Pumunta sa nilalaman

Layko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang taong nakatayo sa pulpito na nakasuot ng kasuotang liturhikal ay isang klero, samantalang ang mga taong nakaupo sa ibaba ay kabilang sa mga layko

Sa mga organisasyong panrelihiyon, ang layko (Ingles: laity, bigkas: /ˈleɪəti/ na indibiduwal na tinatawag din sa Ingles na layperson, layman, o laywoman) ay tumutukoy sa lahat ng kasapi na hindi kabilang sa kaparian, karaniwang kasama ang mga hindi-ordinadong kasapi ng mga orden panrelihiyoso, gaya ng isang madre o kapatid na layko (lay brother).[1][2]

Sa sekular na paggamit, pinalawig ang kahulugan ng layko upang tukuyin ang isang tao na walang pormal na kuwalipikasyon sa isang propesyon o hindi eksperto sa isang partikular na larangan.[3] Ang pariralang Ingles na "layman's terms" (katawagang layko) ay tumutukoy sa payak at malinaw na wika na madaling maunawaan ng karaniwang tao, taliwas sa teknikal na salitang pang-espesyalista na nauunawaan lamang ng mga propesyonal.[4][5]

Noong nakaraan, ang mga katawagang tulad ng lay priest (laykong pari), lay clergy (laykong klero), at lay nun (laykong madre) ay ginamit sa ilang kulturang Budista, lalo na sa Hapon, upang tukuyin ang mga ordinadong tao na nanatiling namumuhay sa mas malawak na pamayanan sa halip na pumasok sa isang monasteryo. Sa ilang simbahang Kristiyano, mayroong mangangaral na lakyo, na nangangaral subalit hindi kabilang sa kaparian. Sa Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ginagamit ang katawagang lay priesthood (kapariang layko) upang bigyang-diin na ang mga lokal na pinuno ng kongregasyon ay hindi binabayaran.[6]

Ang salitang layko ay nangangahulugang "mga karaniwang tao" at nagmula sa Griyego na λαϊκός (laikos), na ibig sabihin ay “ng bayan,” mula sa λαός (laos), na nangangahulugang “bayan” o “mga tao” sa pangkalahatan.[7][8] Ang salitang Ingles na lay (bahagi ng layperson, atbp.) ay nagmula sa salitang Griyego sa pamamagitan ng Anglo-Pranses na lai, mula sa Huling Latin laicus.[2]

Kristiyanong layko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa maraming denominasyong Kristiyano, kabilang ang Simbahang Katolika at Anglikano, ang sinumang hindi naordinahan bilang diyakono, pari (matatandang namumuno), o obispo ay tinutukoy bilang layko.[9]

Ang Ikalawang Konseho ng Vaticano (1962–1965) ay naglaan ng isang dekreto tungkol sa apostolado ng mga layko, ang Apostolicam actuositatem,[9] at ng Kabanata IV ng dogmatikong konstitusyon nitong Lumen gentium para sa mga layko, sa isang kahulugang mas makitid kaysa sa karaniwang gamit nito sa Simbahang Katolika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Laity Naka-arkibo 2020-10-13 sa Wayback Machine. sa Catholic Encyclopedia (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 "lay person — definition of lay person by the Free Online Dictionary, Thesaurus and Encyclopedia" (sa wikang Ingles). Thefreedictionary.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-01-01. Nakuha noong 2014-06-24.
  3. "Definition of LAYPERSON". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-15. Nakuha noong 2020-09-30.
  4. Baum, Caroline (8 Setyembre 2011). "A Layman's Guide to the President's Jobs Speech: Caroline Baum" (sa wikang Ingles). Bloomberg. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 May 2015. Nakuha noong 3 Abril 2015.
  5. Murphy, Martin (Pebrero 2013). Theological Terms in Layman Language (sa wikang Ingles). Martin Murphy. ISBN 978-0-9856181-5-5. ...simple words like faith or not so simple words like aseity are explained in plain language.
  6. "How do Mormon congregations work?". news-nz.churchofjesuschrist.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Oktubre 2022.
  7. "laity - Dictionary Definition". Vocabulary.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-15. Nakuha noong 2020-09-30.
  8. "Laity | Encyclopedia.com". www.encyclopedia.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-15. Nakuha noong 2020-09-30.
  9. 9.0 9.1 "Apostolicam actuositatem" Naka-arkibo 2015-06-25 sa Wayback Machine.. Vatican.va. Retrieved on 2013-12-15. (sa Ingles)