Daymon Patterson
Daymon Patterson | |
---|---|
Kapanganakan | |
Trabaho | Kritiko ng pagkain |
Aktibong taon | 2010–ngayon |
Kilalang gawa | Best Daym Takeout (bidyo) |
Tangkad | 6 ft 5 in (196 cm)[1] |
Telebisyon | Rachael Ray |
Asawa | Ramyr Gonzales (k. 2012) |
Anak | 2 |
Si Daymon Scott "Daym" Patterson, mas kilala bilang Daym Drops, (ipinanganak noong Setyembre 24, 1977) ay isang Amerikanong kritiko ng pagkain, tanyag na tao sa YouTube, at tagapagtanghal sa telebisyon . Naging tanyag siya nang sumikat ang kanyang bidyo tungkol sa pagsusuri ng isang pagkaing mula sa kainan ng Five Guys sa YouTube. Nagbigay daan ito para sa isang sikat na kanta na ginawa ng Gregory Brothers . Siya ay ang nagtanghal sa programang Best Daym Takeout, isang programang pantelebisyon na nakatuon sa pagsusuri ng mga pagkain sa Travel Channel na nakabatay sa kanya at ilang mga aspeto na kinuha mula sa kanyang YouTube channel. Ito ay ipinalabas noong 2013.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago naging kritiko ng mga pagkain, nagtrabaho si Patterson bilang isang tagapamahala sa mga tindahan tulad ng Wal-Mart. Ngayon, nagsusuri siya ng mga pagkain mula sa mga kainan at maliliit na restawrant. Bukod pa rito, ang kanyang mga bidyo ay naglalaman ng mga pagkaing mula sa mga malalaking kainan tulad ng Burger King, McDonald's, Jack in the Box, In-N-Out Burger, at Taco Bell . Nakilala siya sa kanyang viral video na pinamagatang Five Guys Burgers and Fries Review, kung saan nagbigay siya ng mga komento at kritisismo tungkol sa cheeseburger at pritong patatas ng Five Guys . Ang bidyo ay ginawan ng kanta na pinamagatang "Oh My Dayum", isang gawa ng The Gregory Brothers na parehong kumalat sa Internet. Kasunod sa mga payo ng kanyang ina, sinasama na ni Patterson ang mga mas malulusog na pagkain sa kanyang mga bidyo at pagsusuri.
Lumitaw rin siya sa mga komersyal pantelebisyon para sa Popeyes at Burger King .