Ama

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Ama (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Papa (paglilinaw).


Ang ama (Ingles: father)[1] ay ang lalaking magulang ng anumang uri ng anak o supling.[2] Karamihan sa mga hayop, kabilang ang mga tao, ang ipinanganak mula sa isang ina at sa isang ama dahil sa kanilang pag-ibig at pagtatalik. Ang ina ang nagdadalangtao at nagluluwal ng sanggol. Tinatawag na ama sa batas o biyenang lalaki ang ama ng asawa ng isang tao.

Sa ilang mga kultura, nangangahulugang "pinuno" ang ama. Paminsan-minsang tinataguriang mga Ama ang mga tagapagtatag ng isang bansa, gayundin ang mga manlilikha ng isang larangan o kaya mga imbentor.

Sa ilang mga relihiyon, katulad ng Hudaismo o Kristiyanismo, tinatawag ang Diyos bilang Ama. Sa paniniwalang Kristiyano, may tatlong mga persona o katauhan ang Diyos: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Ginagamit din ang padre[1] (mula sa wikang Kastila na may ibig sabihing "ama") bilang pamagat o katawagan para sa mga paring Katoliko.

Katumbas ng ama ang tatay, tatang, itay, itang, at papa.[1]

Tinatawag na ama sa turing ang isang ama-amahan o hindi tunay na ama, kinikilalang ama bagaman pangalawa o naging tinuturing na "ama" dahil sa muling pag-aasawa ng tunay na ina. Isa sa halimbawa ng ama sa turing si San Jose, ang ama-amahan ng anak ni Mariang si Hesus.[3]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. "Father". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 
  2. "WordNet". http://wordnet.princeton.edu/perl/webwn?s=father. Hinango noong 2007-12-14. 
  3. Abriol, Jose C. (2000). "Ama sa turing". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077. , paliwanag na kasama ng ukol sa mga kapatid at Anak ni Maria}}, talababa bilang 3, pahina 1489.


Tao Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.