Diperensiyang henetiko
Diperensiyang henetiko (genetic disorder) | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
MeSH | D030342 |
Ang diperensiyang henetiko o sakit na henetiko (Ingles: genetic disorder) ay isang sakit na sanhi ng mga abnormalidad sa gene o kromosoma, lalo na ang isang kondisyong umiiral bago pa ang kapanganakan ng isang sanggol. Ang karamihan sa mga diperensiyang henetiko ay medyo bihira at umaapekto sa isang tao kada ilang libo o mga milyong tao. Ang isang diperensiyang henetiko ay maaari o hindi maaaring isang namamanang diperensiya o sakit. Ang ilang mga diperensiyang henetiko ay naipapasa mula sa mga gene ng magulang ngunit ang iba ay palagi o halos palaging sanhi ng bagong mga mutasyon o pagbabago sa DNA. Sa ibang mga kaso, ang parehong sakit gaya ng ilang mga anyo ng kanser ay maaaring sanhi ng namanang kondisyong henetiko sa ilang mga tao, sa pamamagitan ng mga bagong mutasyon sa ilang mga tao at mula sa mga hindi henetikong dahilan sa ibang mga tao. Ang ilang mga uri ng diperensiyang resesibong gene ay nagbibigay ng kalamangan sa ilang mga kapaligiran kung ang tanging isang kopya ng gene ay umiiral.
Diperensiya ng isang gene
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang diperensiya ng isang gene(single gene disorder) ay resulta ng isang mutadong(mutated) gene. Tinatayang may higit sa 4000 na mga sakit sa tao na sanhi ng mga depekto sa isang gene. Ang mga diperensiya ng isang gene ay maaaring maipasa sa mga kalaunang henerasyon sa ilang mga paraan. Ang henomikong paglilimbag(genomic impriting) at isang-magulang na disomya gayunpaman ay maaaring umapekto sa mga paterno ng pagmamana. Ang mga dibisyon sa pagitan ng resesibo at mga dominanteng uri ay hindi nakatakda bagaman ang mga dibisyon sa pagitan ng mga uring autosomal at X-pinadugtong(X-linked) ay nakatakda. Halimbawa, ang achondroplasia ay tipikal na tinuturing na isang dominanteng sakit ngunit ang mga anak na may dalawang gene para sa achondroplasia ay nag-aangkin ng matinding sakit pang kalansay(skeletal) na ang mga achondroplasics ay maaaring makitang mga tagapagdala nito. Ang sickle-cell anemia ay tinuturing ring isang resesibong kondisyon ngunit ang mga tagapagdalang heterozygous ay nagpataas ng resistansiya(hindi pagtalab) sa malaria sa simulang kabataan na maaaring ilarawan bilang isang kaugnay na dominanteng kondisyon. Kung ang isang mag-asawa kung saan ang isang asawa o parehong mag-asawa ay dumaranas o tagapagdala ng diperensiya ng isang gene at nagnanais na magkaanak, maaari nila itong gawain sa pamamagitan ng IVF na ang ibig sabihin ay maaari silang magkaroon ng (pre-implantation genetic diagnosis) upang tingnan kung ang embryo ay napasahan ng henetikong diperensiya.
Dominanteng autosomal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tanging isang mutadong kopya ng gene ay kinakailangan para sa isang tao na mahawaan ng diperensiyang dominanteng autosomal. Ang bawat apektadong indibidwal ay karniwan may isang apektadong magulang. May 50% tsansa na ang isang bata ay magmanan ng mutadong gene. Ang mga kondisyon na ang dominanteng autosomal ay minsan may nabawasang pagtagos na nangangahulugan kahit ang isang mutadong kpya ay kailangan, hindi lahat ng mga indibidwal na nagmana ng mutasyon ay tutuloy sa pagkakaroon ng sakit na ito. Ang mga halimbawa ng diperensiyang ito ang sakit ni Huntington, neurofibromatosis type 1, neurofibromatosis type 2, sindromang Marfan, hereditary nonpolyposis colorectal cancer, at hereditary multiple exostoses na mataas na tumatagos na diperensiyang dominanteng autosomal. Ang mga depekto sa kapanganakan ay tinatawag ring mga anomalyang konhenital.
