ng mga representibo upang buksan ang tatlong Pintuan, maliban sa Basilika ni San Pedro na binubuksan palagi ng Santo Papa.

Ang mga lokal na Banal na Pintuan sa buong mundo (na inatas ng mga Obispo), sa lokal na katedral o ibang dambana sa episkupo, ay binuksan sa isang katulad na seremonya kabilang sa pagdiriwang ng Pasko ng 1999.

Pagdiriwang Ekumenikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pang-apat na Banal na Pintuan sa Basilika ni San Pablo sa Labas ay hindi bunuksan hanggang noong 18 Enero 2000, para sa pag-lunsad ng Linggo ng Pagdarasal para sa Pagkakaisa ng mga Kristyano. Isang Selebrasyong Ekumenikal ang iplinano ng Santo Papa kasama ang mga lider ng iba’t ibang denominasyong Kristyano. Dalampu’t dalawang pinuno ng mga denominasyon ang nagpunta sa Roma, kabilang ang isang representibo ng Pandaigdigang Konsel ng mga Simbahan (na kumakatawan sa 337 grupo ng mga Kristyano).

Isang seremonya katulad ng iba ang pagbubukas ng Banal na Pintuan sa Basilika ni San Pablo sa Labas. Sinamahan nila Metropolitano Athanasias (sugo ng Patriyarkong Ekumenikal) at ni George Carey (ang Arsobispo ng Canterbury sa mga panahong iyon) si Juan Paulo II sa pagtulak ng Pintuan pati na rin sa pagdasal sa harap nito.

Ang Selebrasyong Ekumenikal ay minarkahan ng mga pagbasa mula sa Bibliya, pati na rin mula sa mga pagsusulat nila Dietrich Bonhoffer (isang martirong Luterano) at Georges Florovsky (isang teolohiyong Ruso).

Panalangin para sa Kapatawaran ng mga Kasalanan ng Simbahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Banal ang Simbahan dahil si Kristo ang kaniyang Ulo at Asawa. ang Espiritu ay nagbibigay-buhay sa kaniya, at ang Banal na Birheng Maria … ay ang kaniyang dakilang pagpapahayag.[3]

Juan Paulo II

Isang mahalagang seremonya, ang Araw ng Kapatawaran ay inatas sa unang linggo ng Kwaresma noong 12 Marso 2000. Pinamunahan ng Santo Papa ang pagdarasal upang matamo ang awa ng Diyos para sa mga kasalanang inako ng Simbahan, ng mga miyembro ng Simbahan, at sa mga maling gawa na isinatupad sa pangalan ng Banal sa Simbahan.

Marami ang natuwa na isinagawa ito ng Simbahang Katoliko, ngunit mayroong din namang mga nalungkot dahil. Hindi raw ito kailangan dahil sa pagtuturo ng Simbahan na ito ay Banal.

Bago sinimulan ng Papa ang dasal ng Anghelus, sinabi niya na ang Banal na Taon ay panahon ng pagdalisay[3], at ito ang dahilan kung bakit isinagawa ang seremonyang ito.

Pilgrimahe sa Banal na Lupa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matagal nang pinangarap ng Santo Papa na magpunta sa Banal na Lupa sa pamamagitan ng isang pilgrimahe bilan Obispo ng Roma. Ito ay natupad sa kaniyang nag-iisang biyahe palabas ng Italya sa loob ng panahon ng Dakilang Yubileyo noong ika-21 hanggang ika-26 ng Marso.

Bumisita siya sa Jordan, Israel, at mga teritoryang Palestino. Malaking pokus ang ibinigay sa kaniyang pagdalo sa Kanlurang Pader kung saan nakilahok siya sa tradisyong Hudaismo sa paglagay ng karta na naglalaman ng mga dasal. Naglagay siya ng kopya ng dasal para sa kapatawaran ng mga kasalanan laban sa mga Hudyo na binasa sa seremonya noong ika-15 ng Marso.

Pinayagan ang Papa na dumalo sa Senakulo ng Jerusalem kung saan namuno siya sa pagdiriwang ng Santa Missa. Matatandaan na hindi pinahintulot si Paulo VI na bumisita sa Senakulo nang pumunta siya sa Banal na Lupa noong 1964 dahil ito ay isang banal na lugar para sa mga Hudyo, na naniniwalang dito nakalibing si Haring David.

Matapos ang pagbiyahe ni Juan Paulo II, nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng Simbahang Katoliko at ng Gobyernong Israeli na nagbunga sa paglipat ng pag-aari ng dalwang magkaibang lugar. Ang Senakulo ay nailipat sa pag-aari ng Simbahan, habang nailipat sa pag-aari ng Israel ang Santa María Blanca (isang sinagoga sa Toledo, Espanya na ginawang isang simbahan).

Pandaigdigang Araw ng Kabataan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang WYD2000 ay isang pangyayari na dinaluhan ng marami. Ang mga tren sa ilalim (subway) ay napuno ng kabataang kumakanta and nagsasaya mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang lugar malapit sa Koliseo ng Roma ay naging tagpuan ng mga pilgrimong nais mag-kumpisal. May ilang pari ang nanatili roon upang duminig ng mga kumpisal at lagging mahaba ang pila para dito. Isang linggong pagdiriwang ang isinagawa para sa okasyon, kaugnay na rin sa naging tradisyon na ng internasyunal na antas ng selebrasyon ng WYD. Nagtapos ang linggo nang pinamunaan ni Juan Paulo II ang Misang Pang-wakas noong ika-20 ng Agosto sa Tor Vergata, isang unibersidad sa Roma.

