Pagkakahati ng Korea
Ang Pagkakabahagi o Pagkakahati ng Korea na naging Hilagang Korea at Timog Korea ay ang resulta ng pagkapanalo ng mga alyado sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, sa pagtapos ng 35 taong pamumunong kolonyal ng Imperyo ng Hapon. Sumang-ayon ang Estados Unidos at Unyong Sobyet sa pansamantalang pag-okupa ng bansa na nasa loob ng purok na pangkontrol sa kahabaan ng ika-38 paralelo sa hilaga.
Sa panimula ng Digmaang Malamig, nabigo ang usapan sa pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet para sa malaya at iisang Korea. Noong 1948, ginanap ang halalan sa katimugang bahagi ng Korea lamang na pinangasiwaan ng Nagkakaisang Nasyon (UN). Ito ang naghantong sa pagkakatatag ng Republika ng Korea sa Timog Korea, na siya namang agad na sinundan ng pagkakatatag ng Demokratikong Pangmadlang Republika ng Korea sa Hilagang Korea. Sinuportahan ng Estados Unidos ang Timog, habang sinuportahan naman ng Sobyet ang Hilaga, at inaangkin ng bawat pamahalaan ang soberaniya sa buong tangway Koreano.
Ang Digmaang Koreano (1950–53) ang tuluyan nang nagpahati sa dalawang Korea sa pamamagitan ng Purok Desmilitarisadong Koreano (DMZ) dahil sa Digmaang Malamig at higit pa. Nakita naman sa ika-21 siglo ang mga napabuting ugnayan sa pagitan ng dalawang panig, na pinangungunahan sa Timog ng mga pamahalaang liberal, na higit na amigable sa Hilaga, kumpara sa mga nagdaang pamahalaan.[1] Malakihan namang nabaligtad ang mga pagbabagong iyon sa ilalim ng konserbatibong pangulo ng Timog Korea na si Lee Myung-bak na tumutol sa tuluyang pagpapayabong sa mga armas pang-nuklear ng Hilaga.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Feffer, John (Hunyo 9, 2005). "Korea's slow-motion reunification". Boston Globe. Nakuha noong 2007-08-13.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.