Resesibong autosomal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang dalawang kopya ng gene ay dapat maging mutado(mutataed) para sa isang indibidwal na mahawaan ng isang diperensiyang resesibong autosomal. Ang isang apektadong tao ay karaniwang may hindi apektadong mga magulang na ang bawat isa ay tagapagdala ng isang kopya ng mutadong gene(at tinatawag na mga tagapagdala). Ang dalawang hindi apektadong mga tao na ang bawat isa ay nagdadala ng isang kopya ng mutadong gene ay mayroong 25% tsansa sa bawat pagbubuntis na magkaroon ng anak na apektado ng diperensiyang ito. Ang mga halimbawa ng diperensiyang ito ang cystic fibrosis, sickle-cell disease, Tay-Sachs disease, Niemann-Pick disease, spinal muscular atrophy, atsindromang Roberts. Ang ilang mga phenotipo gaya ng basa laban sa tuyong tutuli(earwax) ay natutukoy rin sa kagawiang resesibong autosomal.
Dominanteng X-kaugnay(X-linked)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga diperensiyang dominanteng X-kaugnay ay sanhi ng mga mutasyon sa gene sa kromosomang X. Tanging mga ilang diperensiya o sakit ang may paternong pagmamanang ito na ang pangunahing halimbawa ang X-linked hypophosphatemic rickets. Ang mga lalake at babae ay parehong apektado sa mga diperensiyang ito na ang mga lalake ay mas malabis na apektado kesa sa mga babae. Ang ilang mga kondisyong X-kaugnay gaya ng sindromang Rett, incontinentia pigmenti type 2 at sindromang Aicardi ay karaniwang nakamamatay sa mga lalake sa utero o sandaling pagkatapos ng kapanganakan nito. Ang mga ekspeksiyon dito ang matinding mga bihirang kaso kung saan ang mga lalakeng may sindromang Klinefelter(47,XXY) ay nagmamanan rin ng kondisyong dominanteng X-kaugnay at nagpapakita ng mga sintomas na mas katulad sa mga babae ayon sa kalalaan ng sakit. Ang tsansa ng pagpasa ng diperensiyang X-kaugnay ay magkaiba sa pagitan ng mga lalake at babae. Ang mga anak na lalake ng tatay na may diperensiyang dominanteng X-kaugnay ay lahat hindi magiging apektado(dahil tinatanggap ng mga ito ang kromosomang Y ng kanilang ama) at ang mga anak na babae ng tatay na ito ay lahat magmamana ng kondisyong ito. Ang isang babae ay diperensiyang dominanteng X-kaugnay ay may 50% tsansa na magkaroon ng nahawaang fetus sa bawat pagbubuntis bagaman dapat tandaan na sa mga kasong gaya ng incontinentia pigmenti, ang tanging mga supling na babae ay pangkalahatang nabubuhay. Sa karagdagan, bagaman ang mga kondisyon ito ay hindi nagbabago ng pertilidad per se, ang mga indibidwal na may sindromang Rett o sindromang Aicardi ay bihirang nagkakaanak.
Resesibong X-kaugnay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kondisyong resesibong X-kaugnay(X-linked) ay sanhi rin ng mga mutasyon sa gene sa kromosomang X. Ang mga lalake ay mas kalimitang nahahawaan nito kesa sa mga babae at ang tsansa ng pagpasa ng diperensiyang ito ay magkaiba sa pagitan ng mga lalake at babae. Ang mga anak na lalake ng isang tatay na may diperensiyang resesibong X-kaugnay ay hindi mahahawaan at ang mga anak na babae ng tatay na ito ay magdadala ng isang kopya ng mutadong gene. Ang isang babae na tagapagdala ng X-linked recessive disorder (XRXr) ay may 50% tsansa na magkaroon ng mga anak na lalake na mahawaan at 50% tsansa na magkaroon ng mga anak na babae na magdadala ng isang kopya ng mutadong gene at kaya ang mga ito ay tagapagdala. Ang mga kondisyong resesibong X-kaugnay ay kinabibilangan ng mga malalang sakita gaya ng Hemophilia A, Duchenne muscular dystrophy, at sindromang Lesch-Nyhan gayundin ang karaniwan mas hindi malalang mga kondisyon gaya ng pagkakalbong paternong lalake(male pattern baldness) at pagkabulag sa pula-berdeng kulay. Ang mga kondisyong resisibong X-kaugnay ay minsan maaaring magpamalas sa mga babae sanhi ng lumikong X-inaktibasyon o monosomya X(sindromang Turner).
