David Roldán Lara
David Roldán Lara | |
---|---|
Martir ng Digmaang Kristero | |
Ipinanganak | 2 Marso 1902 Chalchihuites, Zacatecas, Mehiko |
Namatay | 15 Agosto 1926 (edad 24) Chalchihuites, Zacatecas, Mehiko |
Pinarangalan sa | Simbahang Katoliko |
Beatipikasyon | 22 Nobyembre 1992, Plasa ni San Pedro, Lungsod Batikano ni Papa Juan Pablo II |
Kanonisasyon | 21 Mayo 2000, Plasa ni San Pedro, Lungsod Batikano ni Papa Juan Pablo II |
Kapistahan | 21 May (Mga Santo ng Digmaang Kristeto) 15 Agosto |
Si David Roldán Lara (2 Marso 1902 – 15 Agosto 1926) ay isang Mehikanong santo at martir. Isa siyang layko na napatay noong Digmaang Kristero. Kasapi siya sa Pambansang Liga para sa Pagtatanggol ng Kalayaang Pampananampalataya (National League for the Defense of Religious Liberty), isang samahang nagtatanggol ng mga Katolikong Mehikano laban sa pag-uusig ng sekularistang pamahalaan ng Mehiko. Pagkaraan ng unang pagpupulong ng samahan, dinakip ng mga sundalong Mehikano si Roldan at iba pang mga opisyal ng samahan, kasama ang pangulo nilang si San Manuel Morales. Noong Agosto 15, 1926, dinala si Roldan, kasama sina Morales, San Luis Batis Sainz, at San Salvador Lara Puente upang parusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril[1] dahil ayaw nilang talikuran ang kanilang posisyon.
Noong Mayo 21, 2000, itinanghal siyang santo ni Papa Juan Pablo II bilang isa sa mga 25 mga Martir ng Digmaang Cristero. Ipinagdiriwang ang pinagsamang kapistahan ng mga Martir ng Digmaang Kristero tuwing Mayo 21, at ang indibiduwal na kapistahan niya sa Agosto 15, ang petsa ng anibersaryo ng kanyang kamatayan. Ipinangalan ang isang parokyang simbahan ng Diyosesis ng Tampico sa kanya.[2][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Magnificat, Bol. 11, Blg. 6, Agosto 2009, pahina 122. (sa Ingles)
- ↑ "Prelate Named for Kingstown, St. Vincent and the Grenadines – ZENIT – English". zenit.org. Nakuha noong 2016-12-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Spiritan Appointed Bishop of Diocese of Kingstown". spiritans.org (sa wikang Ingles). Congregation of the Holy Spirit Province of the United States. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong 2016-12-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)