Nakatalang isara ng Santo Papa ang Banal na Pintuan ng Basilika ni San Pedro noong alas-sais ng gabi (06:00 pm) ng ika-5 ng Enero. Dahil sa haba ng pila ng mga pilgrimong nais pumasok sa Pintuan, hindi ito hinarangan hanggang alas-dos-y-bente sa madaling araw ng Enero 6 (02:20 am)[4][5].

Opisyal na isnara ang Banal na Taon ng Dakilang Yubileyo noong ika-6 ng Enero sa pagdiriwang ng Santa Misa ng Epipanya. Sinimulan ito sa isang seremonya ng pagsara ng Banal na Pintuan. Pinamunaan ang selebrasyon ni Juan Paulo II at aabot sa 10,000 katao ang nasa Piazza San Pietro para sa okasyon.

Sa pagtatapos ng Missa, nilagdaan ng Papa ang kaniyang Sulat-Apostoliko Novo Millennio Ineunte (Latin, Sa Pagsisimula ng Bagong Milenyo). Ipinahayag niya ang mga priyoridad ng Simbahan para sa ika-21 Dantaon at sa kinalakhang hinaharap.

Talaan ng mga Partikular na Yubileyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa sa mga inobasyon ng Dakilang Yubileyo kumpara sa ibang Yubileo ng Simbahang Katoliko ay ang pagdiriwang ng mga Partikular na Yubileyo para sa iba’t ibang grupo:

Disyembre 1999

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ika-24: Pagbukas ng Banal na Pintuan, Basilika ni San Pedro
  • Ika-25: Pagbukas ng Banal na Pintuan, Katedral ni San Juan Laterano
  • Ika-01: Pagbukas ng Banal na Pintuan, Basilika ni Santa Maria
  • Ika-18: Pagbukas ng Banal na Pintuan, Basilika ni San Pablo sa Labas
  • Ika-18: (Umpisa ng) Linggo ng Pagdarasal para sa Pagkakaisa ng mga Kristyano
  • Ika-02: Pagdiriwang para sa mga Konsagrado
  • Ika-11: Pagdiriwang para sa mga may sakit at sa mga nag-aalaga sa may sakit
  • Ika-18: Pagdiriwang para sa mga aktor at aktres
  • Ika-19: Pagdiriwang para sa mga permanenteng diakono
  • Ika-22: Pagdiriwang para sa Kurya ng Roma
  • Ika-12: Pandaigdigang Araw ng Kapatawaran
  • Ika-19: Pagdiriwang para sa mga artistang pang-sining
  • Ika-01: Pagdiriwang para sa mga trabahador
  • Ika-07: Pagdiriwang para sa mga testigo ng ika-20 Dantaon
  • Ika-18: Pagdiriwang para sa mga pari
  • Ika-25: Pagdiriwang para sa mga alagad ng agham
  • Ika-28: Pagdiriwang para sa Episkupo ng Roma
  • Ika-02: Pagdiriwang para sa mga migrante
  • Ika-04: Pagdiriwang para sa mga mamamahayag
  • Ika-18: Pagbubukas ng Pandaigdigang Kogresong Eukaristiya
  • Ika-22: Solemnidad ng Corpus Christi
  • Ika-25: Pagtatapos ng Pandaigdigang Kongresong Eukaristiya
  • Ika-09: Pagdiriwang para sa mga nakakulong
  • Ika-15: Pagbubukas ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan
  • Ika-19: Bigil para sa WYD
  • Ika-20: Pagtatapos ng WYD
  • Ika-11: Pagdiriwang para sa mga unibersidad at pamantasan
  • Ika-15: Pagdiriwang para sa mga kinatawan ng Santo Papa
  • Ika-17: Pagdiriwang para sa mga nakakatanda
  • Ika-07: Pagdiriwang para sa mga Obispo
  • Ika-14: Pagdiriwang para sa mga pamilya
  • Ika-22: Pandaigdigang Linggo para sa mga Misyonaryo
  • Ika-29: Pagdiriwang para sa atletismo at isportrs
  • Ika-01: Ika-50 Anibersaryo ng Proklamasyin ng Dogma ng Imakulada Konsepsiyon
  • Ika-05: Pagdiriwang para sa mga deklarasyon at politiko
  • Ika-12: Pagdiriwang para sa agrikultura
  • Ika-19: Pagdiriwang para sa mga sandatahang lakas at pulisya
  • Ika-26: Pagdiriwang para sa Opisinang Episkopal para sa mga Karaniwa
  • Ika-03: Pagdiriwang para sa mga may kapansanan
  • Ika-10: Pagdiriwang para sa mga katekista at guro ng Relihiyon
  • Ika-17: Pagdiriwang para sa pag-estima at aliwan
  • Ika-06: Pagsara ng Banal na Pintuan, Basilika ni San Pedro

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Jubilee," Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. Hubileo, orihinal na kahulugan: "isang pistá ng mga taga Israel," Tagalog English Dictinary, Bansa.org
  2. Bula ng papa, Papal bull Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  3. 3.0 3.1 Batikano: Mensahe ng Anghelus, 15 Marso 2000
  4. Encyclopedia.com: Dakilang Yubileo
  5. "CNN: Ang Batikano ng Enero 2000". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-25. Nakuha noong 2008-08-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]