Pumunta sa nilalaman

Diborsiyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Divorce)

Ang diborsiyo (kilala din bilang disolusyon ng kasal o pagkabuwag ng kasal) ay ang proseso ng pagwakas ng isang kasal o unyong marital.[1] Kadalasang kinakailangan sa diborsiyo ang pagkansela o muling pag-organisa ng mga legal na tungkulin at responsibilidad ng kasal, kaya, binubuwag ang mga bigkis ng matrimonya sa pagitan ng isang mag-asawang kasal sa ilalim ng patakaran ng batas ng partikular na bansa o estado. Maaring sabihin na ito ang isang legal na pagbubuwag ng isang kasal ng isang korte o ibang ahensiyang may kakayahan.[2] Isa itong prosesong legal ng pagwawakas ng kasal.[3]

Sa buong mundo, ang Malta ang huling bansa na ginawang legal ang diborsiyo nang nagdesisyon ang mga mamamayan nito sa isang reperendum noong 2011.[4] Kaya dito, tanging ang Pilipinas na lamang, bukod sa Lungsod Batikano, ang nagtuturing sa diborsiyo bilang ilegal.[5][6] Bagaman, pinapahintulot ng Personal na Kodigong Muslim ang pagdiborsiyo ng mag-asawa sa Pilipinas na kinasal sa pamamagitan ng ritong Islamiko sa ilalim ng partikular na kalagayan. Kaya sa mga hindi kasal sa ritong Islamiko, ang annulment o pagpapawalang-bisa ng kasal ay ang tanging legal na paraan para umalis sa estadong kasal sa Pilipinas. Maari din na maghain ang mag-asawa ng legal na paghihiwalay, na tinutukoy din minsan bilang relative divorce (o diborsiyong relatibo), bagaman, hindi winawakasan ang kasal sa prosesong ito. Sinasalungat ng diborsiyong relatibo ang diborsyong ganap, isang kalagayan kung saan pinapahintulot ang muling pagpapakasal.[7]

Sa mga bansang may diborsiyo, malaki ang pagkakaiba ng mga batas tungkol sa diborsiyo,[1] subalit sa karamihan, nangangailangan ang diborisyo ng pahintulot ng isang korte o ibang awtoridad sa isang legal na proseso, na maaring kinakasangkutan ng isyu ng distribusyon ng pagmamay-ari,[8] kustodiya ng anak,[8] sutento, pagbisita / pagkita ng anak, oras ng pagiging magulang, suporta sa anak, at dibisyon ng utang. Sa karamihan din ng mga bansa, kinakailangan ng batas ang katayuang monogamya (taliwas sa bigamya), kaya, pinapahitulot ng diborsiyo ang makasal sa ibang tao.

Iba ang diborsiyo sa annulment o pagpapawalang-bisa, na dinedeklera ang kasal na walang bisa o hindi balido mula pa noong una, Iba din ito sa legal na paghihiwalay o de jure na paghihiwalay, na isang prosesong legal kung saan maaring gawing pormal ng mag-asawa ang de facto na pakikipaghiwalay habang nanatiling legal na kasal. Iba't iba ang binibigay na dahilan sa diborsiyo, mula sa seksuwal na inkompatibilidad o kulang sa kalayaan para sa isa o parehong asawa hanggang sa sagupaan ng personalidad o pagtataksil.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Divorce". Encyclopaedia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-22. Nakuha noong 2018-09-22.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Federal Arbitration Act and Application of the "Separability Doctrine" in Federal Courts". Duke Law Journal. 1968 (3): 588–614. Hunyo 1968. doi:10.2307/1371645. ISSN 0012-7086. JSTOR 1371645.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. UMOH, UMOH (2020-07-05). "Nollywood Imperialism and Academic Performance in Basic Science Subject Among Secondary School Students in Calabar South Local Government Area of Cross River State, Nigeria". The American Journal of Social Science and Education Innovations (sa wikang Ingles). 02 (7): 1–23. doi:10.37547/tajssei/volume02issue07-01. ISSN 2689-100X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hundley, Tom; Santos, Ana (19 Enero 2015). "The Last Country in the World Where Divorce Is Illegal". Foreign Policy (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Santos, Ana (25 Hunyo 2015). "The Only Country in the World That Bans Divorce". The Atlantic (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Philippines: a global holdout in divorce". New Internationalist (sa wikang Ingles). 5 Hulyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Abril 2023. Nakuha noong 15 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Juco, Jorge (Abril 1966). "Fault, Consent and Breakdown-The Sociology of Divorce Legislation in the Philippines" (PDF). Philippine Sociological Review: 67–76. Nakuha noong 13 Abril 2023.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "Divorce". Family law. Encyclopaedia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-22. Nakuha noong 2018-09-22.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. The Covenant Divorce Recovery Leader's Handbook - Page 166, Wade Powers - 2008 (sa Ingles)