Salvador Lara Puente
Itsura
Si San Salvador Lara Puente ay isang Mehikanong santo at martir. Kasapi siya sa Pambansang Liga para sa Pagtatanggol ng Kalayaang Pampananampalataya (National League for the Defense of Religious Liberty), isang samahang nagtatanggol ng mga Katolikong Mehikano laban sa pag-uusig ng sekularistang pamahalaan ng Mehiko. Pagkaraan ng unang pagpupulong ng samahan, dinakip ng mga sundalong Mehikano si Puente at iba pang mga opisyal ng samahan, kasama ang pangulo nilang si San Manuel Morales. Noong Agosto 15, 1926, dinala si Puente, kasama sina Morales, San Luis Batis Sainz, at San David Roldan upang parusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Magnificat, Bol. 11, Blg. 6, Agosto 2009, pahina 122.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.