Y-kaugnay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga diperensiyang Y-kaugnay ay sanhi ng mga mutasyon sa kromosomang Y. Dahil ang mga lalake ay nagmamana ng kromosomang Y sa kanilang mga ama, ang bawat anak na lalake ng isang apektadong ama ay mahahawaan rin. Dahil ang mga babaeng anak ay nagmamanan ng kromosomang X sa kanilang mga ama, ang mga supling na babae ng mga apektadong ama ay hindi kailanman mahahawaan. Dahil sa ang kromosomang Y ay relatibong maliit at naglalaman ng napakaunting mga gene, may relatibong kaunting mga diperensiyang Y-kaugnay. Kalimitan, ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagkabaog na maaaring malagpasan sa pamamagitan ng tulong ng ilang mga paggamot sa pertilidad. Ang mga halimbawa nito ang pagkabaog sa lalake at hypertrichosis pinnae.
Mitochondrial
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang uri ng pagmamanang ito na tinatawag ring pang-inang pagmamana ay lumalapat sa mga gene sa mitochondrial DNA. Dahil sa ang tanging mga ovum ang nag-aambag ng mitochondria sa umuunlad na embryo, ang tanging mga ina ang maaaring makapagpasa ng mga kondisyong mitochondrial sa mga anak nito. Ang isang halimbawa ng uri ng diperensiyang ito ang Leber's hereditary optic neuropathy.
Pangmaramihang paktor at polihenikong(komplikado) mga diperensiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga diperensiyang henetiko ay maaari ring komplikado(complex), multipaktoryal o poliheniko na nangangahulugan ang mga ito ay malamang kaugnay ng mga epekto ng maraming mga gene na kasama ng pamumuhay at mga paktor pangkapaligiran. Ang mga diperensiyang multipaktoryal ay kinabibilangan ng sakit sa puso at diabetes. Bagaman ang mga komplikadong diperensiya ay kalimitang nagkukumpol sa mga pamilya, ang mga ito ay walang maliwanag na paterno ng pagmamana. Ito ang gumagawa rito na mahirap na tumukoy sa panganib ng isang indibidwal na mamana o maipasa ang mga diperensiyang ito. Ang mga komplikadong diperensiya ay mahirap ring mapag-aralan at gamutin dahil ang mga spesipikong paktor na nagsasanhi ng karamihan sa mga diperensiyang ito ay hindi pa natutukoy sa kasalukuyan.
Sa pedigree(linya ng mga ninuno), ang mga polihenikong sakit ay may kagawian lumabas sa maraming kasapi ng mga pamilya ngunit ang pagmamana ay hindi nagkakasya sa isang simpleng mga paterno gaya ng mga sakit na Mendelian. Ngunit hindi ito nangangahulugan ang mga gene ay hindi kalaunang matutukoy at mapag-aaralan. Mayroon ding malakas na sangkap pangkapaligiran sa marami sa mga ito(e.g., presyon ng dugo).
- Dyslexia
- hika
- sakit na autoimmuno gaya ng multiple sclerosis
- kanser
- ciliopatiya
- cleft palate
- diabetes
- sakit sa puso
- altapresyon
- implamatoryong sakit ng
- retardasyong mental
- diperensiya ng mood
- obesidad
- pagkakamaling repraktibo
- pagkabaog
Prognosis at paggamot ng mga diperensiyang henetiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga diperensiyang henetiko ay bihirang may epektibong mga paggamot bagaman ang terapiyang gene ay sinusubok bilang posibleng paggamot sa ilang mga sakit henetiko kabilang ang ilang mga anyo ng retinitis pigmentosa. Ang sakit na Gauchers ay isang henetikong sakit na umaapekto sa metabolismo. Ito ay mas magagamot kesa sa karamihan ng ibang mga sakit henetiko at maaring magamot sa pamamagitan ng terapiyang pagpapalit ng ensaym(enzyme replacement therapy), gamot na miglustat at transplantasyon ng marrow ng buto.
