Dario ang Medo
Si Dario ang Medo ay isang piksiyonal o kathang isip na karakter sa Aklat ni Daniel. Siya ay inilalarawan na isang hari na anak ni Ahasuerus na sumakop sa kahariang Babilonya na ang huling hari ayon sa Daniel 5:30-31 ay si Belshazzhar. Walang taong nagngangalang Dario ang Medo na sumakop sa Babilonya. Sa kasaysayan, ang huling hari ng Imperyong Neo-Babilonya ay si Nabonidus at ang imperyong Babilonya ay sinakop ni Dakilang Ciro noong 539 BCE. Ang mga Medo ay sinakop ni Ciro ng Persiya noong 550 BCE. Ayon sa mga iskolar, ang karakter na ito ay inimbento ng may-akda ng Aklat ni Daniel batay sa maling propesiya sa Bibliya na ang Imperyong Neo-Babilonya ay sasakupin ng Medes ayon sa Aklat ni Jeremias 51:11 at Aklat ni Isaias 13:1-17. Sa kasaysayan, ang Babilonya at Medes ay magka-alyansa na nagpabagsak sa Imperyong Neo-Asirya.