Pumunta sa nilalaman

Daluyang Dauletabad–Salyp Yar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Daluyang Dauletabad–Salyp Yar
Lokasyon
BansaTurkmenistan, Iran
Direksiyonsilangang-pakanluran
Mula saDauletabad gas field, Turkmenistan
Dadaan saSarakhs
PatungongSalyp Yar, Iran
Pangkalahatang impormasyon
NagpapatakboTürkmengaz
Kinomisyon2010
Teknikal na impormasyon
Haba60 kilometro (37 mi)
Pinakamataas na pagdiskarga12 bilyong kubiko metro kada taon

Ang Daluyang Dauletabad–Salyp Yar (kilala rin bilang Daluyang Dauletabad–Sarakhs–Khangiran) ay isang daluyang ng natural na gas mula sa kabukiran ng gas sa Dauletabad sa Turkmenistan patungong Salyp Yar sa Iran, kung saan ito konektado sa sistemang Iran Gas Trunkline. Malaking tulong ito na magbibigay ng iba't-ibang ruta ng gas mula sa Turkmenistan, na magdodoble sa pagluluwas ng gas patungong Iran.[1] Nagsimulang padaluyin ang gas noong 3 Enero 2010, at pinasinayaan ang daluyan sa isang seremonya sa Turkmenistan noong 6 Enero 2010.[2]

May inisyal o paunang kapasidad ang daluyan ng 6 bilyong kubiko-metro (bcm) ng natural na gas kada-taon, na kalauna'y tataas sa 12 12 bcm.[3][4] Kasama ang iba pang maliit na daluyang Turkmenistan–Iran, at Daluyang Korpezhe–Kurt Kui, magkakaroon ng kakayahan ang Turkmenistan na magpadala ng hanggang 20 bcm ng gas.[1] Ang mga guguling pangkonstruksyon para sa linya ng tubo ay may sumang US$180 milyong mga dolyar.[2]

Ang desisyon na gawin ang daluyan ay nabuo noong Hulyo 2009.[5] Natapos ang daluyan noong Oktubre 2009, at pinasinayaan noong 6 Enero 2010 nina pangulong Mahmoud Ahmadinejad at Gurbanguly Berdimuhamedow.[3][6] Sa pasinaya, sinabi ni Ahmadinejad na, "Ang dalawang ito ay hindi lamang proyektong pang-ekonomiya, subalit pagpapakita rin ng matibay na ugnayan at interes ng dalawang bansa gayundin ang patas na relasyon sa rehiyon ... Magandang pampasigla ang daluyang ito sa ugnayang pang-enerhiya ng Turkmenistan at Iran, kasama rin ang pagdadala ng gas mula sa Turkmenistan patungong Persian Gulf at sa pamilihang pandaigdig."[7][1] The ceremony was also attended by Taner Yildiz, the minister of Energy and Natural Resources of Turkey.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Turkmenistan opens new Iran gas pipeline". BBC. 2010-01-06. Nakuha noong 6 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Iran-Turkmenistan 2nd gas pipeline to be launched next week". Iranian Students News Agency. 2010-01-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-12. Nakuha noong 7 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Turkmenistan has completed the construction of the Dovletabad-Salyp Yar gas pipeline to Iran". ITAR-TASS. 2009-11-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-13. Nakuha noong 2009-11-16.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Iran-Turkmenistan gas pipeline inauguration slated for late Dec". Tehran Times. 2009-08-15. Nakuha noong 2009-11-16.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Hasanov, H. (2009-11-12). "Turkmen gas pipeline to Iran constructed". Trend Capital. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-15. Nakuha noong 2009-11-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Iran, Turkmenistan launch new gas pipeline". Press TV. 2010-01-06. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-09. Nakuha noong 2010-01-06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "President Stresses Significance of Iran-Turkmenistan Pipeline for Region". FARS News Agency. 2010-01-06. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-24. Nakuha noong 6 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Turkey's Minister in opening of Turkmenistan-Iran pipeline". World Bulletin. 2010-01-06. Nakuha noong 7 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)