Talaan ng mga diperesiyang henetiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sumusunod ay talaan ng mga sakit na henetiko at kung alam ay ang uri ng mutasyon at sa kromosomang kinasasangkutan. May alam na 6,000 sakit na henetiko sa mga tao.Ang mga sakit na henetiko ay ay makikita rin sa iba't ibang uri ng hayop.
Pinakakaraniwang sakit na henetiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]- P – Point mutation, o o pagpasok o pagbura sa loob ng isang gene
- D – Pagbura sa isang gene o mga gene
- Dup - Duplikasyon ng isang gene o mga gene
- C – Buong ekstrang Kromosoma, nawawala o pareho (abnormalidad sa kromosoma)
- T – Trinucleotide repeat disorder: Ang gene ay humaba
Diperensiyang Henetiko | Kromosoma | Mutasyon |
---|---|---|
Angelman syndrome | 15 b | DCP |
Canavan disease | 17p | |
Charcot–Marie–Tooth disease | 17p12[1] | Dup |
Color blindness | X | P |
Cri du chat syndrome | 5 | D |
Cystic fibrosis | 7q | P |
DiGeorge syndrome | 22q | D |
Down syndrome | 21 | C |
Duchenne muscular dystrophy | Xp | D |
Familial hypercholesterolemia | 19 | P |
Haemochromatosis type 1 | 6 | P |
Hemophilia | X | P |
Klinefelter syndrome | X | C |
Neurofibromatosis | 17q/22q/? | |
Phenylketonuria | 12q | P |
Polycystic kidney disease | 16 (PKD1) or 4 (PKD2) | P |
Prader–Willi syndrome | 15 | DCP |
Sickle cell disease | 11p | P |
Spinal muscular atrophy | 5q | DP |
Tay–Sachs disease | 15 | P |
Turner syndrome | X | C |
Kumpletong talaan ng mga sakit na henetiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "OMIM Entry - # 118220 - CHARCOT-MARIE-TOOTH DISEASE, DEMYELINATING, TYPE 1A; CMT1A".
- ↑ Rodan LH, Qi W, Ducker GS, Demirbas D, Laine R, Yang E, atbp. (Setyembre 2018). "5,10-methenyltetrahydrofolate synthetase deficiency causes a neurometabolic disorder associated with microcephaly, epilepsy, and cerebral hypomyelination". Molecular Genetics and Metabolism. 125 (1–2): 118–126. doi:10.1016/j.ymgme.2018.06.006. PMC 6557438. PMID 30031689.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mitchel MW, Moreno-De-Luca D, Myers SM, Levy RV, Turner S, Ledbetter DH, Martin CL (1993). "17q12 Recurrent Deletion Syndrome". Sa Adam MP, Ardinger HH, Pagon RA, Wallace SE, Bean LJ, Stephens K, Amemiya A (mga pat.). GeneReviews®. Seattle (WA): University of Washington, Seattle. PMID 27929632. Nakuha noong 2021-02-16.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Roehlen N, Hilger H, Stock F, Gläser B, Guhl J, Schmitt-Graeff A, atbp. (Oktubre 2018). "17q12 Deletion Syndrome as a Rare Cause for Diabetes Mellitus Type MODY5". The Journal of Clinical Endocrinology and Metabolism. 103 (10): 3601–3610. doi:10.1210/jc.2018-00955. PMID 30032214.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wan S, Zheng Y, Dang Y, Song T, Chen B, Zhang J (2019-05-17). "Prenatal diagnosis of 17q12 microdeletion and microduplication syndrome in fetuses with congenital renal abnormalities". Molecular Cytogenetics. 12 (1): 19. doi:10.1186/s13039-019-0431-7. PMC 6525371. PMID 31131025.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ferry Jr RJ. "Allgrove (AAA) Syndrome". Medscape. Nakuha noong 15 Hunyo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Orphanet: Alagille syndrome". www.orpha.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "CDKL5 deficiency disorder". MedlinePlus. Nakuha noong 7 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Orphanet: CEDNIK syndrome". Nakuha noong 8 Mayo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "FBR Model for Genetic Tests|ACCE|Genetic Testing|Genomics|CDC". www.cdc.gov. Nakuha noong 2017-10-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Langer LO, Cervenka J, Camargo M (Marso 1989). "A severe autosomal recessive acromesomelic dysplasia, the Hunter-Thompson type, and comparison with the Grebe type". Human Genetics. 81 (4): 323–8. doi:10.1007/BF00283684. PMID 2703235. S2CID 27942659.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Orphanet: Congenital muscular dystrophy". www.orpha.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History and Prevalence of Cri du Chat Syndrome". findresources. Nakuha noong 15 Hunyo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OMIM Entry - # 123450 - CRI-DU-CHAT SYNDROME".
