Pumunta sa nilalaman

David Licauco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
David Licauco
Si Licauco taon'g 2018
Kapanganakan
David Alexander Sy Licauco

(1994-06-15) 15 Hunyo 1994 (edad 31)
NasyonalidadPilipinong Tsino
TrabahoAktor, Modelo
Aktibong taon2014–kasalukuyan
AhenteStar Magic (2015–2016)
GMA Artist Center (2016–kasalukuyan)
Tangkad1.8 m (5 ft 11 in)

Si David Alexander Sy Licauco (ipinanganak noong 15 Hunyo 1994) ay isang aktor at modelo mula sa Pilipinas. Si Licauco ay isang modelo at manlalaro ng basketball at inatupag ang kanyang pagaarte at kasalukuyang nakakontrata sa himpilan ng GMA Network, noong 2016 at naging parte ng Mulawin vs. Ravena at lumabas sa mga programang tulad ng Kapag Nahati ang Puso, TODA One I Love, Heartful Café, at Mano Po Legacy: The Family Fortune. Noong 2020, kinilala siya bilang Most Promising and Hottest Actor of the Millennium sa Asia Pacific Luminare Awards, at nakatanggap ng parangal mula sa PMPC Star Awards at Platinum Stallion National Media Awards.[1]

Umusbong ang kasikatan ni Licauco sa buong bansa ng kanyang gampanan ang papel ni Fidel sa teleserye na Maria Clara at Ibarra, kung saan sumikat ang kanilang tambalan ng aktress na si Barbie Forteza.[2]

Ipinanganak si David Licauco sa pamilyang may lahing Filipino at Tsino, at apo ng kilalang parapsychologist na si Jaime Licauco. Isa siyang dating student-athlete at nagtapos ng Business Management major in Computer Applications sa De La Salle–College of Saint Benilde. Bago siya sumabak sa pag-arte, itinanghal siyang First Runner-Up sa Mr. and Ms. Chinatown Philippines 2014.[1]

Taon Pamagat Ginampanan Himpilan
2019 Wish Ko Lang: Against All Odds Niño GMA Network
Tadhana: Obsession Manny
Wish Ko Lang!: My Dream Debut Special Guest
TODA One I Love Kobe Generoso
One Hugot Away: Walang Label Ben
2018 Dear Uge: Isang Takong, Isang Tanong Andrew Salvador
Magpakailanman: Nakawin Natin ang Bawat Sandali Aron
Kapag Nahati ang Puso Zach Yee
2017 Mulawin vs. Ravena Malik
Pinulot Ka Lang sa Lupa Aiden
Karelasyon Rapist
Sa Piling ni Nanay SPO2 Alexander
2016 Karelasyon Teammate
Magpakailanman: Ang Sundalong Magiting Sgt. Canega
Ipaglaban Mo: Sabik John's Friend ABS-CBN
2015 FlordeLiza Simon
Year Title Role Note Company
2019 The Amazing Praybeyt Benjamin Terrorist Cameo appearance Star Cinema and Viva Films
2019 Because I Love You Rael Tansinco Lead role ALV Films, Garahe Film Productions and Regal Films
2024 Without You Axel Lead Role OctoArts Films
  1. 1.0 1.1 "Here are some interesting facts about David Licauco if you're a new fan". www.gmanetwork.com. Nakuha noong 2025-06-23.
  2. News, GMA Integrated (2023-03-28). "David Licauco on why he accepted 'Maria Clara at Ibarra' role: 'Honestly, kasi wala na kong pera'". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-23. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)

ArtistaPilipinasTsina Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pilipinas at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.