Daniel Bernoulli
Itsura
Daniel Bernoulli | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Pebrero 1700 |
Kamatayan | 17 Marso 1782 (edad 82) |
Kilala sa | Prinsipyo ni Bernoulli, sinaunang teoriyang kinetiko ng mga gas, termodinamika |
Pirma | |
Si Daniel Bernoulli FRS ( /bərˈnuːli/; Suwisong Aleman: [bɛʁˈnʊli];[1] 8 Pebrero 1700 – 17 Marso 1782) ay isang Suwisong matematiko at pisiko at isa sa mga naging nangungunang matematiko mula sa mag-anak na Bernoulli. Partikular siyang naaalala dahil sa kaniyang paggamit o paglalapat ng matematika sa mekanika, natatangi na sa mekanika ng pluwido, at dahil sa kaniyang mapagpanimulang gawain sa probabilidad at estadistika. Ang gawain ni Bernoulli ay pinag-aaralan pa rin nang malawakan sa maraming mga paaralan ng agham sa buong mundo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mangold, Max (1990) Duden — Das Aussprachewörterbuch. 3. Auflage. Mannheim/Wien/Zürich, Dudenverlag.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko at Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.