- ↑ "Distal Myopathies - Types of Distal MD". Muscular Dystrophy Association (sa wikang Ingles). 2015-12-18. Nakuha noong 2019-04-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OMIM Entry - # 310200 - MUSCULAR DYSTROPHY, DUCHENNE TYPE; DMD". omim.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Uitto J, Has C, Vahidnezhad H, Youssefian L, Bruckner-Tuderman L (Enero 2017). "Molecular pathology of the basement membrane zone in heritable blistering diseases:: The paradigm of epidermolysis bullosa". Matrix Biology. 57–58: 76–85. doi:10.1016/j.matbio.2016.07.009. PMID 27496350.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fine JD (Nobyembre 2016). "Epidemiology of Inherited Epidermolysis Bullosa Based on Incidence and Prevalence Estimates From the National Epidermolysis Bullosa Registry". JAMA Dermatology. 152 (11): 1231–1238. doi:10.1001/jamadermatol.2016.2473. PMID 27463098.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Faughnan ME, Mager JJ, Hetts SW, Palda VA, Lang-Robertson K, Buscarini E, atbp. (Disyembre 2020). "Second International Guidelines for the Diagnosis and Management of Hereditary Hemorrhagic Telangiectasia". Annals of Internal Medicine. 173 (12): 989–1001. doi:10.7326/M20-1443. PMID 32894695. S2CID 221542952.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OMIM Entry – # 236200 – Homocystinuria Due to Cystathionine Beta-Synthase Deficiency". omim.org. Nakuha noong 2018-03-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schinzel, Albert; Niedrist, Dunja (2001). "Chromosome imbalances associated with epilepsy". American Journal of Medical Genetics. 106 (2): 119–124. doi:10.1002/ajmg.1576. PMID 11579431.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Orphanet: Autosomal recessive limb girdle muscular dystrophy". www.orpha.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Orphanet: Autosomal dominant limb girdle muscular dystrophy". www.orpha.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'MEDNIK': A novel genetic syndrome". EurekAlert! (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-10-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hereditary disorder found in Que. families". CTV News. 4 Disyembre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OMIM Entry - # 217085 - CONGENITAL HEART DEFECTS, HAMARTOMAS OF TONGUE, AND POLYSYNDACTYLY; CHDTHP". omim.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OMIM Entry – # 176860 – Thrombophilia Due to Protein C Deficiency, Autosomal Dominant; THPH3". omim.org. Nakuha noong 2018-03-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OMIM Entry - # 300263 - SIDERIUS X-LINKED MENTAL RETARDATION SYNDROME; MRXSSD". omim.org. Nakuha noong 2019-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OMIM Entry - # 300705 - CHROMOSOME Xp11.22 DUPLICATION SYNDROME". omim.org. Nakuha noong 2019-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Further reading
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Specific Genetic Disorders". National Human Genome Research Institute (NHGRI). genome.gov. Nakuha noong 15 Nobyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - "Congenital and Genetic Diseases | Genetic and Rare Diseases Information Center (GARD) – an NCATS Program". rarediseases.info.nih.gov (sa wikang Ingles). NIH.gov. Nakuha noong 15 Nobyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - "Color Vision deficiency | Genetics Home Reference". ghr.nlm.nih.gov.